11 - Somewhere out there

1.1K 32 0
                                    

CHAPTER 11 – Somewhere Out There

Knight’s POV:

Nakarinig ako nang mga kalabog kaya naman agad akong lumingon sa paligid ko. Sobrang dilim sa kinaroroonan ko at wala man lang akong makita na kahit ano.

Hindi talaga ako makapaniwala na gagawin sa amin to ng mga baliw na student councils. Bakit hindi na lang nila kami patalsikin sa paaralan na to? Edi sana wala silang pinoproblema.

Napalunok na lang ako na marinig akong palakas ng palakas ang mga kalabog na naririnig ko. Ang bilis bilis na rin ng tibok ng puso ko. Napasandal na lang ako sa pader at iginapang ang mga kamay ko sa malamig na pader.

Bingo! 

May nakapa akong light switch kaya dali-dali ko itong binuksan.

Pagmulat ko ng mga mata ko at napagtanto kong nasa locker room pala ako. Boy's locker room to be exact. Okay, ngayon may ilaw na kailangan kong alamin kung saan nanggagaling yung mga kalabog na kanina ko pa naririnig.

Nilibot ko ang buong boy's locker room pero parang hindi naman dito nanggagaling yung mga ingay na yun. Baka naman sa girl's locker room?

Dahan-dahan akong pumaok sa girl's locker room at nakarinig na naman ako ng mga kalabog kaya dali-dali ko itong sinundan. 

Napakuyom na lang ako ng kamao nang malaman sa isang locker nanggagaling yung ingay. Pagkabukas na pagkabukas ko ng locker ay automatic na nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa loob. 

"C-cassadee?"

Tinulungan ko siyang makaalis sa locker at parang machine gun naman ang bibig niya kakamura. Nagpasalamat siya sa akin at masaya ako dahil nakita ko siya.

“My gosh! I can’t believe it. Ikinulong nila ako sa locker! Argh, they’ll pay for this shit. Hinding-hindi ko sila palalagpasin. Namumuro na sila sa akin. Come on! Hanapin na muna natin yung iba.” Tumango lang ako at sinundan siyang maglakad.

Cassadee’s POV: 

"So kinulong nila tayo dito sa bulok nilang gym? At balak nila tayong patayin dahil sa mga kalokohang pinaggagagawa natin?! They’re insane!" Sabi ko habang nakatitig sa nakalock na pinto. "Sorry nga pala. Kung hindi sana dahil sa amin, hindi kayo madadamay dito---" Dagdag ko at napalingon ako kay Knight.

"Okay lang. Things happen. Hindi rin naman namin akalain na ganito ang mangyayari." Napakibit balikat lang ako at inilibot ang paningin ko sa buong gym.

Wala man lang bintana. 

Paano kaya kami makakalabas ni Knight dito?!

3rd person’s POV:

Hindi nila alam kung paano sila makakalaba sa gym kaya naman naisipan ni Cassaddee na gibain yung pinto. Hindi man sigurado si Knight sa gagawin pero sinunod din naman niya ang sinabi nito.

Nakakita si Cassade ng mga bakal. Napangisi na lang siya at dali-dali itong kinuha. Inabot niya ang isa kay Knight na gulung-gulo pa rin sa pinaggagagawa ni Casadee. Pinaghahampas nila ang pinto pero wala lang man nangyari.

"Shit!" 

Ibinato na lang niya ito at napatingala dahil sa sobrang galit. Nanatili siyang nakatingin sa kisame nang biglang sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

Nakakita si Knight ng isang itak mula sa boy's room at sinundan si Cassadee.

"T-teka, paano na yung pinto?"

"Yaan mo na yun. May naisip ako." Sagot ni Cassadee at hinila na si Knight papunta sa kabilang parte ng gym kung saan may nakita siyang hagdan paakyat sa bubong ng gym. 

"Sa bubong tayo dadaan?" Nginitian lang siya ni Cassadee bilang sagot at umakyat na silang dalawa sa hagdan. Laking tuwa naman nila nang mabuksan nila ang pinto dito.

"Nasubukan mo na bang tumalon mula sa bubong?" Nakakalokong tanong ni Cassadee kay Knight kaya umiling-iling siya bilang sagot. "Well, congratulations Knight! This will be your first time."

"P-paano kung mamatay tayo diyan?"

"Duh?! Para namang ang taas taas netong kinatatayuan natin."

"P-pero paano kung mabalian tayo---"

"Walang mangyayaring masama, okay?" Paninigurado ni Cassadee kay Knight. Walang ibang masabi si Knight kaya napagpasyahan niyang sumunod na lang sa sinabi ni Cassadee. Pinanuod niya itong dahan-dahang tumalon at mukhang hindi man lang ito nahirapan.

Huminga ng malalim si Knight. Ipinikit niya muna ang mga mata niya bago tumalon kaso nagkamali siya ng talon kaya bumagsak siya sa ibabaw ni Cassadee at pareho silang nakahiga sa damuhan. Nanlaki ang mga mata nila nang biglang maglapat ang mga labi nila sa isa’t isa.

"Tangina! Anong ginawa mo?!" Galit na tanong ni Cassadee habang nakahawak sa ulo nito.

"S-sorry. Nakapikit kasi ako nung tumalon ako e. Hindi ko naman alam na---"

"Oo na! Tara na nga."

Tumayo na sila at naglakad na papalayo sa gym. Nasa football field na sila nang makakita sila ng isa pigura ng isang lalaki na nakatayo sa ilalim ng puno sa di kalayuan. Huminto naman sila sa paglalakad dahil akala nila isa sa mga kaibigan nila ito.

Unti-unting naglakad papalapit sa kanila ang lalaki at laking gulat nila ng makita nila kung sino ito.

"Dacey?" Bulong ni Knight nang makita si Dacey na papalapit sa kanila. Halos manlambot ang mga tuhod ni Knight nang nakita niya kung anong hawak hawak nito.

Isang chainsaw.

Nanatili namang kalmado si Cassadee at hinawakan ang kamay ni Knight para pakalmahin din ito.

"Mabilis kang tumakbo, di ba?" Bulong ni Cassadee kay Knight.

"Oo naman. First place lagi to noh." 

"Good. Wag kang bibitaw sakin ah."

Napangisi na lang si Dacey, habang humahakbang papalapit pa sa kanilang dalawa. "Akalain niyong makakalabas pala kayo dun sa gym. Impressive!"

"T-tatakbo na ba tayo?" Takot na bulong ni Knight na nasa likuran ni Cassadee. Naagaw ni Dacey ang atensyon ng dalawa nang paandarin na nito ang chainsaw na hawak hawak niya kaya napakuyom na lang siya ng mga kamao niya.

"Patayin mo kami kung kaya mo!" Sigaw ni Cassadee kay Dacey at mabilis silang tumakbo papunta sa school building. Napangiti lang si Dacey sa ginawa ng dalawa. Naglakad lang siya imbis na tumakbo para sundan ang dalawa. Napapakanta pa siya dahil sa sobrang tuwa.

"Naglalakad lang si Dacey? Wala ba siyang balak sundan tayo?" Tanong ni Knight habang naghahabol ng hininga at nakatingin kay Dacey na naglalakad sa likuran nila.

"So, gusto mo pang sundan niya tayo habang dala-dala niya yung chainsaw na yun? Magpasalamat ka na lang at naglalakad lang siya." 

Tumakbo ulit sila ng tumakbo hanggang sa makaabot sila sa likurang parte ng paaralan kung saan maraming naglalakihang mga puno. Dali-dali silang nagtago sa likod ng mga ito at naghabol ng kanilang mga hininga.

"Ano nang gagawin natin?"

Tinitigan lang siya ni Cassadee sa mga mata. Kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito kaya naman nginitian niya ito at tinapik ang balikat. "Stay alive. Yun lang ang magagawa natin sa ngayon."

--------------------------------------------------------------------------------

Bloodwood Academy  ©2013 All Rights Reserved

Bloodwood Academy: Behave Or DieWhere stories live. Discover now