PROLOGUE

13 2 2
                                    

Sa buong buhay ko ay hindi ko pa naranasan mapasabak sa isang relasyon,Para sa akin ay isa itong giyera na kailangang dumaan sa napakaraming pagsubok bago ka magtagumpay at maging masaya,at pagkatapos mong sumaya ay panibagong pagsubok muli ang dadating

Hindi naman sa natatakot akong magmahal,kasi ang kinakatakutan ko ay yung masaktan,Naniniwala kasi ako nakakambal ng pagmamahal ang masaktan.Isang malaking kalokohan kung sasabihin kong hindi ko pa naranasang umibig,Naranasan ko nang magmahal ngunit isang bagay ang hindi ko pa nararanasan,Ang pumasok sa isang relasyon

Bukod sa natatakot akong masaktan ng dahil sa pag-ibig,ang pinaka kinatatakutan ko talaga magmula noong bata ako ay ang magulang ko.

Simula pagkabata ay ang magulang ko lang ang sinusunod ko at bukod sa kanila ay wala ng iba,Hindi katulad ng ibang bata ay wala akong kalayaan na gawin ang bagay na gusto ko.Palagi akong nagtatago kapag gagawa ng bagay na ikasasaya ko,katulad ng paglalaro sa ilalim ng kumot,pagbabasa ng storya sa loob ng closet,panonood sa ilalim ng lamesa at marami pang iba.Nakakalungkot mang isipin ngunit kailangan kong tanggapin na nasa realidad ako at hindi tulad ng ibang bata ay nagagawa nila ang gusto nila

Minsan naiisip ko kung paano ang magiging buhay ko kung nasa isang fairytale ako,Isang prinsesang nasa hardin at naglalaro habang masayang kumakanta kasama ang kaniyang prince charming,maraming bulaklak ang nakapaligid sa kanila at bawat paru-parong dumadapo ay iba iba ang kulay,Malamig ang simoy ng hangin at ang asul na ulap kasama ang araw na nanunuod sa kanila

Nakakatawa.

Kahit kailan ay hindi ako naniniwala sa mga fairytales.Mga storya kung saan lahat tayo ay pinapaniwalang masaya ang may kasamang lalaki sa buhay nila,lalaking magliligtas habang ikaw ay nasa kapahamakan,lalaking magpapasaya aa tuwing ikaw ay malungkot,lalaking ita-trato kang prinsesa,at lalaking mamahalin ka sa kabila ng mga kamalian mo

Imposible.Bawat lalaki ay naghahangad ng perpektong babae na kaya silang pagsilbihan sa pang-habang buhay nila,

Kaya laging tandaan na kahit anong bagay man ang dumaan,Padaanin mo lang.char

Kahit anong saya o lungkot man,Huwag kakalimutan na "hindi tayo dapat umasa sa mga bagay na walang katotohanan"

08-17-16
Somewhere in Neverland ( soldier's Life) by Krimzleigh

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Somewhere In Neverland (Soldier's Life)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon