Ellie's POVHooo! Eto na yon. Yung araw na ayaw na ayaw na ayaw na ayaw na ayaw ko.!
(Hala? Sumobra ata sa ayaw? Ano bang ginawa ng Araw na 'to saakin?)
Paano naman kasi,ngayon na ang pagpapanggap ko bilang 'girlfriend' ni Kiezer na Mokong.
Huuhuuhuuu!,Hay Jusko Ellie,makasurvive ka kaya?
"Anak? Ayos ka lang ba? Mukhang namumutla ka? May sakit ka ba?" Tanong ni mama at hinipo ang noo ko.
"Mukhang wala naman ah. Bat namumutla ka?" Tanong uli nya.
"Ha? Na-namumutla p-po ba a-ako?" Nauutal pa talaga ako.
"Nak,may problema ka ba?" Tanong ni Papa.
"W-wala po baka,sumobra lang sa review,may quiz po kasi kami" pagdadahilan ko.
"Quiz? Sa pagkakaalam ko wal--aahvsjsysaklqonsns--" tinakpan ko na ang bibig ni Steven. Ilalaglag pa ako.
"Ah. Sabi po nya. Kala nya wala. Nakikipagdaldalan po kasi sya kaya baka di sya nakapagreview at nakinig" alibi ko. Sus! Sorry talaga Steven.
Kailangan e.
"Ah. Pero kahit di magreview yang si Steven. Makakakuha yan ng mataas,diba?" Nakangisi pang sabi ni papa at nag-apir pa sila ni Steven.
"Anak,baka gusto mong alisin yang kamay mo sa bibig ni Steven. Baka di na makahinga yan" ay! Bakit ko nga ba nakalimutan.
"Sorry" bulong ko kay Steven.
Nagthumbs up at tumango lang sya.
Inihatid na kami ni Papa. At sabay narin kaming maglakad ni Steven ngayon.
"Steven?" Tawag ko sakanya.
"Hmm?"
"Di ka ba nahihiya?" Tanong ko.
Napahinto sya sa paglalakad at hinarap ako.
"Saan?" Tanong nya.
"Na kasama ako...." nakayukong sabi ko.
"Ellie..."
"Kasi naman. Alam naman nilang mahirap ako,sikat ka. Malabong maisip nila na pwede tayong maging magkaibigan"sabi ko ng nakayuko.
"Ellie. Wala akong dapat ikahiya. Kaibigan kita,wala akong pake sa sasabihin nila. O ng mga students dito. Kahit halikan pa kita ngayon sa harap nila e. O kaya sabihin kong matagal na tayong magkakilala. Hindi naman big deal saakin ang mahirap ka. The big deal is ang kaibigan kita." Sabi nya. Teka? Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Masasaktan? O matutuwa?
Masasaktan kasi kaibigan lang nya ako. O matutuwa kasi di nya ako kinahihiya.?
"Salamat. "Sabi ko at tumango nalang sya.
Nakasalubong naman namin si Kiezer. Nakakunot ang noo at biglang hinablot ang kamay ko.
"Aray--teka!--bwisit ano ba?!" Sigaw ko pero wala syang pakeelam at pumasok kami bigla sa auditorium,and to my surprise,may program ba o announcement ang principal para sa maraming students na andito ngayon. Aba? Nasa stage pa talaga sina Janna,Jayron,Francis at Pau. Anong meron people?
Nakita kong sumunod si Steven pero napahinto sya nung inakyat ako ni Kiezer sa stage.
Binitawan muna nya ako at kinuha yung mic. Anong pakulo 'to?
Tiningnan ko yung apat na nasa likod. At pinandilatan ko sila. Nagsmile lang ang mga loko.
Hayst!
BINABASA MO ANG
"Catch Me I'm Falling.."(COMPLETED)
Teen FictionWhen you fall,is there someone to catch you? If no one will,be ready to the pain that cause the feelings that you have. Pero sa story na 'to,walang ganun,kasi sa story na 'to,sacrifice ang kailangan. © Copyright 2016 by majhie_mungz ♥Lovelots Writte...