Chapter 1 Meeting the gangster
“Do that again and I’m going to rip your head off!”
Naglalakad ako sa park ng may marinig akong sumigaw na lalaki, parang nag-aaway. Ano ba naman to? Wrong timing ata ang strolling ko!
Pero wait…
Paano kung girl ang kaaway nung guy? At ano daw ang sabi? I’m going to rip your head off? Oh fudge! Hindi naman kaya ng konsensya ko na makinig lang!
“I’m going to make you un-fucking-recognizable!” again, the same voice.
Tumakbo ako papunta sa tennis court, kung saan nanggaling ang sigaw. I saw a tall guy standing his back at me, is he choking someone? Meron kasing maliit na figure sa harap niya. Baka yan ang babae!
“Hoy! Sinong nagsabi sayo’ng pwede kang manakit ng kung sino-sino?!” I yelled. Tama naman ang sinabi ko ah.
Bigla siyang lumingon sa akin, Oh la la la. Ang gwapo naman nito! Lord? Nasa langit na ba ako? ^-^v
Wait…
Anak ng! Lalaki ba yung sinasakal niya? Sooooo….hindi pala babae? Patay TT____TT
“What the fuck are you interrupting me for nerd?!” napatingin ulit ako sa kaniya. His cold stare, nakakapangilabot. Parang mayamaya ako naman ang hahampasin nito eh.
Teka! “Did you just call me nerd?!” I yelled. Hell no! Nobody! And I mean NOBODY calls me nerd.
Binitawan niya agad yung pagkakasakal niya sa lalaki at bigla namang tumakbo. Hoy! Ako ang nag save sayo ah! Ba’t mo ako iniwan! O___O
“Yes nerd! And I did it again!” he smirked. Which actually added to his jaw dropping look. But Hell no!
Lumapit ako sa kaniya, kung alam niyo lang, parang pasan ko ang impyerno. I hate it when someone call me names! Malapit ako sa kaniya, pero siya, ganun pa rin ang mukha, cold but very…intriguing?
PAAAAKKK!
I slapped him hard! Almost nag echo nga. Masakit talaga yun, masakit kamay ko eh!
Pero nakatayo pa rin siya sa kinakatayuan niya, nag tilt lang ang head niya dahil sa ginawa ko. But still not moving.
Then he looked at me straight in the eye, “Run o mapapatay kita” tumindig ang mga balahibo ko. (_ _) Haist! Ba’t ba nakakatakot ang lalaking to?
Ang gwapo nga pero parang killer naman.
“N-no! Akala mo ba natatakot ako sayo?! And who the hell are you to call me nerd?!” umatras na lng ako ng kunti, halata namang natatakot ako eh, nag stutter pa ako #__#.
Lumapit siya sa’kin. Ba’t ka ba lumalapit? Umaatras na nga ako!
“Maswerte ka hindi ako pumapatol sa babae…” he looked at me again then grinned, Haaayy…gwapo “just pray to your god that I won’t see you, again.” When he said that nag-iba ang expression niya, parang naging killing machine. Naka-add pa ang pag-tingin ko sa mata niya.
Nanahimik lang ako, paano naman. Wala na akong pang re-bat. Aist!
Nakatingin lang siya sa akin, teka, wag! Matutunaw ako!
“Hoy! Dave! Akala mo ba palalampasin ko ang ginawa mo?!” biglang may sumigaw pareho kaming napatingin sa likod niya. Bumalik yung lalaking binugbug niya kanina, naka leather jacket siya mukha tuloy siyang naglalakad na jacket sa sobrang liit niya at laki naman ng jacket. Hindi na siya nag-iisa ngayon, may mga kasama na siya.