Untitled Part 1

6 0 0
                                    


Noong naging magkasintahan kami , maraming nagbibiro samin na "walang forever" kasi masyado kaming inlove sa isa't isa. Nakakatawang isipin na pareho naming pinagpipilitan na may "FOREVER". Syempre ganun naman di ba? Pag nagmahal ka , feeling mo ang sarap mabuhay. Palagi ka nyang pinapakilig. Halos araw araw kaming magkasama. Sobrang saya pag anjan sya. Anjan yung kulitan, tawanan at ngitian namin sa isat isa. Para bang kayong dalawa lang sa mundo, hindi na namin napapansin ang ibang tao. Ewan ganun lang siguro ang inlove. May forever, at walang sinuman ang makakahadlang sa pagmamahalan nyo. Excited kang gumising dahil panibagong umaga na naman para sa inyong dalawa. Mangangako kayo na walang bibitaw pag nagkaproblema. Pero darating din pala sa punto na unti unti na palang nawawala yung saya na nararamdaman nyo sa isat isa. Hindi nyo namamalayan na nagkakasakitan na pala kayo. Away-bati na lang araw araw, unti unti ng nawawala ang tamis ng pag iibigan nyo, hanggang sa dumating na lang na puro away na lang. pwedeng yung isa gusto ng sumuko at yung isa ayaw pang pakawalan ang minamahal o pwede namang pareho ng pagod naghihintayan na lang kung sino ang unang bibitaw. Di ba pag nagmahal ka handa ka dapat masaktan? E bakit pag nasaktan susuko na agad? Siguro nga nawala na ang pagmamahal na naramdaman nya. Bakit nga ba hindi nya maiisip na sumuko ? e kasi naman napagod na syang umasa sayo,palagi mo na lang pinapaiyak. Kaya nga natatawag na tanga ang isang taong martir. Dahil sinasakatan na nga pinagpipilitan pa ang sarili sa taong hindi na sya mahal. So sa huli dyan nagkakaroon ng mga bitter. Yan yung mga nasaktan ng sobra at ayaw ng magmahal at takot ng masaktan muli. Kaya pag nakakita ng magkasintahan na sobrang nagmamahalan, sasabihan ng "walang forever".


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FOREVER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon