Chapter 14

174 12 0
                                    

Madalas pag weekdays, ipinagdadasal na natin na maging weekend na pero pag dumating naman na yung araw na yon, wala naman tayong ginagawa para maging productive ito. Tapos pagnatapos yung araw, magsisisi ka kung bakit hindi ka gumala o gumawa ng nga bagay na gusto mo.

Para akong zombing naglalakad sa may corridor ng school. Tinapos ko kasing basahin yung 4 na librong nabili ko nung isang araw. Oo halos hindi ako nasikatan ng araw buong weekends. Madalas kasi kapag nahook ka na sa isang libro, hindi mo na ito titigilan hanggang sa matapos mo ito. Kung titigil ka man sa pagbabasa at gagawa ng ibang bagay, hahanap hanapin mo at hindi ka patatahimikin ng utak mo sa kung ano na bang susunod na mangyayare.

Papikit pikit akong naglalakad. Buti na lang kokonti ang mga tao dito. Masyado pa kasing maaga. Nagsisisi na ko kung bakit himbes na sa kama dumiretso ay mas minabuti kong pumasok. Sabagay, 5 am na ng madaling araw ko natapos yung libro. Kapag natulog pa ko, malalate ako.

Ng makarating ako ay hindi ko na lang pinansin yung isa pang natutulog tutal lagi naman siyang tulog at dumiretso na lamang sa aking upuan. Ng makaupo ay agad kong pinatong ang aking bag sa lamesa at ginawang unan para matulog. Ilang minuto lang naman.

Sweet dreams....

"Pst" may narinig akong sumitsit at sinundot ako sa may ulo. Binalewala ko na lamang ito. Istorbo nasa dream land na ko eh.

Babalik na sana ako ng bigla nanamang may sumundot sa ulo ko. Kung kanina paisa isa lang, ngayon medyo sunod sunod na. Binalewala ko nanaman ito at baka nantritrip lang.

Ng isa pang beses ay sinundot na ko hindi sa ulo kundi sa may balikat ay hindi na ko nakapagtimpi pa.

"Ano ba tanta-" tulala lamang ako na nakatingin kay Ms. Jeneza. Science prof namin. Awkward naman akong napatingin dito sabay peace sign. Muka atang mas lalo itong nagalit. Sa itsura ko kasi ngayon para akong makikipaglokohan. Nakapeace siya ba naman ng nakapokerface Hailey? Nagsibungisngisan naman yung mga kaklase ko. Mga baliw

"Get out. NOW!" napangiti na lamang ako ng palihim at kinuha na yung bag ko. Nagkunwari pa kong nakasimangot para mas effective kunwari. Sa wakas magkakaroon na ko ng free time matulog.

Dumiretso ako sa may library at humanap ng magandang pwesto. Ang pinili ko ay yung doon sa may pinakatago at doon nagsimula nanaman akong bumalik sa dreamland.

"Gigisingin ba natin?"

"Edi ikaw"

"Ikaw na baka bigla akong masapak"

"Bato bato pick na lang"

"Sige"

"Daya mo naman!"

"Teka bago mo gisingin peram ako ng pentel pen" ng marinig ko yon ay agad na nagising ang diwa ko at umupo na sabay tingin kay Lawrence

"Don't.You.Dare" matatalim kong tingin. Para namang iihi na ito sa sobrang kaba. Sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing wag lang sa walang tulog.

"Hehe joke lang. Uhm ta-tara pinapasundo k-ka ni Mam Kri-zelle" sabi nito na nanginginig. Good. Takot din pala to eh. Agad na kong tumayo sukbit ang bag ko at deretsong pumunta sa kinaroroonan nila. Nakasunod naman sakin sila Lawrence at Anika. Ng makarating ay naabutan namin si Alvis na nakasandal sa may pader habang nakatingin naman si Mam sa orasan nito. Ng mapansin niya kaming dumating ay sinabi nitong sundan namin siya.

Nag elevator kami papuntang 4th floor tutal tinatamad daw si Mam at nakakapagod na mula 1st floor aakyatin mo hanggang 4th. Ng makarating kami ay naunang naglakad si mam. Ilang sandali lang ay tumigil kami sa isang pintuan.

Mystery FILES #Wattys2016Where stories live. Discover now