CHAPTER FIVE: CAUGHT ON CAMERA!

36 5 3
                                    

Hindi ako masyadong nakatulog sa buong flight namin papuntang London. Sino ba naman kasi ang dadapuan ng antok when you are sitting next to the ever gorgeous Dylan Matthews?! Yes! Magkatabi kami ng upuan sa eroplano. Pero bukod kay Dylan, isa pa sa mga dahilan ng kawalan ko ng tulog ay dahil dito sa babae sa kaliwa ko! Naaalala nyo ba si Sailor Moon dun sa anime convention este photo expo pala sa Manila hotel? Nakupo kami sa pang tatluhang slot at ako ang nasa gitna. Katabi ko din sya ngayon at walng tigil sa pagdaldal sa Korean language at sablay sablay na English! As usual, weird na naman yung outfit nya. Napaka-kulay ng buhay! Sya si Li Kim Yee yung grand prize winner dun sa expo. At bilang bahagi ng premyo nya, kasama namin sya ni Dylan sa London para sa internship. Kaibahan nga lang, two weeks ang pinirmahan nyang kontrata samantalang yung akin ay one week lang. Di naman ako makapalag dahil kung tutuusin sabit lang naman ako dito di ba?

Woah! Napakalawak ng airport! Yun agad ang una kong napansin paglapag ng eroplano sa Heathrow Airport. Puno ng glass doors at windows ang paligid. Madaming mga tao mula sa iba't ibang lahi. Mabibilis yung mga lakad nila hila-hila ang mga luggages. Nakakalat din ang mga security officers at mga naglalakihang K9 dogs. Agad kong isinabit sa leeg ko ang aking DSLR at nagsimulang kumuha ng mga pictures. Sa labas, may naghihintay na sa amin na sasakyan kumpleto driver pa. Ito daw ang magahahtid sa amin papunta sa tutuluyan namin. Syempre kasama pa din si Dylan na naupo sa passenger seat samantalang katabi ko naman si Kim-Yee dito sa likod. Nakasaad sa contract namin na sa hotel kami titira pero dahil daw sa ilang last minute adjustments,ihahatid daw nila kami sa building na pagmamay-ari ng Limelight.

"Here we are ladies."

Huminto ang sasakyan sa harapan ng pagkataas-taas na building. Kung susumahin siguro nasa fifty floors ito. Mula pa lang sa labas, masasabi mo na na first class condominiums ang mga unit sa loob. Ang lapad ng ngiti ko. Mas bongga pa kasi ito sa inaasahan ko. Hahaha!

Nagtuloy kami sa elevator dala lang ang mga bags namin. Isusunod na lang kasi ng attendants yung mga mabibigat na gamit. Tumigil kami sa 26th floor.Tuloy lang sa paglalakd si Dylan at nakabuntot naman kami ni Kim-Yee sa kanya. Busy ang mga mata ko sa pagsuri ng paligid. Tulad ng inaasahan, napaka-ganda ng interiors ng building na ito. Napaka-modern! Napaka-urban ng dating!Na-realize ko na lang na nabuksan na pala ni Dylan ang pinto sa isa sa mga units doon..

"This is gonna be your home for the next couple of weeks."

Then sumunod na lang kaming dalawa sa kanya papasok sa loob. WOW!

"This unit has two bedrooms, one bathroom and a dark room especially designed for your photo printing. We had provided everything that you will be needing for your intership. From laptops to scanners and printers."

"Leandra take the room on the left and Miss Li the one at the right side please."

Medyo nawala pasumandali ang atensyon ko kay Dylan. Nakakamangha naman kasi talaga itong lugar na to. Makukumpara mo ito sa condo ni Justin. Minimalist ang design. White and blue ang dominant na kulay sa labas then sa kwarto ko, pastel color ang pinta. May double sized bed, work station na may nakapatong na mga gamit na nabanggit ni Dylan. pag sineswerte nga naman! 

"How do you like your room?"

Spaced out talaga ko na di ko na napansin si Dylan nakasandal sa may hamba ng pinto.

"This is beautiful! Thanks!"

"I knew you'd like it." He smiled

"The interiors suits you and besides, it's too crowded at the hotel that's why I decided to bring you two here at the apartments instead."

Ahh, ganun pala. Tsk! Pogi point na naman sya! Ehhh, talagang nagdududa na ko. Di nga kaya type talaga ako nito? Ahahaha!

"Oppa! Oppa! Thank you so much oppa!"

PICTURE PERFECT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon