Kaya pala

3.1K 51 16
                                    

"Kuya!" lumingon ako sa direksyon kung saan nang-galing ang boses na iyon, kay Danny pala. Mga pre, slow mo yun ha. Tapos blurred yung background at ako lang yung kita.

"Danny!" Masaya kong bati sa kanya. Tumakbo siya papunta sakin at inakbayan ako. Eto na naman yung puso ko, kumakabog na naman. Tsanggala lang.

"Hi Kuya. "Bati niya ulit sakin at pinakita niya ang napakaganda niyang ngiti. Ang ngiting lalo pang nagpa-bilis ng tibok ng puso ko.

"Danny! Ang liit mo kaya. Tapos aakbay ka sakin? Tamo, mababali ang buto ko sayo eh." Tinanggal niya yung pagkaka-akbay niya sakin at nag pout. Putek na puso to, hindi man lang mag-relax kahit konti. "Joke lang! Danny talaga." Tapos ginulo ko ang buhok niya at inakbayan siya.

"Kuya naman eh. " Tapos naglakad na kami papunta sa room.

"Eto na pala ang love birds eh." Sigaw ng isa sa mga barkada ko. Tek na yan. Uminit naman daw bigla yung pisngi ko.

"Tigilan niyo nga kami. " Tengene nemen.

"So kayo na?" tanong naman nung isang kaibigan ni Danny. Shet! Naman oh. Wag ganyan mga tanong. Pinakikilig niyo ko.

"Ano ba kayo? Eh kuya ko to! Mga utak niyo." Tek! Bat ganun? Parang may tumusok sa puso ko. Sakit lungs.

At diyan nag simula ang alamat ng Koya zoned.

E.N.D

Pero syempre kabalbalan lang yan. Hindi pa tapos ang storya namin ni Danny mah baby.

Ilang araw ang nakalipas at mas lalo pa kaming nagging close ni Danny. Tapos alam niyo ba ang swerte ko! Katabi ko lang naman si Danny mah baby. Balak ko ngang ilibre si Mam ng kwek-kwek eh. Kaso madami ata siyang ginagawa.

May mga panahong nag-hoholding hands kami. Tsanggala lang. Makangiti naman ako wagas. Pero yun nga lang patago. Pero atleast di ba. Isang araw nga eh may naka huli sa min.

"Hoy! Ano yan?" Mahinang niyang bulong samin. Mahina kasi may teacher sa unahan at nag di-discuss siya. Oo, may powerpoint tas patay ilaw. Kaya naman ilan lang ang nakakapansin na holding hands kami.

"Psh. Wala nilamig lang kamay ko. Eh mainit kamay niya. Yon na-magnet. Oh siya tahimik na. Tikom na ang bibig." At alam niyo bang isa siyang masunuring aso, kasi sinunod niya ko. At etong katabi ko naman makatawa.

"Psh. Tawa ka pa diyan. Nahuli na nga tayo." Sita ko sa kanya habang nakatingin pa din sa board.

"Bakit may tinatago ba tayo?" Nakangiti niyang sagot habang nakatingin sa board. Oo nagshift agad yung tingin ko sa kanya. Shet. Ito ba yung moment na sasabihin kong 'So tayo na?'. Shet. Parang hindi eh. Kaya naman hinigpitan ko na lang ang hawak sa kamay niya.

Ilang araw kong pinaghandaan ang surprise ko sa kanya. Ito na kasi yung moment na tatanungin ko siya kung pwede ko siyang maging girlfriend. At sa mga araw na nakalipas, naging MU na kami. Mga dre, sarap lang ng feeling. Yung parehas kayo ng nararamdaman. Saya lang non.

Andito kami sa rooftop ng isang building. At ang paligid ay puno ng pula at puting rosas. Alam niyo bang ubos ang allowance ko dahil dito. Magkano na ang rose ngayon? 40 ang isa. Eh ilang rose ba to? Tapos mga dre candlelight dinner to. Syempre kandila pa. Scented candle pa. At yung pagkain, tek na yan.

Pero okay lang, mahal ko yan eh. Gulat kayo no? Ako din. Akala ko dati simpleng tutang pag ibig lang nararamdaman ko. Yung simple lang. Mga crush, mga ganon. Pero sa mga nagdaang araw, higit pa dun naramdaman ko. Alam niyo yung feeling na pag nakita mo siya buo na araw mo. Pag may nakatabi lang siya nagkaka-adrenaline rush ako. Bigla bigla na lang akong lalapit sa kanya at aakbayan siya. Simula kasi nung naging mag MU kami eh tila ba nagkaroon ako ng karapatan sa kanya. Tek.Tama na nga tong heart to heart na to. Ang bakla lungs.

Pinasundo ko siya sa bestfriend ko. At grabe lang yung kaba ko. Shet! Ang ganda niya. Parang 3 in 1. Jackpot kumbaga. Di lang siya maganda, mabait pa. Tae. Swerte ko pag nagkataon. Sana maging akin siya.

Nakita ko siyang may nakakalokong ngiti. Napasimangot tuloy ako, "Tek, Danny! Dapat kikiligin ka eh. Tapos sasabihin mo 'Wow. Para san to?' tapos sasabihin ko na- - - " bago ko pa matapos ang sasabihin ko eh pinutol na ko ni Danny."Relax." sabi niya. Tek tinawanan pa ko. "Psh, tara kain na tayo."

At pagkatapos naming kumain ay tinawagan ko ang bestfriend ko at "Pre,ngayon na." Maya maya ay may fireworks, tek! Di ko yan idea. Anniversary ata ng isang company. Ilang sandali pa eh may dalawang lobong lumipad at may banner na nakakonekta sa dalawang lobo. "Danny, kita mo yun?" tanong ko sa kanya,pero parang nakapako sa fireworks ang mata niya. Shet. Ang epal ng fireworks na yun. "Danny naman! Tingnan mo yung dalawang lobo." tapos parang wala siyang narinig kasi naman ang sagot niya, "HA? "

PUTIK! I-tetext ko na nga lang siya. "Da-nny-will -you-be-my-girlfriend." sabi ko habang sinasabayan ang pagtatype ko. "Send." Hmmm. Ang tagal naman ng fireworks na to. Teka bat di niya pa kinukuha ang kanyang cell phone. "Danny, dala mo ba ang cell phone mo?" tanong ko sa kanya. At nanlumo ako sa sagot niya. "Hindi."

Tengene. Wala na akong choice kaya naman "HOY!BABAENG MAGANDA NA MAHAL KO. PWEDE BA KITANG MAGING GIRLFRIEND?" sigaw ko sa kanya. Tek! Bat ko siya sinigawan. "Sorry. " Nakayuko kong sabi sa kanya. Napaangat ang ulo ko nung narinig ko ang kanyang mala-anghel na tawa. Tae! Ganto ba pag inlove, nagiging makata?

"Chad, ang tae mo. Oo na." First time niya kong tinawag na Chad at walang 'kuya'. Pero *insert mura here* lang! Umo-Oo siya diba? Diba?

"Weh? Di nga?" tae! Magagawa ko yan lumabas sa bibig ko eh.

"HAHA. Gusto mo bawiin ko?"

"SYEMPRE HINDI! Walang bawiian nasabi mo na eh." tapos pumunta ako sa harap niya at lumuhod. Tipong pang prinsipe. "Can i have this dance?" Binigyan naman niya ko ng isang matamis na ngiti. "Sure."

At iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Halos araw araw ata masaya ako, lalo na pag kasama ko siya. Bawat araw, oras, minuto ultimo segundo na kasama siya sinusulit ko. Alam ko namang hindi permanente tong relasyon. Actually lahat ng relasyon. Kahit gaano pa katagal ang relasyon niyo. Kahit gaano pa kayo kasiguradong mahal kayo ng taong mahal niyo. Mawawakasan pa din ang relasyon niyong dalawa. Gagawa at gagawa ang tadhana para magkahiwalay kayo.Masasaktan at masasaktan pa rin kayo. Pero may relasyong kahit anong problema hindi ito mabuwag. Na kahit kamatayan hindi ito kayang hadlangan. Naniniwa ako na may mga ganoong relasyon, pero noon yon.

Tama nga ako sa sinabi ko. Walang permanenteng relasyon. Eto ngayon ako, nakikita kong masayang masaya ang taong mahal ko sa iba. Magkahawak kamay. Masayang mga mukha. Shet! Ang saya nila.

Agad namang nawala ang ngiti ni Danny noong makita ko sila. Sila ng bestfriend ko.

Agad namang tumakbo papalapit sakin si Danny."Chad, let me explain." Imbis na magsalita ako ng masasamang bagay niyakap ko na lang siya.

Kaya pala.

Kaya pala kinuha niya ang number ng bestfriend ko.

Kaya pala nawawalan na siya ng oras sakin.

Kaya pala naging malayo sakin si Danny noong mga nakaraang araw.

Kaya pala ang cold na niya sakin.

"Danny, alam mo namang mahal na mahal kita diba. Kaya ko gagawin to. Kahit mamatay ako sa sobrang sakit gagawin ko. Lumigaya ka lang. Pinalalaya na kita. Wag mo kong kakalimutan ang isang Richard Salvador na nagmahal sayo. Na may lalaking nagmahal sayo ng todo. Hindi ka masama. Wag mo yung iisipin. Sinunod mo lang ang puso mo. Nagmahal ka lang. Mahal na mahal kita Danny." At hinalkan ko siya sa labi at umalis na. Our first and last kiss.

Alam kong may rason ang Diyos kaya niya kami pinagtagpo.

Dito na nagwawakas ang storya namin ni Danny. Happy ending? Hindi para samin yan. Isa lang akong extra sa love story nila. At si Danny, hindi siya ang leading lady ko. Maaring parating pa lang. Siguro na-delay yung flight. O baka traffic o di kaya naman walang nadaang tricycle. Parating pa lang ang babaeng karapatdapat maging leading lady ng buhay ko.

Kaya palaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon