"Nee, omoide no kakera ni. Namae wo tsukete hozon, suru nara takaramono ga pittari da ne." Kanta ko. Minsan kinakanta namin 'yan ng dating mahal ko sa buhay pero wala na siya... parang bula.
Tumunog na 'yung bell at alam ko kung anong oras na.
6:00 p.m.
Ako pala si Emina Kyohei. Pangalan lang sasabihin ko. Eh sa gusto ko eh.
Ako nalang ang nandito sa classroom namin. Gusto ko kasi mapag-isa dahil hindi ko pa rin tanggap na wala na siya. Siya kasi 'yung nagmahal saakin noong hindi ko kayang mahalin sarili ko. Iniisip ko nga sa sarili ko, sino nga ba ang magkakagusto sa akin, kasi sirang-sira ako.
Tumingin ako sa bintana at umuulan na. Para akong gumagawa ng music video dito ah.
Wala naman akong magawa kaya uuwi nalang ako. Baka hanapin na ako nila mama.
Kukunin ko sana yung bag ko, kaso may humahawak sa kamay ko. Takte, ang lamig! Anong klaseng tao ba 'to? Teka, tao nga ba siya?
Tumalikod naman ako at.....
"Pakialis nga ng kamay." Hindi ko naman kilala. Bakit naman siya hahawak sa kamay ko?
Tiningnan ko ang kamay niya at balik sa mukha niya. Wow diba bawal ang contact lens? Bakit siya nakasuot niyan? At red pa talaga? Naiirita ako sa pagmumukha niya jusko.
"Sabing alis!" Sigaw ko at tinulak ko siya. Kala mo kung sino eh. At saka, malay mo may germs at bacteria 'yung kamay niya. Ugh.
Tiningnan niya naman ako. So, tinginan lang? Sige. Ayos lang sa'kin 'yon.
"Ako si Ivan Hiro." Sabi niya. Tinatanong ko ba, koya? Gusto ko 'yun sabihin pero hindi na. Ang tagal naman nito magsalita! Naiirita na talaga ako.
"Okay, hi, hello, bye." Paalam ko at kinuha ko na ang bag ko at akmang aalis na pero...
Ano ba 'to?! Bakit ba ako nandito sa sitwasyon na 'to?!
Bakit niya ako niyayakap? Kaloka! Feeling close lang, koya--este, "Ivan Hiro"?
Nararamdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. What the $#@%&&*&! ANONG NANGYAYARI DITO? JUSKO PO.
"Ang bango ng dugo mo." Sabi niya naman. Okay, should I feel happy or what? Insulto ba 'yon o hindi? Sapakin kita diyan eh.
"Okay, Ivan. Lumayo ka sa'kin at kapag hindi, hind ako magdadalawang isip na sipain ko 'yang alaga mo diyan sa ibaba." Tinuro ko pa 'yang ano niya diyan sa ibaba.
Ngumis naman siya, "Edi paano tayo gagawa ng anak?"
Aba, bastos 'to ah. Ke bata-bata mo pa ay 'yan na iniisip niya? God bless you na lang.
Nilapit niya ang mukha niya sa leeg ko
"Lumayo ka sabi-" Bastos talaga. Hindi niya ako pinatapos. Akala ko siya naman 'yung sasalita pero hindi. Ang ginawa niya?
Tinusok niya ako. ANONG KLASENG TAO TALAGA 'TO? Wait, baka kukunin niya ang dugo ko at ibibigay sa mga drug dealers at... Ano ba itong iniisip ko?!
"Aray! Anong ginagawa mo?!" Sigaw ko. Ang sakit naman kasi eh!
". . . . . . . . ."
Huminto muna siya at tiningnan ako at ngumisi.
Nakita kong may pangil siya.