Chapter 34

14.7K 167 2
                                    

LUCY POV

“lucy. For you.. binake ko yan para sayo.” Saad ng babaeng nasa harapan ko tapos inilahad sakin ung dala nyang chocolate. Kinuha ko ung tapos ngumite sa kanya.

“thank you.” Sabi ko tapos pumihit na patalikod, kinuha ko ung maliit na card na nakaipit doon. Picture nya ito na may number nya sa likod. Natawa ako ng bahagya tapos tinapon sa pinakamalapit na basurahan ung chocolate ay ung picture.

Hindi ko tipo ang mga babaeng palagid umaaligid sa mga lalaki at mga babaeng malakas sumigaw, sabihin na nating mas type ko ung mas mature sakin ng unte tapos ung mga kasing ganda ni chris. At kasing ganda ng katawan tulad ni ella.

Matagal akong nawala dahil sumama ako sa ate ko na nagbakasyon sa paris, mga dalawang linggo din un. Hindi ako nakapagpaalam sa barkada kaya pakiramdam ko madami akong namiss kaya nagdecide akong i-surprise silang lahat, lalong-lalo na’t hindi na blue ang buhok ko ngaun. Itim na sya ulit. Hahaha.

Pinihit ko ang door knob sa Class A. Nakita kong kumpleto na silang lahat doon. Napatigil sila sa pagkain ng makita ako, pwera lang ang natutulog na si lance.

“Lucy, san ka galing? Loko ka ah. Di nagpapaalam?” saad ni jeff ng tapos binato ako ng unan.

“sa paris lang. hi! Chris.” Sabi ko tapos kinidatan ko si chris si brian naman ang bumato ng unan sakin.

“Mata mo lucy! Umupo ka na nga! Di bagay sayo ung buhok mo.” Sabi ni brian, Ngumuso ako tapos pinasadahan ang buhok ko gamit ung kaliwa kong kamay,

 

“hindi ba? Ouch naman!” sabi ko tapos uupo na sana ako ng mapansin ang isang babaeng mestisa na titig na titig sakin. Brown ang buhok nya at.. oo maganda sya kaso weird.

Anung nanyari dito? Parang nakakita ng prinsipe sa itsura nya. Nagkibit balikat ako tapos uupo na sana ng bigla syang tumayo at lumapit sakin.

 

“hey..” saad ko. Masyado syang malapit, nakakailang nya. Sino ba to? Ang weird nya.

“my prince..” narining kong sabi nya, tapos lumapit sya sakin at.

Hinalikan ako

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon