Tinatagong Damdamin

6.5K 365 416
                                    

December 7, 2013

My sixth poem. Kina-career! Haha!

Para ito kay @selleme. :))

Sorry kung natagalan. Dami ko kasing inaayos eh.

Tungkol ito sa isang babae na piniling itago nalang ang nararamdam para sa isang lalaking mahal niya at nanatiling kaibigan na lang. Yun na!

- - - - - || TD || - - - - -

Nakatingala sa mga bituin,

Dinarama ang hangin.

May isang panalangin,

Ikaw sana'y maging akin.

Ngunit malabo kitang maangkin.

Puso mo'y sa kanya lang nakabaling,

Utak mo'y siya lang ang iisipin,

Mata mo'y sa kanya lang tumitingin.

Bakit siya pa? Bakit di na lang ako?

Mga tanong na gusto kong itanong sa'yo.

Pero hindi ko magawa dahil sa takot,

Takot sa iyong magiging sagot.

Bakit sa kanya ka lang tumitingin?

Nandito naman ako at handa kang saluhin.

Susubukan pang mga tala'y sungkitin,

Para ialay sa mata mong nagniningning.

Handang gawin ang lahat.

Tamaan man ako ng kidlat.

Makita lang mga ngiti mong kay tamis,

Ibibigay lahat ng nais.

Gustong ipagsigawan sa mundo,

Ikaw ang nilalaman ng aking puso.

Ngunit ito'y hindi ko magawa,

sa kadahilanang, may mahal kang iba.

Ako'y lubos na nasasaktan.

Nagseselos kahit walang karapatan.

Mananatili na lang akong isang kaibigan,

Laging nandiyan kapag kailangan.

Wala na kong iibigin pang iba,

Puso ko'y nabihag mo na.

Kahit hindi masuklian ang pag-ibig ko sinta,

Masaya na ko't nakilala kita.

Sapat na sa akin,

Ika'y lihim na ibigin.

Dahil hindi ko maamin,

Tinatagong damdamin.

- - - - - || TD || - - - - -

Quotable Quotes :

"One of the saddest thing that can happen is when one falls in love while the other wants nothing more than friendship."

"Should I smile because we're friends or cry because that's all we'll ever be."

"The greatest distance on earth is not north to south. It is when I am in front of you and you don't know that I love you."

"Technically I'm single, but my heart is taken by someone I can't call my own."

- - - - - || TD || - - - - -

"Hate that I love you" by Rihanna feat. Ne-Yo

 And I hate how much I love you boy

I can't stand how much I need you

And I hate how much I love you boy

But I just can't let you go

And I hate that I love you so

Tinatagong Damdamin [Poem]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon