PART 1
Kabilugan ng buwan.
Tahimik na ang gabi at ang tanging maririnig mo lang ay ang huni ng mga ibon, kuliglig, hilik ng istorbo mong kapitbahay, at ang ihip ng hangin.
Sarap na sarap sa tulog si Emmanuela at tumutulo pa ang laway sa unan niya. Nasa dreamland na naman ang bida at pinagnanasahan na naman niya sa panaginip ang ultimate crush nitong si Val. Si Val na walang kamalay malay sa lahat ng kalokohang tumatakbo sa isip ngayon ng dalaga.Umuungol pa ito na para bang nasasarapan. Pinagpapawisan kahit na naka electric fan.
At sa kaniyang panaginip. Walang ibang saplot si Val kundi isang bahag...na kulay pink! Ang hot nitong tingnan at nagmukha pa itong unggoy sa Tarzan. Ito lang yata ang gwapo sa lahat ng unggoy na nakita niya. Para siyang Evolution of a Man. Mas hot at sexy. Nakanganga lang si Emmanuela habang nakatingin sa malapandesal na abs nito, gawwd ang hot! kape na lang ang kulang. At mas lalo pa siyang na- shocked ng makita ang ibabang parte ng katawan ng binata. Malaki nga ang hinaharap nito! o kaya nama'y sadyang mapaglinlang lang ang bahag ni Val? Mahubad nga at ng malaman.
"Val, show me how you hashtag!" wala sa sariling sambit ni Emmanuela.
"I mean, hubad! Maghubad ka. Now na. Susulitin ko ito hangga't free pa. Dali!".
Pagdadahilan niya. Galawang hokage.
Ngumiti lang si Val. Yung smile na makapugtong hininga at nakakalaglag ovary. Mapang-akit itong lumapit sa kaniya at nagsimulang gumiling at sumayaw ng cha-cha! Tangina. Hanggang sa panaginip ba naman dinadalaw pa rin siya ng malas.
"Val naman eh. Weg nemen genyen, " reklamo niya at parang batang nagpapadyak ng mga paa.
Hinaplos ni Val ang kaniyang pisngi na puno ng pimples. Wala itong pake kahit na bad hair day siya at sumabit pa ang kamay nito sa buhok niya. Kilig na kilig naman si Emmanuela at parang naiihi na sa ginagawa ng binata. Mas lalong dumikit ang katawan ng lalaki saka bumulong sa tenga niya.
"What do you want Emmanuela?"
gosh! Ang sexy ng boses ni Val. Lalaking lalaki. Yung tipong nakakasunog ng pantyhose at saka panty liner! Nanindig lahat ng balahibo ni Emmanuela.
"Jumbo....hotdog", yun lang ang salitang lumabas sa bibig niya. Baliw na kung baliw pero yun lang talaga ang tumatakbo sa isip niya. At nakaramdam pa siya ng gutom.
Pilyong ngumiti si Val habang nakatitig sa kaniya.
"You mean, my hotdog?" at tumingin ito sa ibabang bahagi ng katawan! Napunto mo rin! Tsek!
Diyos mio! Wala sa sariling napa-sign of the cross si Emmanuela at napasigaw ng AMEN.
This is it! This is really is it!
Abot tenga ang ngiti ni Emmanuela at mabilis pa sa alas kwatrong tumango sa tanong ng binata.
"Okay. You ask for it," sabi ni Val.
At parang nag slowmo ang paligid. Bumagal ang takbo ng oras at parang kaytagal yatang malalag ng bahag ng binata. Halos hindi na siya makahinga sa susunod na mangyayari.
ayan na...
Ayan na!
At halos malalag ang panga ng dalaga ng wala siyang makita!
Tangna. Punas !?
Napabalikwas ng bangon si Emmanuela.
Napakasamang panaginip!
.......