Chapter 2

1.1K 7 0
                                    

    "Grabe naman yung lalaki na yon nakakagulat, nakita ko na siyang nag lalakad sa malayo pa lang kaya pumikit ako hanggang sa maramdaman kong nandyan na siya malapit sa akin. Ang hirap non. Pumikit ng ilang minuto kahit ayaw mo." Sinasabi ni Rica habang nag lalakad pauwi ng bahay niya.

     "Napakasaya ng araw ko, dahil nakakita ako ng isang babae na hindi ko inaasahan. Mukhang madaming mangyayari sa last year ko sa High School." nakangiting sabi ni Arden habang nag lalakad pauwi.

      Papasok na ako sa klase ng magulat ako na may pinag kakaguluhan ang mga estudyante. Sumilip ako, at ng nakita ko lahat sila nakatingin kay Arden. At biglang tumunog ang bell kaya naman nag mamadali sa pag pasok ang mga estudyante sa loob ng silid aralan.

    Habang tinatawag isa-isa ng guro ang aming mga pangalan pumasok si Arden na may galos sa mukha. Ang upuan sa gilid ko ay bakante kaya doon siya naupo. Nakatahimik lang siya hanggang natapos ang klase. Kaya pumunta ako sa kanya at tinanong ko siya.

"Arden galit ka ba sa akin?" malumanay kong tanong

"Hindi ako galit, ayoko lang ng lalapit ka sakin." Sagot niya

"Bakit naman?" tanong ko ulit

"Basta." Pagalit niyang sagot habang nakatitig siya sa akin ng malalim

At bigla siyang lumabas ng silid aralan, hindi  ko na alam kung saan siya pumunta.

    Pagkapasok ko sa eskwelahan, inaabangan ko na si Rica. Nang marinig ko ang mga lalaki nai-naabangan nila ang bagong babae sa lugar namin, at alam kong si Rica yun. May masamang balak sila Anthony kay Rica kaya nakialam ako sa usapan nila, hanggang sa nag kapikunan kami. At nag karoon ng alitan. 

"Back off Arden, kung ayaw mong mapahamak." mayabang niyang sabi

"What? Do you think I'm scared, Make sure nothing bad will happen to her or else I will drag you down to hell." matapang kong sagot. 

"Who do you think you are to threaten me? Stop, demanding me for what should I do, I know what I want Arden you better back off!''  wika niya


"You should watch yourself Anthony, I'm watching you." sagot ko

(PAK) suntok sa mukha ni Anthony kay Arden

"Isa pang salita mo, di lang yan aabutin mo." yabang niya

"Tara na nga, malapit ng mag simula ang klase." aya ni Anthony sa mga kaibigan niya

Dumeretso ako sa klase ng sobrang badtrip. 


Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon