Bigla nalang nagbago ang lahat.
Iniwan mo akong nag-iisa. Naligo sa ulan. May dinadala na malaking problema.
Nung mga panahong kailangan kita nandun ka pero anyare na ngayon? Bakit nagkaganito? Bakit ko hinayaan na pumasok ka sa buhay ko?
Oo, ako yung taong mahirap magtiwala. Iniwan kasi kami ng mga magulang namin kaya ako nagka ganito. Tumatayo sa sariling paa. Kumakayod para sa sarili ko at sa kapatid ko.
Pero simula nung dumating ka, naging maliwanag ulit ang buhay ko. Tinutulungan mo ko sa mga problema ko. Nandiyan ka para gabayan ako. Nandiyan ka para pasayahin ako.
Naaalala ko pa nung una tayong nagkakilala. Ang sarap mo bigwasan sa mukha kasi napaka kulit mo. Pag sinabi kong ayaw ko di mo naman sinusunod.
Yung umamin ka na mahal mo ko. Umiyak ako nun kasi akala ko hanggang magkaibigan lang tayo pero naging magka-ibigan pala.
Pinaramdam mo sa akin na i-special ako, na mahalaga ako.
Umabot tayo ng isang taon. Sa loob ng taon na yun maraming away at problema pero inaayos naman natin ng mabuti kaya tumagal tayo.
Pero hanggang sa tumagal, napansin ko na lang na nagbago ka. Masyado ka ng busy. Bihira ka ng mag text. Hindi na kagaya dati na naghahanap ka ng paraan ma text mo lang ako. Matawagan mo lang ako kasi di mo kaya na hindi ako makausap.
Yung araw na iniwan mo ko, nasa gitna kami ng klase nun ng nag text ka sa akin na pumunta sa bridge kung saan kita sinagot. At dahil nga sa excited ako at namiss kita, nagpa-alam ako sa guro namin na umuwi muna kasi may emergency sa bahay, para sayo. Pero yun pala iiwan mo na ako, hihiwalayan.
Tinakbo ko pa yun para sayo. Ang layo ng bridge na yun sa school ko, pero para sayo ginawa ko. Dahil sa mahal na mahal kita.
"Namiss kita ng sobra." sabi ko habang yakap ko siya.
"Younghee, may sasabihin ako." sabi niya kaya napahiwalay ako sa kanya.
"Ano yun??" napabuntong hininga pa siya ng malalim. Kinakabahan ako sa sasabihin niya.
"I'm sorry, but I'm breaking up with you." sabi niya ng nakatingin sa mata ko ng diretso.
Napa-atras ako sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya, ah. Kasi hindi magandang biro yun.
"Seryoso ka ba, ah? Yung sinabi mo yan sakin nung una napaiyak ako nun tapos sabi mo joke yun kaya sinapak kita ng gitara sa galit." Shit lang. Dapat joke lang yan.
"Seryoso ako ngayon Younghee. Ayoko na. I'm sorry." sabi niya sa akin kaya napaiyak na ako sa sakit.
"Bakit may iba ka na ba? Anong kulang sa akin? Ginawa ko naman ang lahat, ah. Binigay ko sayo lahat ng pagmamahal ko. Ano pa ba ang kulang? Sabihin mo sa akin gagawin ko. Pupunan ko para di ka lang mawala sa akin." tanong ko sa kanya habang umiiyak na ako sa sobrang sakit dahil ito ang pangalawang iniwan ako ng mahal ko sa buhay.
"Walang kulang, okay at wala din akong iba. Wala akong ipinalit sayo. Sadyang, wala na talaga akong nararamdaman sayo. Kaya I'm sorry and I have to go. Goodbye, Younghee." sabi niya at umalis na sa harapan ko.
Ganon nalang ba yun. Ginawa ko na lahat. Minahal ko siya ng tunay. Wonwoo mahal na mahal kita pero 'bat ganito, 'bat mo ko iniwan?
- here I am again. Made another story kasi sabog ako. May pinagdadaanan ako. Dejk. Chos naman. Bored lang naman kasi ako. Wala akong magawa. Lee Younghee na naman ang name mo, but hindi na si Dino ang kapatid mo. Hua :">
YOU ARE READING
wild flower » jeon wonwoo
Short Story[ you × svt mem series #3 ] Love is a fiery flower that blooms and withers In case I get wet with the rain, I close my eyes Only good memories, only a longing heart On the path where you left me I'm standing alone Only until I can forget you, until...