CHAPTER 1

468 7 0
                                    

Unang araw ni Jen sa eskwela nasa kolehiyo na siya. Iskolar siya sa isang tanyag na unibersidad sa Pilipinas.Galing siya sa simpleng buhay,hindi mayaman Hindi mahirap. Lumuwas siya ng maynila para mag aral. Nursing ang kinuha niyang kurso Dahil pangarap niya na noong bata pa siya.

"Naku kinakabahan ako sa unang araw". Sabi nia sa sarili.

Natapos ang unang araw niya sa eskwelahan.
Nakatira si Jen sakanyang tiyahin para makatipid din ng kaunti. Galing Sa probinsiya si Jen kaya sinasabihan siyang ignorante, ngunit si Jen ay magandang dalaga Maputi ito, matangos ang ilong, mabait at matalino kaya naman madami rin ang napapatingin Sakanya sakanilang eskwelahan.

"Uy pare ang ganda nung babae nasa nursing department siya". Sabay nguso sa babaeng naglalakad , wala ng Iba si Jen ang tinutokoy Nila.

"Oo nga pare." Nilapitan nila si Jen at nag pakilala,
Kinukuha nila ang numero nito ngunit Hindi Nia binigay dahil ipinangako niya sa Ina na mag ta tapos muna ito sa kolehiyo bago makipag nobyo.

Napakataas ng mga grado ni Jen sa pag tatapus ng unang semester niya sa unibersidad. Pinauwi ito ng kanyang Ina dahil na miss niya ang dalaga. Nag tuturo sa elementarya ang Ina ni Jen sa probinsya sakto Lang sakanila ang sahod nito Kung kayat nag porsigi siyang mag aral at makakuha ng scholarship sa isang kilalang unibersidad.

Natapos na ang sembreak nila Kaya bumalik si Jen sa maynila upang ayusin ang mga dapat niyang asikasohin sa eskwelahan.

Unang araw ng klase niya sa pangalawang semester. Sa unibersidad madami kang makikita ibat ibang klaseng Tao may sikat, mayaman, nerd, mababait may pang beauty queen ang mukha, mayayabang at kontrabida.

Sa canteen dumertso si Jen sa kanyang break time. Lagi siya nag babaon para maka tipid ng Pera kahit binibigyan ito ng allowance ng kanyang Ina.

"Look at her, poor girl. Nag aaral ba siya dito?.
Tanong ng isang babae sa kasama niya.

"Oo. Classmate ko siya sa isa  kung klase.

"Ohh really? Ohmygod., sabi ng isang sosyal na babae na si Valerie. Isang mayaman, at artist sakanilang eskwelahan. Na laging gumaganap na Juliet napapanood Ito sa theater ng kanilang eskwelahan.

Natapos ang unang araw.,

Kumakanta si Jen sa rest room at may nakarinig Sakanya na professor.

"You have a nice voice, you're new student here?"

"Yes ma'am it's my 2nd semester here.,sabi ni Jen .

"Wow! Do you wanna join in our club? Nag pe perform ang mga students ko sa theater dito sa school pag may mga occasions. If you're  interested
Here's my card, just give me a call.

"Ay Sige po. salamat po ma'am. Tugon nito.

Natuwa si Jen at hnd makapaniwala, dahil pinangarap niya ito kahit maka kanta lang sa madaming tao.

Nakauwi na si Jen ngunit Hindi parin makapaniwala sa mga nangyari.

Natapos na ang pangalawang  semester tila nakalimutan na ni Jen ang professor na nag alok sakanyang sumali sakanyang club.

Nasa pangalawang taon na si Jen sa kolehiyo Kung kayat napaka busy niya sa school.

"Sis, naku! 2nd year na tayo wala ka paring nobyo,
Humanap ka Naman ng papa. Sabi ni trina Sakanya.

"Anu kaba! Alam mo namang kailangan na kailangan Kung makapag tapos ng kolehiyo.
Tsaka na muna yang nobyo nobyo na yan makakapag hintay yan.

"Andami mo arte sis." Halika na nga".
Pumunta na sila sa last subject nila sa hapon.

Pag labas nila sa klase, "Jen tara sa theater may palabas daw." 2years na tayo dito hindi pa tayo nakapunta doon." Tugon ng kaibigan niyang si Patrick.
Pumunta ang tatlo sa theater upang manood.

Sa dami ng tao, nabangga ni Jen si Valerie kung kayat nagalit siya.

"Anu ba!! Hindi kaba tumitingin sa dinadaanan mo?.

"Ay, sorry hindi ko sinasadya."

"No you're not!! Sinadya mo!! Pasigaw na sabi ni Valerie.

"Nag sorry na nga yong tao. Galit kapa." Sabi ni Patrick sa babae.

Nang makalayo na sila." Bruha pala yang babaeng yan, kala mo Kung sinong sikat, sa theater Lang naman siya. Mas maganda kapa girl" Sabi ni Patrick kay Jen.

"Panu mo naman nalaman.?Tanong ni trina.

"Nanood ako nong isang araw busy kayo eh"tugon ni Patrick.

Naglakad ang tatlo papasok ng theater.

Napatingin si Jen sa isang lalaking nakaupo sa bandang kaliwa na tila natutuwa sa pinapanood niya. Nagulat siya nung nakita niyang kasama pala niya yong nabangga niyang babae kanina. Walang Iba kunti si Valerie

"babe! Saan tayo after this show? I wanna go somewhere.

"Sa condo ko nalang tayo, I'm so tired. Deretso Kaming nag practice kanina." Tugon ni Sander Kay Valerie.

Apat na buwan palang sila ni Sander, Pa ibaiba ang nobya nito. Kakahiwalay palang nila Ng kanyang nobya May bago nanaman at Ito ay si Valerie.

Natapos ang palabas at nag siuwian na ang mga tao.

"Jen mag liwaliw ka naman pumunta ka sa mall, yayain mo mga kaibigan mo. Lagi ka nalang dito sa bahay naka kulong nag aaral. Kailangan mo ring mag enjoy anak." Sabi Ng kanyang tiyahin.

Ayaw ni Jen mag lalabas Ng bahay dahil Ayaw niyang gumastos." Ngunit napilitan na siyang tawagan ang mga kaibigan.

Sinundo ni Patrick ang dalawa. Si Patrick lang ang may sasakyan sakanila at may kaya sa buhay Kaya Naman siya ang nanlilibre lagi. Ang pamilya ni Patrick ay nasa America mas gusto ni Patrick mag aral dito Kung kayat nag stay siya dito sa pilipinas.

Dumating na sila sa mall. "Naku! Ang daming papa, gwapo nung lalaki Kaya gustong gusto ko mag mall." Mungkahi ni Patrick.

"Tumigil ka nga bakla ka lumalandi ka nanaman. Sabi ni Trina.

Pag tingin ni Jen sa tinutukoy ni Patrick bigla siyang namula dahil ito yong lalaking nakita nia sa theater.

"Tara na dun, Puro Kayo lalaki sagabal lang sa pag aaral yan." Tugon ni Jen

Nag ikot ikot ang mga magkakaibigan at nag window shopping.

Bulong Ng Puso Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon