Part 20 (His back)

8.1K 210 2
                                    


ABCD POV

Pagkatapos namin sa coffee shop ay nag yaya ng umuwi si Ayesha napagod na siguro, gayon din naman ako kaya napag pasyahan na naming umuwi.

Nandito kami ngayon sa labas ng coffee shop dahil hinihintay namin si Tay Effren ang driver ni Ayesha at isasabay na raw nya ako para hindi na ako gumastos.

Maya maya lang ay dumating na si Mang Effren at agad na kaming sumakay sa kotse. Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa appartment ko.

"Beshy kita na lang tayo bukas" sabi ni Ayesha ng makababa na akosa kotse.

"Sige besh ingat ka, salamat"  ani kosa kanya.

"Ingat po kayo Tay Effren" at iginawi ang ulo ko sa drivers seat.

"Sige iha mag ingat ka rin" sambit nito sa akin.

Pinaandar na ni Tay Effren ang kotse kaya pumasok na ako sa loob ng appartment. Nagmadali na akong mag ayos ng sarili para sa pag tulog.

Ng matapos na ay agad akong tumalon sa aking kama at nagpagulong gulong dito. Mukhang namiss ako ng kama ko. Hehe..

Eeeekkkkkk....

Napalingon ako sa pinto ng aking kwarto, bigla akong nakaramdam ng takot, pakiwari ko ay may tao sa labas.

Nangangatog ang tuhod ko ng tumayo ako sa kama at lumapit sa pinto himdi ko aam ang aking gagawin. Lakas loob kong hinawakan ng doornob ng kwarto ko at dahan dahang bukas ng pinto.

Inilibot ko ang aking mata sa paligid pero wala akong nakitang tao. Napabuntong hininga na lang ako dahil baka kung ano ano na ang tumatakbo sa isip ko at nakakarinig ako ng kung ano anong ingay..

"Hayy Abcd kung ano ano kasi ang mga pinapanood mo yan tuloy mukha kang tanga. Hmm makainom na nga lang"  sambit ko sa aking sarili habang naglalakad papunta sa kusina.

Binuksan ko ang ref na mukhang bebentahin na sa junkshop pero infairness gumagana pa rin. Buti at napapakinabangan ko pa. Kumuha na ko ng malamig na tubig bigla kasing natuyo ang lalamunan ko.

Pagkatapos non ay ibinalik ko na ang pitsel sa ref bumalik  na ako sa kama ko para matulog pero ilang minuto na ng nakakalipas pero hindi pa ako dalawin ng antok. Kung ano ano nang ginawa ko para makatulog pero parang walang nangyayari.

Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko ay may nakatingin sa akin ganito kasi ako kapag ang pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin lagi akong hindi mapakali, inilibot ko naman ang aking mata sa maliit na kwarto ko pero ako lang ang tao dito.

Kailangan ko ng matulog para maaga ako magising bukas naisipan ko kasing pumunta kay Mr. Stoner, yung last kasi na naipon ko ay naubos na kaya kailangam ko munang mag advance alam kong dapat pagkatapos pa ng 1 month ako swesweldo pero baka hindi na ko makaabot kung hindi ako mag aadvance, kailangan ko kasing magrocery dahil naubos na ang stocks ko atsaka magtatanong na rin ako kung nakauwi na ba si Xamder baka sabihin ni Mr. Stoner na wala a kong pakialam sa trabaho ko.

**Kringgg kringgg

Tinatamad pa kong bumangon gusto ko pang matulog at enjoyin ang kama ko pero kinailangan ko ng tumayo para mag ayos baka malate ako kasi dadaan pa nga ako kay Mr. Stoner. Hindi ko na nga namalayam na malatulog na pala ako kagabi.

Pumasok na ako ng CR at naligo na. Dinalian ko na lang ng kilos para hindi ako malate.

Pagkatapos noon ay umalis na ako hindi na ako nag abalang kumain dahil wala nga akong stocks kaya tiis tiis makakabili na ulit ako mamaya kapag pinayagan ako ni Mr. Stoner.

Maid Of The Soon To Be Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon