12. Gala Mode with Matching Kabalbalan

191 5 1
                                    

Gala Mode with Matching Kabalbalan

Sumakay kami sa subway papuntang Myeongdong. Alas kwatro palang ng hapon kaya medyo maaga pa para gumala kami kung saan-saan.

Medyo marami din ang tao sa subway. Medyo siksikan din pero nakaupo kami ni Jared. He was listening to his iPod at nakatingin lang ako sa labas.

Kung tutuusin, pogi naman talaga si Jared eh. Sadyang may pagka-ignorante lang talaga at mang-aasar. Pero first impression ko pa lang sa kanya, feeling ko ganun na talaga ugali nya.

Hayyy... tsk.

Tumigil na kami sa stop namin. Mukhang hindi napansin ni Jared na andito na kami. Takte kasi eh noh! Nag headset pa sya kung maririnig ko rin naman pala yung lakas ng music nya.. PTL mga dre.

"Hoy, Coronado. Andito na tayo sa stop natin." Hindi nya ako pinansin pero tumayo na lang sya. Sinundan ko sya palabas.

Nung nakababa na kami sa streets, marami-rami na rin yung mga taong namamasyal at nag sshopping dun. Nagsimula na kaming lumakad ni Jared.

-----

Tanginis na talaga ah! Putakels na mga babaitang ito!

Kanina pa kasi kami pinagkukumpulan ni Jared. Same comments lang naman eh, ang POGI daw kasi namin.

Aaminin ko, oo, pogi si Mr Jared Coronado. Pero ako? Duhh! For pete's sake, babae po talaga ako! Sinunsundan nila kami ng tingin kahit saan kami pumunta.

Naiirita na ko ng bonggang-bongga! Pero yung kasama ko, ayun parang hangin lang ang nakikita. Pakapalan na tayo, buti nga ililibre ko pa sya eh.

"Coronado."

"Bakit, Cruz?" Tiningnan nya ako. Tinanggal na nya yung headset nya at nilagay sa kanyang backpack.

"San mo gusto kumain?"

"Kahit saan." Napaka simple nyang sagot. Buti nga ililibre ko pa sya! Tsk, asan kasi common sense nito? Alien yata from the outer space eh. -_____-

"Can't you just answer me directly?"

"I did answered you directly. Kahit saan ko gusto kumain." Tinalikuran na nya ako at lumakad ulit. Kahit kelan talaga toh!

Nagsise tuloy ako na sinabing kong ililibre ko sya. Hayy...

"Pag di mo sinabi kung saan, mas sisiguraduhin kong hindi ka uuwi ng buhay." Tumalikod sya para tingnan ako, pero sobrang sama ng ibinigay ko sa kanyang tingin.

Napansin ko na medyo natakot sya sa aura ko. Dapat lang, ako na nga itong nag malasakit na ilibre sya sa labas eh.

"Aish. Sa Starbucks na nga lang." Eh sasagot din pala eh. Pinatagal pa.

-----

Abby's POV.

Isang araw nanaman ng pasukan. Kami lang ni M.M. ang pumasok ngayon dahil may game ng badminton sina Katrine, Katharine at Mary, si Gemar naman ay basketball.

Naglalakad kami ngayon sa hallway ni M.M. Nakalimutan ko nga palang sabihin, isa kami ng mga pinsan ko sa pinaka popular na estudyante dito sa SM University.

Tahimik kaming naglalakad, pero marami pa rin ang nakatingin samin habang papasok sa room namin. Medyo hindi rin ordinary ang araw na ito para samin'g dalawa.

Bakit?

May FULL MOON kasi ngayong gabi. At meron syang full moon syndrome. FMS for short.

Iba ang ugali nya kapag sumiklab na ang FMS nya. Yung tipo ng 'sometimes-wild' at 'serious-type' ay nagiging 'super-cold', 'super-serious'...

Weh? Di nga? You're a GIRL?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon