Hanggang Ngayon

415 0 0
                                    

Isang umaga minulat ko ang aking mata.
Tumayo sa pagkakahiga.
Dumeretso sa Salamin para makita.
Makita ang mugto kong mga mata.
Sa harap ng salamin tinatanong ko na.
Ano ba ang mali?
Bakit hindi ka nanatili.
Bakit umalis ka ng nagmamadali.
At Bakit ang luwag ng yakap mo sa huli?

Sana naman Tinulungan mo 'kong punasan ang luha ko.
Hindi yung mas inuna mo pang punahin ang bawat yapak mo palayo.
Sana hindi mo na hinawakan ang kamay ko.
Hindi yung pinaandar mo lang ako sa bawat higpit, pero bibitawan din sa pamamagitan ng paunti unting luwag ng kapit.
Sana hindi mo nalang ako sinalo.
Dahil mas mainam ng nahulog ako ng walang sumalo, kaysa naman sa sinalo ako pero bibitawan din kapag nabibigatan na dito.

Dahil hanggang ngayon.
Hanggang ngayon tumutulo parin sila. Inaantay ko ng maubos pero wala akong magawa.
Hanggang ngayon ramdam ko parin at iniisip ko parin ang bawat yapak mo papalayo sa akin.
Hanggang ngayon.
Hanggang ngayon ramdam ko parin ang pag hawak mo sa kamay ko pero mas damang dama ko ang pagluwag at ang pag bitaw mo dito.
Hanggang ngayon.
Hanggang ngayon iniisip ko parin, ramdam ko parin ang pagsalo mo.
Ang araw na una akong tumitig ng matagal sa mata mo.
Ang araw na una akong nahimbing sa yakap mo.
Ang araw na una kong nahawakan ang kamay mo.
Ang araw na sinalo mo ko.
Pero, mas ramdam ko ngayon kung paano mo ako hinayaan. Na Kung gaano kabilis ang iyong pagsalo siya ding bilis kung paano mo ko binitawan.
At hanggang ngayon.
Hanggang ngayon nakatitig parin ako sa salamin. Nang dahil sa luha ko nanlalabo na ang aking paningin.
Hanggang ngayon damang dama ko pa din ang sakit. Bakit ba kasi hindi ka kumapit. Ang sakit.

Mugtong mugto na talaga ang mata ko.
Gusto ko ng bumalik sa Pagtulog ko.
Pero may isang gusto ako.
Sana hindi na dumilat ang mata ko para wala na ang sakit na hanggang ngayon,
Damang dama ko.

- Rconpash ^o^

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon