CHAPTER 1
Not-the-actual-beginning
"Hay, kawawang ballpen. Nahulog tapos walang sumalo." Pumilitik pilitik pang sabi ni Carol. Humagalpak naman ng tawa sila Hersh, Sam, at Blu. Tila seryoso namang naguusap ang magkapatid na sina Jace at Juno na medyo malayo layo sa amin. Katatapos lang kasi ng Examination week namin at ngayon ay nagchichill ang aming barkada sa usual spot namin dito sa campus.
"So, tuloy yung swimming natin sa Villa mamaya?" Tanong ni Sam. Tumango naman si Hersh at Carol.
"Sino sino bang mga kasama natin?" Tanong ko naman sakanila.
"Sila Jace, Juno, Carol, Sam, ako, Topher, at ofcourse si papa Thomas!" Ani Hersh with matching palakpak pa and talon talon. Walanjo talaga 'tong si Hersh, sarap sabunutan.
"Makikita ko nanaman ang abs nyang kumikislap dahil sa tubig mula sa pool! Yay! Can't wait mga beh omg!!" With matching tulak tulak pa kay Blu. Crush na crush kasi ni Hersh si Alex. Ano bang nakita nya dun sa lalaking yon eh ubod naman ng pangit! tsk tsk.
Wait, di kasama si Blu? Sinulyapan ko si Blu at medyo malungkot sya. Nilapitan ko sya at tumabi ako sakanya. Mapait syang ngumiti sa akin at kitang kita sa mga mata nya na malungkot talaga. Kagaya ng iba, transparent si Blu. Malalaman mo agad kung malungkot sya o hindi sa kanyang mga mata.
"Blu, di ka sasama?" Tanong ko habang paupo ako sa tabi nya. Tumango siya.
"May paguusapan kasi kami nila Kuya mamaya, at alam kong tungkol nanaman yun sa kagustuhan niyang sa Maynila ako mag-aral. Alam mo naman siguro kung gaano ko ka-ayaw sa Maynila diba? Bukod sa hindi ko kabisado ang mga lugar doon, hindi ko rin kayang malayo sainyo." Ani nya sabay singhap. Sa buong barkada namin, sya lang talaga itong takot mawala kami sakanya. Naiintindihan ko iyon dahil sila nalang ng kuya nya ang magkasama sa buhay ngayon, kami nalang at ang kuya nya ang meron sya ngayon.
"Pero naiintindahan naman namin ang kuya mo, eh. Mas maganda ang kalidad ng pag-aaral sa Maynila. Hindi ko naman sinasabi na pangit dito sa Bulacan pero tingin ko eh mas okay talaga sa Manila." Suminghap syang muli at nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Nandito pa rin naman kami, Blu. Di kami mawawala sayo, di ka namin iiwan..."
"Pero iba pa rin talaga kapag nandyan kayo at malapit ako sainyo..." Nagbabadya ang luha sa mga mata ni Blu. Hinatak ko sya papalapit sa akin at niyakap sya ng mahigpit. Napatingin naman sila sa akin at lumapit sa kinauupuan namin ni Blu.
"Shhhh.. Blu.." Pagpapatahan ko sakanya. Yumakap naman si Hersh at sunod sunod na silang yumakap sa amin.
"Ay! May group hug na nagaganap, Jace, Thom, tara!" rinig kong pangyayaya ni Juno sa kanyang kapatid at kay Alex.
Naramdaman kong may mainit na kamay na pumulupot sa beywang ko. Naramdaman kong umakyat ang dugo sa aking mukha. Shit! Bullshit!
"Ehemmmm, Thomas! Group hug daw, hindi si Margaux lang ang yayakapin." Kantyaw ni Jace. Agad naman nyang tinanggal ang kamay nya sa beywang ko at iniangat naman nya ito sa aking balikat para akbayan ako. Ini-stretch naman nya ang isa nyang kamay at inakbayan si Hersh. Tila parang uod na binuburan ng asin si Hersh dahil sa kilig. Loka loka talaga ang isang 'yon.
"M-Mahal na mahal k-ko talaga kayo g-g-guys..." Pautal utal naman nyang banggit. Napa-uhhhhhh naman sila na tila na-touch sa sinabi ni Blu.
"Mahal din kita- este mahal ka din namin, B-Blu!" Pautal utal namang banggit ni Juno. Namula naman ang pisngi ni Juno, siguro dahil sa kilig.
"Tama na nga! Baka magbago pa ang isip ko.. Sa Maynila na ako mag-aaral." Bumitaw naman kami isa isa sa yakap namin at halata sa mukha nila na nagulat sila sa sinabi ni Blu.
"Iiwan mo na kami?" Malungkot na sabi ni Sam.
"Hindi mo naman kailangang umalis, hindi ba?" Ani Carol.
"Ano ba kayo! Malapit lang naman dito sa Santa Maria ang Maynila. Siguro mga 1 hour and 30 minutes lang ang biyahe at makakarating na agad doon. Hindi naman ako sa ibang bansa magaaral, wag kayong OA." Pagpapaliwanag nya.
"Nakapagdecide na ako, sa Maynila din ako mag-aaral." Natahimik kaming lahat sa pahayag ni Juno. "Nagpaalam na ako kila mommy tungkol dito-"
"Kung dahil sa akin kaya ka sa Maynila mag-"
"Oo dahil sayo ito, Blu. Gusto kong makita ka habang nagaaral ako. Promise, hindi kita guguluhin dun. Gusto ko lang na mainspire habang nagaaral." Abot tenga naman ang ngiti ni Blu na kanina lang ay umiiyak.
"Respeto naman sa mga walang lovelife, oh?" Napahagalpak kami sa tawa ng dahil sa sinabi ni Carol. Sa barkada talaga namin, sya lang ang mahilig humugot. Wala namang lovelife. Tss.
Umikot ang paningin ko at nakita ko si Alex na nakatitig sa akin sabay kagat ng kanyang pangibabang labi.
Naghuhurumentado nanaman ako, napatulala ako sakanya. Tila may mga dragon na nagwawala sa tiyan ko at tila gusto ko nang matunaw sa kinatatayuan ko. Shit! Siya lang talaga ang nakakapagparamdam sa akin ng ganong feeling kapag tinititigan nya ako o kaya'y kapag kasama ko sya..
"OMG SI PAPA VINCE!!" Tili naman ni Hersh. Napatakip ako sa tenga ko. Jusko!
Kahit walang lovelife si Hersh, mayaman sya sa crush. Kaya kahit wala syang boyfriend, masaya sya. Samantalang ako.. Bestfriend ko ang mahal ko.
BINABASA MO ANG
Give me love
Narrativa generalePagmamahal. Halos lahat naman siguro ng tao sa mundong ito ay gustong mahalin pabalik ng taong mahal nila, hindi ba? Lahat naman siguro ng tao ay gustong maranasang mahalin sila ng taong mahal din nila, hindi ba? Ngunit paano kung ang inaasahan mong...