NOTE # 9 PRE FINALE

4K 119 7
                                    

March na,mabilis lumipas ang panahon,at ngayon nga wala na kaming ginawa kundi ang mag practice para sa graduation,wala na akong hahabuling requirements dahil nakumpleto ko na.

"Anong balak mo after graduation?" tanong ni Andre,tapos na ang practice ng graduation at nandito kami sa isang fast food.

"Sa ngayon hindi ko pa alam. Mag a-apply siguro?." ang sagot ko.

"San naman?" ang agad na tanong ni Tina.

"Ewan,bahala na." ang sagot ko naman. Langya talaga,parang wala na naman ako sa mood. Naaalala ko kasi si Gero,ilang beses ko ding napanaginipin na dumating daw sya sa araw ng graduation ko.

Ang laki na talaga ng pinagbago ko dahil sa pagmamahal ko sa kanya,sana sa oras na banggitin ko sa kanya ang mga naging kasalanan ko ay matanggap pa nya ako,pero kung hindi ay tatanggapin ko,after all,kasalanan ko naman kasi.

"May problema ba?" ang agad na tanong ni Boom.

"Wala,medyo wala lang ako sa mood. Pwede na ba akong mauna umuwi?" ani ko at tumayo na.

"Sabay na ako. May lakad pa kami ng sister ko." sabi naman ni Mariah at tumayo na din.

"Ako din." dagdag ni Kiyuu.

"Edi umuwi na tayong lahat! Mga baliw." natatawang dagdag ni Claire.

"Kita kita na lang bukas." paalam ni Mon. Kaya nagkanya kanya na kami. Kasama ko sa jeep sina Kiyuu at Mariah dahil sa amin din naman ang daan papunta sa kanila.

Pagdating ko sa bahay ay nagulat pa ako na nandun sina kuya Kheem at ate Britanny.

"Oh ayan na pala si Kayden." ani Papa,nasa sofa sila at kadadating lang ni Mama na naglapag ng meryenda sa lamesita.

Lumapit ako at nagmano kina mama at papa bago bumaling kina kuya Kheem.

"Kuya,ate. Kamusta? Napadalaw kayo?" ani ko.

"Malapit na graduation mo diba?" ani kuya Kheem.

"Opo. Next week na." sagot ko naman.

"Well,nangulit kasi tong ate Brit mo na puntahan ka at itreat." nakangiting sabi ni kuya Kheem kaya bumaling ako kay ate Brit.

"Naalala ko kasing naka pangako kami sayo. At saka alam mo naman,hindi ka na iba sa amin." sabi ni ate Brit at kinain yung tinapay.

"At ngayon namin naisipang gawin iyon. What can you say?" dagdag pa ni Kuya Kheem. Napangiti na lang ako pati sina Mama at Papa.

"Nako,ate,kuya. Hindi nyo naman kailangang gawin yon." ang nahihiya kong sabi at napahawak pa ako sa batok ko.

"Huwag ka ng mahiya anak,sige na." nakangiting pagsali ni Mama.

"Kailangan mo yan anak. Masyado kang nasubsob sa pag aaral." dagdag pa ni Papa.

"O pano ba yan? Four versus one. Talo ka. Sasama ka sa amin ni ate Brit mo ngayon kaya magbihis ka na." nakangising sabi ni kuya Kheem kaya wala na din akong nagawa kundi pumasok sa kwarto para magpalit ng damit.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko na baka sorpresahin nila ako na nandito na sina Gero at Jaiiron. Pero imposible yon. Sabi nga ni kuya Kokoy pati sa kanila ay hindi ito nagpaparamdam. Bahala na nga,basta i-e-enjoy ko na lang ang araw na ito.

Madami kaming pinuntahan,nahihiya nga ako dahil pinanindigan nila ang treat na sinasabi nila. Hindi ako sanay na ginagastusan ng ibang tao. Una ay kumain kami,tapos naglaro ng kung anu-ano sa Mall nina kuya Kheem,tapos nanood ng sine. At ngayon nga gabi na ay nandito naman kami sa isang bar.

It started in the Library (boyxboy)- COMPLETED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon