Chapter 5 part II: How I Met *tootoooot* II

100 0 2
                                    

Nakakakilabot kaya.

"Sab..."

"Oh, bakit?"

"Tara, baba na tayo."

Tinanong pa niya kung bakit. Tanga rin tong si Sab ee, no? Hindi ko na sinagot yung tanong niya. Hiniglat ko nalang siya paalis.

Habang naglalakad kami palayo dun sa weirdo na girl nangungulit siya. Tanong siya ng tanong kung bakit. Kainis din tong lalaking to ee. Hindi lang corny, anga-anga pa.

Yan. Nakasakay na rin sa elevator, pababa. Sinabi ko na rin sa kanya kung bakit ako kinilabutan bigla at nag-ayang bumaba. Nagets nya makaraan ang ilang segundo. Ang-slow grabe.

Time check...

....

....

uhm....

shet....

Nasan na yung orasan?

Ayun. 10:25 am.

P.E. ang subject namin ngayon. Nasa may gym kame. Nakakatuwa yung mga kaklase ko. Kanya-kanya silang laro. Agawang Base, Ubusang Lahi, Luksong Baka, Tumbang Preso, Patintero, at kung anu-ano pa. Ako? Nandito sa sulok. Grabe naman kasi nakakatamad magdala ng uniform. Nakalimutan ko naman ilagay sa locker ko (oo, may locker kami) kahapon.

Matutulog na sana ako nang bigla kong maalala yung papel.

Kapa-kapa ko yung mga bulsa ko nang may nakita akong papel sa sahig.

Pinulot ko.

Yun nga yung papel. Baka nahulog mula sa pagkakaupo ko kanina.

Eto na. Moment of Truth.

Unti-unti kong binuksan. Konting silip. May nakita na akong mga nakasulat.

Pagkabuklat ko....

...

WT--!

---------------------------------------------

PATIO. AFTER CLASS.

---------------------------------------------

Shet! Ano 'to? Sino kaya 'to? Baka rape'in lang ako neto? Buti sana kung maganda, ako pa mismo maghuhubad ng damit ko. Pero kung panget 'to putek wag nalang! Sayang lang kagwapuhan ko!

Nagre-recall ako sa mga nangyari saken. Baka matandaan ko kung sino talaga yung nambato saken neto.

Baka yung isang tawa ng tawa?

Baka yung bochog samen?

Wait lang. Parang namukhaan ko sa classroom kanina yung nag-abot saken dati nung papel na punung-puno ng contact numbers ee. Siya kaya yun?

Haaaayst. Bahala na nga lang. Punta nalang ako ng Patio mamaya.

Bablik na sana ako sa pagkakahiga ko nang may lumapit sa akin.

"Hi. I'm Pitt. Red Pitt. Yours, is... ?"

wow. English. Shet. Tissue, pahingi.

Tumayo ako. Napaka-improper naman kung hindi ako tatayo, 'di ba?

"(clears throat) Roque, (handshake) Ian Roque."

Tumawa siya. Di ko alam kung bakit pero natawa nalang din ako. Dahil ata dun sa sinabi ko.

Umupo siya. Napaupo narin ako. Tinanong niya kung alam ko yung site na "9gag". Sabi ko oo.

Ayun. Nagkwentuhan kami doon sa sulok na yun. Wala daw siya masalihang laro kaya naggala-gala siya and sakto nakita niya ako kaya naglakas-loob daw siyang lumapit.

Diary ng GwapoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon