Chapter 16 (Your Place)

628 27 5
                                    

Chapter 16

Your Place

"Salamat," iyon lang ang sinabi ko sa kanya bago ako tuluyang bumaba sa
kanyang sasakyan.

Walang lingun-lingon akong naglakad.Alam kong unreasonable ang tantrums ko.I should have been thankful dahil inihatid niya ako.Isa pa,hindi niya naman obligasyon ang purihin ako.Kaya mas lalo akong naiinis.More to myself.

Hindi man siya magandahan sa akin.Hindi man niya magustuhan ang pag-aayos ko.Hindi niya man mapansin ang effort ko para magpaganda.Hindi dapat ako nagkakaganito.Buti pa nga at nagsasabi siya ng totoo.

So dapat kalma lang Rhum.Huwag parang bata!

"Ang aga ng simangot," bati ni Tasha sa akin pagkapasok ko sa opisina.Ni hindi ko magawang ngumiti.

"Problema beybs?," alalang lapit niya sa akin.Bumuntong-hininga ako at ngumiti sa kanya.

"Bitin lang ako sa tulog," sabi ko.Lumiit ang kanyang mata tanda na hindi siya naniniwala.

"Oo nga," kumbinsi ko pa sa kanya.

"Nakapink lipstick,nakablush on at nakabeige dress,bitin ang tulog? Maniniwala ako kung pumasok kang maputla at wala sa ayos," aniya habang naniningkit ang mata.She's not easy to be fooled.

"Oo nga," paninindigan ko.Bahagya na akong natawa sa kakulitan niya.

"May boyfriend ka na ano? LQ kayo?," tanong niya.

"Wala ah," mabilis kong tanggi.

"Naku! Don't me,"aniya.Natatawa na lang akong napailing.Ngunit kahit tumatawa ako ay hindi ko iyon ramdam.

"Siguraduhin mo lang.Huwag ka nang mag boyfriend,mawawalan ako ng kajamming sa gala," aniya habang naglalakad pabalik sa aking table.

Napailing na lang ako sa sinabi ni Tasha.Nang tuluyan na siyang nakabalik sa table niya ay saka ako nagfocus sa mga kailangan kong gawin.

Umilaw ang cellphone kong nasa gilid ng aking mga ginagawa.Wala sa sariling kinuha ko iyon at nagulat pa nang makitang si Seth ang nagtext.

Ang cute mo <3

Napangit ako.Pero agad ding nawala.Napakunot ang aking noo.Ayokong pakasigurado na ako nga ang tinutukoy niya.Malay ko ba kung wrong sent lang siya.

Wrong sent ka! Reply ko.

Agad ay nagreply siya.I'm not.Condo na ako.

Bahagya pa akong napaisip.Nung ako ang pumunta sa condo niya ay inabot ako ng mga 1 hour bago nakarating galing sa office.Saktong alas siyete nang hinatid niya ako.Alas 10 na.Ang tagal naman yata.Bakit ko ba siya pinapakialaman?

Tsaka bakit niya ba sinasabing nasa condo na siya? Baka talaga nagkakamali siya.

Ako kausap mo? Paninigurado ko kung ako nga katext niya.

Hindi.Group message 'to.Lol

Ibinaba ko ang cellphone ko nang makita ang sagot niya.Hindi talaga siya makausap nang matino.

Pinigilan ko ang sariling mapangiti nang balikan ko ang una niyang text.Ako nga ba iyong cute?

Binalikan ko ulit ang ginagawa ko.Trying hard to focus on it.I know I would want to reply.Pero pinipigilan ko ang sarili ko.Mas okay na iyong siya ang huling nagsend ng message.Though 'di ko gets anong sense nun.

I just felt like kung siya ang huling nagsend ng message kesa sa ako ay parang siya ang mas interesado.But...yeah I know.Kung ano na naiisip ko.

He's not flirting with me.He's just friendly.Alam kong seryoso na siya kay Cea.Papakasalan niya nga diba? So I'll rub it in my face.Papakasalan niya si Cea.

Masarap Ang Bawal: If EverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon