Steve's POV
Malakas na ulan ang sumalubong sa akin isang hapon habang pauwi na ako ng bahay galing sa trabaho. Biglang nag-ring ang telepono ko. "Good afternoon.. This is Cubex's Team Leader Tuazon.. May I help you?"
"Ah.. Eh.. Hello.. Sir.. Ako po 'yung tinulungan niyo one time doon sa malapit sa terminal ng jeep.. Pasensya na po kung ngayon ko lang kayo na-contact.."
"Ah.. Oo.. I still remember that.. Oh.. Napatawag ka?"
"Do you have some spare time right now?", tanong pa niya.
"Actually pauwi na ako ng bahay.. Pero sige.. Call.. Nasaan ka ba ngayon?"
"Ah.. Nakasakay po ako ng jeep papuntang palengke.. Balak ko kasing pumunta ng supermarket to para mamili.."
"Hmm.. Doon na lang tayo magkita sa may terminal.. Doon ka rin naman bababa eh.."
"Ok.. Sige po Sir.."
"And please.. Take off the honorifics.. Tingin ko naman na halos magkasing edad lang tayo eh.. See ya later.."
Hanggang sa naalala ko 'yung sinabi ng isang matandang lalaki sa akin na tinulungan kong ibaba ang mga dala niyang gamit sa jeep.
*FLASHBACK*
"Naku Utoy.. Salamat.. Ang laking abala ng matandang kagaya ko sa'yo.."
"Wala ho 'yun Tatang.. Kaya niyo po bang bitbitin ang mga ito hanggang doon sa may kanto? Mukhang may kabigatan ho itong mga ito ah?"
"Kaya ko naman nang paunti-unti.. May napapaghabilinan naman ako ng mga gamit ko kapag nauwi ako dito sa atin eh.."
"Ah ganun po ba 'Tang? Mas mabuti pa ho eh tulungan ko na lang ho kayo.. Tutal pauwi na rin naman ho ako at wala nang masyadong gagawin.."
Matapos kong dalhin ang mga gamit ng matanda at nakarating sa kanyang pupuntahan, "Utoy.. Ikaw ba'y naniniwala sa hula? Gusto mo ba'y hulaan kita?"
"Ang totoo po niyan eh hindi talaga.. Pero hindi din naman ho masama na subukan, kung magkakatotoo.. Sige nga ho.."
Agad niyang hinawakan ang kanan kong kamay at sinalat ito. "Magaling kang makisama sa tao kung kaya't marami kang nakakasalamuha.. Madali ka mang magalit dahil sa liit ng pasensya ay nakakaisip ka ng paraan para masolusyunan ang problema.. May magandang bagay na mangyayari sa'yo sa susunod pang mga araw.. Ang dapat mo lang na gawin ay gawin mo ang mga bagay na sa tingin mo ay tama.. Makalipas noon, may isang bulaklak na sisibol pagkatapos ng malakas na pag-ulan..", sabi pa ng matanda.
"Tatang ano pong ibig niyong sabihin?", tanong ko pa ulit sa matanda.
"Tandaan mo na lang ang mga sinabi ko sa'yo.. At siguradong may swerteng darating sa iyo..", nakangiting sabi pa ng matanda. Nagpaalam na ako sa kanya makalipas ang ilang minuto at umuwi na ako sa bahay.
*FLASHBACK END*
I have arrived at our meeting place around 5:00 PM. Ilang saglit pa ay may kumulbit sa likuran ko.
"Hi.. Mukhang na-late yata ako.. Sorry ha.. Kanina ka pa ba?", tanong ng babae.
"Hindi naman.. Halos kadarating ko lang din.. Ang mabuti pa nito eh puntahan na lang natin 'yung alam kong place.. Ang pangit namang tingnan kung dito lang tayo mag-uusap.. Nakakahiya naman sa'yo..", sagot ko naman.
"Uhmm.. Ok.. Mas mabuti na rin na makapaglibut-libot ako dito sa Batangas.. Medyo hindi pa kasi ako aware sa mga cool places at resto bars na magandang tambayan dito eh.."
Hanggang sa isang jeep ang tumigil malapit sa kinatatayuan namin. "So, shall we?", anyaya ko sa kanya.
Ngumiti pa siya sa akin pagkaupo niya. Bagamat malaki pa naman ang bakante at hindi pa ganoon kadami ang pasahero, mas pinili ko pa rin na umupo na lang sa tapat niya kesa sa tabi niya.
BINABASA MO ANG
My Lovable Girl [Taglish] (Complete)
RomansThis is my first work being a writer.. This is not the same as the Korean Drama which have also the same title.. This is my very own story/style of it.. All the characters here are fictional and unintentionally similar to real life. Cttro of the pic...