Sarili Ko Muna

6.6K 12 1
                                    

Nalunod nako.
Nalunod nako sa grabeng pag apaw ng tubig galing sa mata ko. Kaya namatay ako. Gusto ko munang mamatay sa ilang sandaling ito. Magpapahinga muna ako sa kulungang ito. Hanggang sa may makakita ng susing itinapon ko at hahayaang buksan ang kandado.
Gusto ko munang mapag isa. Mula sa kahapon na ako'y buong buo pa.
Gusto ko munang kausapin ang sarili ko. Mula sa kahapon na sobra pakong makwento sayo.
Gusto ko munang mahalin ang sarili ko. Mula sa kahapon na inilaan ko lahat ng pag ibig sayo.
Gusto ko muna.
Gusto ko munang unahin ang sarili ko.
Hanapin kung saan ba talaga ko patungo.
Hanapin kung paano ko ba mapapanatili ang isang bagay sa tabi ko. Pero may nakapagsabi sa akin.
Walang permanente sa mundo. Dahil ang permanente ay ang patuloy na pagbabago.
Hahanapin ko muna dito sa kulungang ito.
Baka sakaling humigpit na ang yakap ko, kapag uunahin ko munang yakapin ang sarili ko.
Baka sakaling mas tumibay ang aking kamay, kapag uunahin  kong ipahawak ito sa sarili ko.
Baka sakaling wala ng magsawa sa pag ibig ko, kapag uunahin ko munang bigyan ng pag ibig ang sarili ko.
Kapag uunahin ko munang bigyan ng pansin ang sarili ko.
Salamat sayo.
Nang dahil sa iniwan mo ako, ang dami kong natutunan dito sa mapaglarong mundo. Sa madayang tadhana. At sa mga sinungaling na mata.

Yakapin muna ng mahigpit ang sarili bago iyakap sa iba.
Para alam mo kung kailan mo bibigyan ng lakas at kung kailan ka kakalas.
Hawakan muna ang sariling kamay bago ipahawak sa iba.
Para alam mo kung kailan mo hihigpitan at kung kailan mo bibitiwan. Maglaan muna ng pag ibig sa sarili bago ipamahagi sa iba.
Para kung sakaling sayangin ng pinagbigyan mo, meron at meron parin para sa sarili mo.
Para paglaanang muli ang mga nasayang na oras mo.

Kaya salamat may natutunan ako.
Kaya sa ngayon.
Sarili ko muna bago ang iba.
Sarili ko muna bago sila.
Sarili ko muna.
Gusto ko munang mapagisa.
Sarili ko muna.

- Rconpash <3

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon