LIKE ONLY A WOMAN CAN -Chapter 39-

829 19 13
                                    

NOTE: This is the second to the last chapter of my first ever fan fiction. It'll still have chapter 40 and Epilogue then it's the end of the story. A million apologies if my update is 'effin so delayed 'cause as usual, I was terribly busy due to my time-demanding job. I was utterly tearjerked while writing this chapter especially during its last bits and I hope you'll get the same emotion while reading this. Thank you so much for all the support you showed while I was on my journey of writing this story. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------

-Chapter 39-

KAAGAD NA NAHULAAN NI Brian na palapag na ang eroplanong kinalululanan sa paliparan ng siyudad kung saan niya makikita ang babaeng siyang naging dahilan kung bakit ninais niyang magpunta doon. Nasa alapaap pa man siya ay nakikinita na niya ang kulay berdeng nag-aanyong medyas na walang iba kundi ang mapa ng Negros at hindi pa man ay tila bumulis na ang tibok ng kanyang puso dahil sa labis na pananabik na makitang muli si Katharina.

“Good Afternoon ladies and gentlemen! This is your captain speaking. We are now landing at the airport of Dumaguete City, the city of gentle people so please fasten your seatbelts. We hope you enjoyed the flight and thank you for choosing to fly with Philippine Airlines. We hope to see you again real soon.” 

Mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso pagkatapos marinig ang mga katagang iyon mula sa intercom at habang lumalapag ang eroplano ay hindi niya mapigilang mapahanga sa kasimplehan ng paligid ng naturang lugar. Maliit lang ang paliparan ng Dumaguete City ngunit malinis iyon at walang makikitang kahit isang basurang tinatapon. Nang tuluyang lumapag ang eroplano ay muling isinuot ni Brian ang kanyang baseball cap at malalaking sunglasses na siyang panangga niya sa mga taong maaaring makakilala sa kanya. Mabilis na kinuha ng binata ang kanyang luggage na nakapatong malapit sa kanyang uluhan saka sumabay sa hugos ng mga taong bumababa sa bakal na hagdanan. Naglakad siya patungo sa Arrival area saka tumuloy sa exit ng airport at doon ay nakita niya ang mga tricycle na nakaparada sa labas. Lumapit siya sa isa sa mga drivers na naroon upang itanong dito ang tungkol sa address na nakasulat sa papel na ibinigay sa kanya ni Anna Lou.

“I think that is ten kilometres away from here, sir but my tricycle cannot take your there because we are following routes here.” Sagot ng lalaking medyo may katandaan na.

“So what do you think is the best deal so that I can go to that place?”

“I can take you to the terminal of easyrides which can take you there.”

Ngunit imbes na pumayag sa sinabi ng driver ay umiba ang isip ng binata dahil naisip niyang baka mabigla si Katharina sa kanyang pagpapakita dito at imbes na lumambot ito ay baka mas lalo pa itong magalit sa kanya.

“Ah, kindly take me to the coziest hotel instead, sir.”

Kaagad na pumayag ang driver at ito na ang nagkusang maglagay ng luggage ni Brian sa likurang bahagi ng tricycle kung saan nito itinali iyon upang huwag malaglag. Hindi ganoon kalaki ang Dumaguete City kaya ilang minuto lang na umusad ang sasakyan at narating na nila ang Hotel Essencia, ang pinakasikat at pinakabagong hotel ng siyudad. Hindi pa man bumababa mula sa pampublikong sasakyan ay mabilis na nagustuhan ni Brian ang ambience niyon kaya hindi na siya lumipat pa sa iba at nagpasyang doon na magpapalipas ng gabi.

“How much is the fare, sir?”

“Fifteen pesos only, sir.” Sinserong sagot ng driver.

Walang nakitang barya sa kanyang pitaka si Brian at singkwenta pesos lang ang pinakamaliit na halagang naroon kaya iyon na ang kanyang ibinigay sa lalaki.

Like Only A Woman Can (A Brian McFadden Fan Fiction) [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon