12 - Savage

1K 32 0
                                    

CHAPTER 12 – Savage

Chase’s POV:

What the hell! Kanina pa ako nakakulong dito sa cafeteria. Mga gago talaga yung mga student council nay un. Ano na naman bang naglalaro sa isipan nila? Wala ba talaga silang balak tigilan kami?

Isa-isa kong binuksan ang mga bintana para magkaroon ako ng ilaw kahit papaano. Kinuha ko ang sigarilyo ko sa bulsa at naghanap ng lighter pero wala. Kung minamalas ka nga naman oh! Naglakad-lakad lang ako sa cafeteria hanggang sa makarating ako sa kusina. Nasaan ba yung kalan dito? Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may naamoy akong kakaiba. Para bang may nabubulok na kung ano! Basta, ang baho talaga!

Nang makakita ako ng lighter, naglibot-libot pa ako at nagbabaka sakaling may makita akong pintuan palabas sa lecheng cafeteria na to!

Nakaramdam ako ng konting pangingilabot dahil unti-unting lumalamig ang paligid. Lumingon-lingon ako pero wala naman akong nakikitang aircon, puro electric fan lang ang nandito! Napatigil ako sa paglalakad nang bigla akong mabunggo sa isang mesa. May kahabaan ang mesa at may mga nakahaing pagkain.

Napahawak ako sa tyan ko at lumapit ng konti para tignan kung anong mga pagkain ang nakahain. Medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom. Nakakapang-laway tuloy! Kumuha ako ng tinidor at tumusok sa mga nakahaing pagkain na hindi ko alam kung anong luto ang mga yun.

Pinagmasdan ko ang mga iyon at halos lumuwa na ang mga mata ko nang makita kong maigi ang mga nakahaing yun.

What the fuck?!

Automatic na napatakip ako sa bibig ko. Pucha! Nakakasuka. Hindi ko masikmura itong mga nakikita ko. Mga lamang loob ng tao! 

Nabitawan ko na lang ang tinidor na hawak hawak ko sa sobrang gulat. Ngayon ko nga napagtantong mata pala ang nakatusok sa tinidor na hawak-hawak ko. Hindi ako makapaniwala na may nangyayaring ganito sa loob ng paaralang ito. Buong akala ko matitino ang mga nandito.

Mga dating mag-aaral kaya to ng Bloodwood Academy?

Napalingon ako nang makarinig ako ng mga yabag papalapit sa akin kaya agad akong humarap sa kung sino man yun. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita kong si Zico lang pala. Napangisi na lang ako sa kanya nang lumapit siya at humithit sa sigarilyong hawak hawak ko.

"Akala ko isa ka sa mga siraulong yun eh." Bungad niya sa akin.

"Tangina, Zico! Mga siraulo nga ang mga iyon. Halika, may ipapakita ako.” Sabi ko at sinenyasan siyang sumunod sa akin. Ipinakita ko sa kanya yung mga laman loob na nakita ko kanina at tulad ng inaasahan ko, masuka suka siya sa nakita.

“Kailangan ba talagang ipakita sa akin yon?! Tangina mo, Chase! Kadiri. Tara na, hanapin na natin yung iba. Kailangan na nating makaalis sa lugar na to!”

Itinulak niya papalayo yung platong ipinakita ko sa kanya tsaka tumango. Nilibot namin ang buong kusina habang naghahanap naman si Zico nang pwede naming magamit sa kanila bilang self defense. Nakatayo lang ako sa isang tabi at tinitignan si Zico.

"Eto nakakita ako ng kutsilyo."

"Humanap ka ng iba. Hindi naman tayo mamamatay tao."

"Tss! Naghahanap ka ng safe na gamit dito sa kusina? Anong gusto mong gamitin natin panlaban sa kanila? Sandok?" Inirapan niya lang ako at bumalik na sa paghahanap ng gamit.

"May tao ba dyan?!" Naagaw ng isang boses ang atensyon naming dalawa ni Zico kaya nagkatinginan kami. Sinundan namin kung saan nanggagaling yung boses na yun. Naglalakad kami ni Zico ng makakita ko ng tubo kaya kinuha ko ito kung sakaling isa sa mga baliw tong nagsalita.

"Tulong!!!!"

Yung boses na yun. Pamilyar yung boses na  yun.

"Shit! Si Aldave yun."

Napahinto si Zico sa paglalakad ng marinig ang sinabi ko. At dali-dali kaming tumakbo sa lugar kung saan nanggagaling yung boses ni Aldave. Nakarating kami sa pinakadulong parte ng kusina at habang naglalakad kami papasok, palamig naman ng palamig.

Freezer room.

Sinubukan naming buksan ito pero nakalock. Giniginaw na ako. Sinilip ko ang loob ng freezer room at hinanap si Aldave. Nakaupo siya sa isang tabi at kitang-kita ang panginginig ng buong katawan niya sa sobrang lamig.

"Aldave!" Sigaw ko pero hindi wala man lang akong natanggap na sagot. Shit! Kailangan namin siyang mailabas kaagad dito bago pa siya mamatay sa sobrang lamig. Nilibot ako ang tingin ko sa lugar at nakakita ako ng itak sa emergency case. Dali-dali ko itong kinuha at pilit na binuksan ang freezer room.

Nang mabuksan ko ito ay agad akong tumakbo papalapit kay Aldave at pilit siyang ginigising. Binuhat ko na siya. Mabuti na lang at mas magaan siya kesa sa akin. Umalis agad kami sa lugar na yun at pinaupo sa tabi Aldave na nanginginig pa rin.

Tangina, ang lamig talaga!

"Okay ka lang ba?" Parang tangang tanong ni Zico. Kita na nga niyang muntik nang mamatay sa sobrang lamig tapos itatanong pa niya kung ayos lang?!

"O-o-okay lang. U-umalis na tayo." 

Hinawakan ko ang mga kamay niya para kahit papaano ay mainitan siya pero wala namang nangyayari.

"Yakapin mo kaya." Sabi sa akin ni Zico kaya tumango lang ako. Hinila ko papalapit sa akin si Aldave at niyakap siya. Tangina! Nilamig din ako sa katawan niya. Napapikit na lang ako at huminga ng malalim.

Sana maging okay na siya.

Dumaan ang katahimikan sa aming tatlo nang marinig naming bumukas ang pinto dahilan para magulat kami ni Zico. Nagpalitan kami ng tingin at inutusan ko siyang magtago sila ni Aldave habang titignan ko kung sino man yun. Nagtago ako sa counter at nakita ko sina Max, Ivan at Aldrin. 

Hindi ko hahayaang mangyaring masama sa akin, lalong lalo na sa mga kaibigan ko.

Naramdaman kong biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Kaya kinuha ko kaagad ito at nakita kong nagtext sa akin si Zico. Nakakita na daw siya ng daan papalabas. Dali-dali naman akong pumunta sa pinagtaguan nilang dalawa at nakita ko kaagad silang dalawa na nakatayo malapit sa pinto. 

Bakit parang hindi ko naman to nakita kanina?

Secret passage?

Saan naman kaya kami mapapadpad kung sakaling tutuloy kami dyan?

--------------------------------------------------------------------------------

Bloodwood Academy  ©2013 All Rights Reserved

Bloodwood Academy: Behave Or DieWhere stories live. Discover now