Nagsimula na naman akong humanga,
Na ang katapusan naman ay pagluha.
Hindi ko pa man iniibig,
Pangalan naman nya'y kabig ng dibdib.
Muli na namang umaasa na ako'y mapapansin nya.
Subalit ako sa mundo nya'y wala.
Hindi ko man alam ang takbo ng kanyang diwa,
Ako parin sa kanya'y nag-aalala.
Iniisip ko ang kalagayan nya,
Maayos ba o hindi ang pakiramdam nya.
Siguro nga't wala akong karapatan,
Subalit akoy nagtatanong lang naman.
Masaklap na ako'y humahanga muli.
Pagkat nakatanim na sa yaring isip,
Ako'y iibig, luluha at masasaktan lamang sa huli.-Schoolzone
YOU ARE READING
Fallen Angel's Testimony
PoetryA compilation of different poems made personally by the author.