Ang Aking Pagtatapat

100 3 3
                                    

Sa kay tagal na nating magkakilala,

Ako ay may tinatagong nadarama.

Hindi maipagtapat oh aking sinta,

Ako'y takot baka ika'y mawalay pa.

Alam mo na ako ay may minamahal,

Ako'y masaya pag ikaw ang kasama.

Hindi ko masambit kung sino ang mahal,

Dahil sya ang dahilan ng pagkasaya.

Minsan nabg nasaktan ang puso kong ito,

Dahil laging nagmamahal ng totoo.

Mula ng ika'y dumating sa buhay ko,

Muling nabigyan ng kulay ang mundo ko.

Sa ngayon, may itatanong ako sa'yo,

May pag-asa ba ako dyan sa puso mo?

Kung ang isasagot mo sakin ay oo,

Pangako! mamahalin ka ng totoo.

Ang Aking PagtatapatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon