MAGNANAKAW!!! (one shot)

229 10 0
                                    

"MAGNANAKAW!!!" sigaw ni ?

Teka diba boses yun ni James?

Ang Campus Prince? nanakawan? weh? di nga?

Dahil sa curiousity ko, lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Eh? bakit naman sa akin siya tumingin?

Teka nga, ako ba ang sinasabi niyang magnanakaw?

Nagsimula ang mga bulungbulungan, habang ako nakatingin lang sa kanya na may pagtataka ang mukha.

Lalapitan ko sana siya upang tanungin, pero bigla itong tumakbo.

Abat, pagkatapos niya akong sigawan na magnanakaw, tinakbuhan lang ako? tsk...

Makapasok na nga baka malate pa ako nito.

Ay oo nga pala ako pala, si Sofia Katherine Nicole Lee,. that's all

*LUNCH*

Naglalakad ako papuntang canteen para dun kumain,

Hay *low tone* ang lungkot na mag isa, bakit kasi absent ang bff ko.

"MAGNANAKAW" sigaw ni ?

Lumingon ako sa sumigaw.

WTF? O.O si James na naman?  At talagang sa akin siya tumingin.

Nagsimula naman ang bulungbulungan, yan ang ayaw ko, ayaw na ayaw ko ang maging topic sa mga chismiss, tsk.

Teka nga sa akin ba talaga siya tumingin?, lumingon ako sa likod ko .

Wala naman, so means ako talaga.... Tiningnan ko naman siya ng may pagtataka sa mukha.

Ngumiti lang ito at nagsimulang tumakbo palayo.

WTF? SERIOUSLY? AKO? MAGNANAKAW?URGGHH!!

BAHALA nga siya diyan, ano naman ang nanakawin ko sa kanya, tsk.

Nagpatuloy ako sa paglalakad tungo sa canteen.

*UWIAN*

Yes!! uwian na atlast,

Naglalakad ako papunta sa gate.

"MAGNANAKAW!!!" sigaw ni alam niyo na kung sino, sino ba ang sumisigaw ng "magnanakaw" sa akin, eh diba si JAMES lang naman.

Naku kahit mahal kita James, kukutusin na talaga kita, nakakapikon kana ha.

Lumingon ako sa kanya, at tinaasan kong kilay.

Bwesit ng dahil sayo ako ang topic ng bulungbulung simula nung umaga hanggang ngayon.

Ngumiti lang siya at sisimula na sana siyang tumakbo pero binato ko siya ng itlog.

HAHAHAHAH anong sa tingin niya matatakbuhan siya sa akin ngayon? NO WAY!!

Bumili ako kanina sa Canteen ng itlog, para incase lang bwahaha

Napahinto siya, kaya agad naman akong lumapit at piningot ang tenga niya.

"AAARRRRAAAYYY!!!!!" sigaw niya habang pinipilit tanggalin ang kamay ko sa tenga niya.

"Masakit? Hindi ko bibitawan ang tenga mo, kung sasagutin moang tanong ko" sabi ko sa kanya.

"OOOOO, AARRAAY NAMAN!!" sigaw niya. Wala na ako paki alam kung pinagtitinginan na kami ng mga studyente.

"Bakit sinisigawan mo ako ng "MAGNANAKAW"? at anu naman ang ninakaw ko sa aber?"tanong ko sa kanya.

"MAGNA---NA--- KAW!! ARAYY!" sigaw niya parin.

Abat!! bahala nga siya diyan, tsk. Kung hindi lang kita mahal matagal nakitang ginulpi.

"BAHALA KA NA NGA DIYAN, BWESIT!!" sigaw ko sa kanya habang binibitawan ang tenga niya at nagsimulang maglakad.

"MAGNANAKAW KA ,SOFIE!!!!!

NINAKAW MO ANG PUSO KO!!!" sigaw niya.

Napahinto ako sa narinig ko.

NINAKAW MO ANG PUSO KO!!!

NINAKAW MO ANG PUSO KO!!!

NINAKAW MO ANG PUSO KO!!!

*DUG* *DUG* *DUG* *DUG*

Ang bili ng tibok ng puso ko,

Lumingon ako sa kanya at tumingin sa mata niya para malaman kung nagsasabi ba siya ng totoo.

Lumapit siya sa akin, nang magkatapat na kami kinuha niya ang kamay ko at hinawakan.

Parang may kuryente nung hawakan niya ang kamay ko.

"Isa kang magnanakaw Sofia, ninakaw mo ang puso ko.

Kaya dapat kang ikulong,

Dito sa puso ko"

**************************************************************************

A/N: Sorry po kung bitin at may wrong grammar at spelling po, pero sana naggustuhan niyo.

(ONE SHOT LANG PO ITO)

SALAMAT PO SA PAGBABASA. :))

VOTE PO KAYO.

MAGNANAKAW!!! (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon