CHAPTER 4

555 18 2
                                    

Kate.

Monday, 6:39 am

"Goodmorning everyone, Im Kate Celiz err-ughh nakalimutan ko nanaman!" pag eensayo ko sa harap ng salamin sabay bagsak ng sarili ko sa kama.

Maaga pa akong nagising ngayon. Umalis kasi si Sky kanina kaya walang mag luluto ng agahan ko, Actually hindi naman ako mag aagahan.

Lumabas ako ng kwarto saka tinungo ang kusina habang paulit-ulit na nag eensayo, "Goodmorning everyone. Im Kate Celiz, 17 years old, Nice to meet you" nakangiting sabi ko sabay paandar ng stove.

Sabi kasi sakin ni Sky kagabe, kailangan ko daw mag ensayo para sa Introduce yourself dahil transferee ako.

Matapos kong lutuin ang pagkaing babaunin ko ay ipinatong ko agad ang baon ko sa ibabaw ng mesa.

Naligo ako saka nag palit ng uniform kong bagong tahi.

Nalabusangot akong humarap sa salamin habang sinusuot ang jacket. Pano ba naman kasi, ang ikli ng palda.

Binitbit ko ang backpack ko at lumabas na ng apartment.

Yeah naka apartment lang ako, nasa iisang bubong kami ni Sky pero we have separated bedrooms.

Walking distance lang ang bagong school ko sa apartment na kinuha ni Sky.

Habang nag lalakad ay isinalpak ko ang headset ko sa tenga ko saka yumuko, Mas feel ko kasi ang mag lakad pag naka yuko hihi..


Nanlaki ang mata ko ng makita ko kung paano nag talsikan ang putik sa akin.


Napatingin ako sa jacket na suot ko. Oh shit!

Ang kaninang malinis kong uniform ay PUNO NA NANG PUTIK!

Tinignan ko ng maigi ang sasakyang humaharurot papalayo saakin, kulay itim sya, may MSS na tatak sa likod at kung hindi ako naga kakamali ay isang Ferrari Black ang sasakyang yun.

Gagong yun ah!?

Wala na rin akong nagawa, kahit labag sa loob ko ang pag pasok sa bagong paaralan ko ng may putik.

Padabog akong nag lakad patungo sa paaralan ko.

Gagong driver yun! Sinira buong araw ko!


Literal akong napanga-nga nang nasa harap na ako ng paaralang papasukan ko.


Paaralan pa ba to? Parang mall sa sobrang laki.

'STANFORD HIGH' pag basa ko sa nakasulat sa ibabaw ng gate.

"Miss tumabi po kayo riyan at hindi makadaan ang mga sasakyan sa likod mo!"

Napatingin ako sa gwardyang nag salita sabay lingon sa likuran ko.

"Peeepppp"

"Pip! Pip! Pip!"

"Peeeeeeeepppp!"

THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIESWhere stories live. Discover now