Hindi ko gustong pumunta sa birthday celebration ni Blu pero nakapag OO na ako sa kanya. Kaya kailangan kung tuparin ang sinabi ko. Ang tanga ko, bakit ba ako um-OO.
Pagkarating ng pagkarating ko sa bahay nila ay agad akong sinalubong ni Paula. “Atttiiii! So kamusta?”
Ang tinutukoy niya yung pag amin ko. “Talo eh.”
Bumagsak ang balikat niya. “ayyyy…akala ko magbabago isip niya..di pala. Hhaayyy..” tapos niyakap niya ako. “ok lang yan atii…makakahanap ka rin ng taong magmamahal sayo.”
“salamat Paula.” Ngarag na ang boses ko at kumalas sa pagyakap.
“oi..oi..ang make-up..sayang. wag kang Crayola.”
Napatawa niya ako. “tara na nga.”
Dinala niya ako sa isang garden kungsaan ipagdaraos ang birthday celebration ni Blu. Akala ko simple pero bakit may mga tables, catered pa. Ang dami ng tao at puro sila nagpapapicture sa akin. Pagkatapos ng photo shoot session ko ay umupo na ako sa isang bakanteng table.
Nang may biglang nagsalita. “ehem..ehem…oh my god! Zyriah Green is that you? Papicture naman oh.”
Pagkatingin ko sa nagsalita ay napanganga ako. “VIOLETTE!” sigaw ko at nagyakapan kaming dalawa.
“Sabrina!!! Sa wakas nagkita na rin tayo. Ang laki ng ipinagbago mo ah..mas lalo kang gumanda.” Sabi niya nang maghiwalay na kami.
“ikaw rin..kailan ka lang dumating? You surprised me.”
“Kaninang umaga ako dumating.. gusto ko sanang bisitahin ka kaso di ako pinapalabas ng parents ko. You know..they are so strict pero ok lang….nagpapasalamat ako ng marami sa kanila.” Tapos umupo.
“so…designer ka na ngayon…bigtime.” Masaya kong sabi. Kahit papano ay naibsan rin ang sakit na nararamdaman ko.
“oo eh….at gusto kong ipagdesign ka ng damit for awardings and on…”
“Sige sige..promise mo yan ha.”
“oh yes..promise is a promise.” Masaya niyang sabi.
“bakit ka pala nandito?” tanong ko sa kanya.
“umuwi kami dito kasi may aasikasuhin daw ang parents ko dito at kasama raw ako..sakto namang namiss kita…kaya pumayag ako.”
“I mean…bakit ka nandito sa party ni Blu?”
“ahhh..ewan ko. Di ko rin alam na birthday ni Blu ngayon eh..basta nalang akong dinala ng parents ko dito. Did you greet him? Kayo na ba?”
I gave a wry smile and shook my head slowly. “I already greeted him. Violette, pareho kayo, he’s also getting married.” Lungkot kong sabi.
“WWHHAATT? To whom?”
“hindi ko alam. Di niya sinabi eh.”
“Naman ohh….Sino ba yang babaeng yan…pepektusin ko talaga siya.” Sabay taas ng kamao niya. “and oh, by the way, yung promise mo ah..wag na wag mong kalimutan..”
“opo mam.”
May isang lalaking matanda ang pumwesto sa gitna. At mahinang pinalo ang kutsara sa glass goblet.
“Good evening ladies and gentlemen..please lend me your ears..” Napatingin kami sa kanya at nakinig.
“I am Mr. Khaki Stan.” So siya pala ang ama ni Blu…Gwapo siya at matanda na. Ngayon ko lang nakita papa niya kasi hindi naman ako lumalabas ng bahay noon. “and let’s greet my son Blu Zeon Stan. This is his 23rd birthday. Come here my son.” At tinabihan ni Blu ang kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Pag ako pumayat.....SIGE KA! [COMPLETED]
HumorHindi siya kagandahan. Hindi rin siya sexy. In fact, she’s the total opposite of those adjectives mentioned above. A girl who is always an option to her family and to everyone. Question: Makakahanap kaya siya ng taong magmamahal sa kanya ng buo? Che...