Part 1

20 1 0
                                    



Siya: Uy baby, saan tayo kakain mamaya?
Ako: Hindi ako makakasabay sayo. May tatapusin kasi kaming group activity sa E. Lib. eh.
Siya: Okay. *malungkot*
Ako: San ka kakain?
Siya: Sa NRH Canteen nalang siguro.
Ako: Ok sige. Bye na. Nagmamadali ako eh.

*Recess*

Nung papunta na ako sa E. Lib. nakita ko siya sa NRH Canteen na kumakain mag-isa. Kitang-kita ko yung lungkot sa mukha niya dahil wala ako. Bawat subo niya ng pagkain parang walang gana.

Bigla akong naaawa sa girlfriend ko. 😞

Tinext ko yung mga groupmates ko na medyo male-late ako ng dating. Umokay naman sila. Bumili ako ng food ko tapos Chocolate mint na milktea sa infinitea favorite niya yun eh. Then umupo ako sa harapan niya. Ayun. Gulat na gulat siya.

Siya: Akala ko ba may gagawin kayo?
Ako: Hindi ko kayang tiisin na mag-isa ang mahal ko eh.

HALA! MAYA MAYA BIGLA NALANG UMIYAK. Napansin ko yun nung panay ang punas niya ng panyo sa mata niya. 😨

Ako: Oh, hala bakit ka umiiyak?
Siya: Ang sweet mo kasi eh.
Siya: Awww. Hahaha! Wag kanang umiyak. Baka isipin nila inaaway kita.

Ayun, nakangiti lang siya throughout. Ang gana niya na rin kumain. Then after nun hinatid ko na siya sa next class niya. Hinatid ko siya nang may ngiti pa rin sa mukha niya.

Tapos nag roadrunner na ako sa bilis ng takbo ko papuntang E. Lib. Baka kasi beastmode na mga kagroupmates ko eh. Nasa akin pa naman yung papers kasi ako yung group leader. Hahahahaha.

PS: Hindi lahat ng babae kailangan ng material na bagay. Kadalasan, existence lang natin masaya na sila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 28, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Lunch"Where stories live. Discover now