"Good morning mother nature! Unan ko, magandang buhay, magandang umaga rin sayo araw! People of the Philippines! Magandang maganda pa ako sa araw! Gising na ang beautiful young fresh lady na magpapasaya sa araw niyo!" sigaw ko. It's another day na bigay ni God kaya dapat iwas-iwas sa lungkot at negative vibes. Dapat masaya lang! No space for sadness. Walang-wala!.
"Hoy Em-em, sira eardrums madramu sa kashashout mo!" napangiti siya ng biglang pumasok ang kanyang amang may girl blood.
"Madramu? Ano ba yan? morning na morning oh! sira na fez moh! dapat chill! relax!" sabi ko habang inayos-ayos ang nakakunot nitong noo. "Ayan! mukha ka nang reyna ng mga fairies. oh! diba?"
"Nangbola ka pa!? naku Emrie, bilisan mong mag take a bath at gorabells ka na sa school mo."
process..... process....
School? as in yong lugar na papasukan ng mga students? students? student? me? student? tiningnan ko ang orasan na nasa pinto ng room ko. 7:04 na.
"Motheerrrrr!!! aaaaaahhhhhhh!!!! naku mudramu bakit di mo sinabi agad? sana ginising mo ako ng umaga. naku!"
Natataranta na ako. First day kaya ng school ngayon. Bawal ma late. Naku! Emrie kasi!
Tinalo ko pa si the flash sa sobrang bilis ng pagligo ko bukas ko na lang lilinisin ang kasulusulukan na parte ng aking body. And Taaaadddaaa! 7:23! Im done!
"Mudramu! sa school na lang ako kakain. Bye po. Huwag po kayong papagod masyado. Yong fez niyo? huwag pagurin."
"Chu! gomorabells ka na!"
"bye mudramu!"
"Bye Em-em baby ko. Chika galore of what happenings sa eclavush sosyal mong school." sabi nito sabay kiss.
"Don't worry mudramu. Mamaya whole night tayong machichikahan. Walang interruption tuloy-tuloy ang connection kasi globe tayo eh."
Agad akong tumakbo sa paradahan ng jeep papuntang New High University.
"Iha! sa susunod na jeep ka na!" sabi ng driver sa akin.
"Ho? naku manong late na po kasi ako. Baka pwedeng dito na lang ako."
Pumwesto at kumapit ako sa likod ng jeep. Late na po ako."Naku iha! bawal kumapit ang mga babae."
"Manong dont cha worry about my beauty. Keri ko to. Instant conductor mo pa ako. Kaya go na manong driver late na ako." pagmamakaawa ko.
Kahit labag sa kalooban ni manong driver ay pinatakbo niya na ang jeep. Pasensya na manong. Hindi pwedeng late sa first day of class ko sa New High University. Dugo at pawis ko pa naman ang pinuhunan para makapasok sa isang sikat na University. Kaya no to failure!
Nang biglang nag break si manong.
"Manong naman! aray sakit ha! sa love lang pwedeng magbreak." sigaw ko. Sakit kaya sa noo ang mauntog.
"Naubusan ng gas!." sabi ni manong driver. Kung araw nga naman ng kamalasan ngayon.
"Anong gagawin nating ngayon manong?." tanong ko. Ang layo pa ng school kung lalakarin. Wala din namang dadaan ng jeep dito kasi si manong may pa short cut! short cut pang nalalaman eh.
"Bumaba miss! kaya tumabi ka jan nakaharaharang ka." galit na sabi ng isang pasahero.
"Sorry ate ha? nakadagdag pa ako sa sakit ng ulo mo."
Bumababa lahat ng pasahero sa jeep. Ang iba ay naglakad na lang samantalang ang iba kasali ako ay naghintay ng himalang jeep na dadaan.
"Lakad na lang tayo doon oh!" turo ng isang ate sa isang kanto. "walang dadaan dito na jeep."