Day Twenty-Eight

506 2 0
                                    

Dear Diary,

                Hi!! Uh.. Ito na siguro ang last entry ko sayo. Sorry ah? Pero ito siguro ang tamang dapat gawin ko e. Hindi ko naman ginusto pero ito ang tama. Salamat at binigyan mo ako ng napakalaki at napakagandang experience for once in my life. At least naramdaman ko kung paano or kung anong feeling ang mamuhay sa isang fairytale ng dahil sayo, diba? Pero, hindi ko pinag sisihan na nalaman ko ang totoo tungkol sayo. Pero, hindi ko rin naman pinagsisihan na nakilala kita kasi you made my dreams come true kahit saglit lang. Mamaya-maya sigurado akong babalik ulit ang lahat sa dati. Nakakalungkot man pero siguro mas masaya kasi hindi normal ang mamuhay sa isang spell. Ito ang tama at ito ang dapat. Salamat ulit ah? At sorry.

Nagising ako ng malungkot at alam ang gagawin ngayon. Minsan nga naisip ko na next time nalang. Pero, pag lalo ko pa itong pinatagal baka mas mahirapan akong pakawalan si James. Baka mas mahirap gawin ito kasi masasanay ako lalo sa piling ni James.

Ang nanghihinayan lang ako, kawawa naman yung lolo ni James. Akala pa naman niya ako na pero hindi pa pala. Sorry lolo pero kasi masama kung ikulong ko si James sa spell. Mas nakakabuti na ito sa apo niyo.

Bago ko sunugin yung notebook, kakausapin ko muna si James ngayon at mag eexplain

Nung nagkita kami nung lunch time kinausap ko siya

"James. May kelangan kang malaman"

"Ano? bakit? may mali ba sa itsura ko ngayon?"

"hindi--"

"oh baka naman nasira yung teddy bear mo na binigay ko sayo"

"james hindi--"

"aahh!!! hindi mo gusto yung pabango ko ngayon noh? sabi na nga ba e! si daddy kasi pinipilit akong gamitin yun!"

"James???--"

"Gale. Ok lang. Alam ko nanaman e. Hindi mo na kelangan sabihin pa. Alam ko naman na e"

"na ano?"

"na.. hindi mo na ako mahal"

"huh? bakit mo naman nasabi yun?"

"naf-feel ko na. kasi kagabi hindi ka masaya na kasama ako e. ang lungkot mo, pero masaya naman yung pinuntahan natin"

"haha hindi.  hindi mo naiintindihan e--"

"ito na yung kinatatakot ko. wag naman sana"

"ano ka ba?!" binatukan ko siya

"aray naman! tignan mo, sinasaktan mo na ako ngayon"

"hay!!! sorry sorry. pero James. mahal kita. at yon ang dahilan kung bakit malungkot ako kagabi--"

"huh? ibig sabihin napilitan ka lang pala na mahalin ako?????"

"James! patapusin mo muna nga ako. kanina ka pa e"

"ay sorry sige"

"kasi may nalaman ako. about dun sa diary ko. James!! malungkot ako kasi mahal kita at ayaw kitang nakikitang ganito"

"ano? ok naman ako ah? masaya nga ako sayo e"

"hindi. hindi ka masaya James. You're only happy because..."

"because???"

hindi ko na kaya!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

"because.. James, you're under a spell"

"spell????"

biglang kumidlat at naging gray yung clouds

"Oo James. Hindi totoo to lahat. You don't love me"

"Gale! I love you, okay?"

"No James. Don't say that please"

"Gale??" biglang umulan at basang basa na kami "ano bang nangyayari?"

"yun na nga. hindi mo ba naintindihan? you love me only because you're under a spell"

"hindi Gale. hindi ako naniniwala sa mga ganun. there's no such thing as spell. Gale, you must be crazy"

"No I'm not. I wish I am but I'm not! James. you have to believe me. we can save this kung sisirain ko yung notebook"

"no Gale. if you're really saying the truth, I'd rather be under the spell to be with you than to have a normal life and forget about you"

"James, no!!! Ayoko na. Sorry"

tumakbo ako sa loob na basang-basa at nakita ko yung mga students na nakatingin saakin lahat na umiiyak ako. tumakbo ako sa loob ng CR at dun umiyak at nagpatuyo.

hindi ko na to kaya. hindi na. kailangan ko na ito itigil. kelangan ko na sirain yung notebook.

nung natuyo na ako lumabas ako sa CR at dumerecho sa locker ko para kunin yung notebook.

pumunta ako sa likod ng school building kung saan tinatambak lahat ng mga kagamitan na luma ng school at duon ko pinlanong sunugin yung notebook.

Sinindihan ko yung isang malaking basurahan dun at nagapoy

"sorry notebook pero ito ang nabubuti. sorry James, hindi ko na kaya to! kelangan na!"

umiiyak akong sinabi yun sa sarili ko at ipinikit yung mga mata ko at itinapon yung notebook sa nag aapoy na basurahan.

umiyak ako at naisip na ito na ang huli ng lahat

patuloy parin ang ulan at pumasok na ako sa loob.

hindi na ako magugulat at ineexpect ko na na hindi na ako papansinin ni James dahil nasira ko na yung notebook.

hinahanap ko siya pero ang una akong natagpuan ay si Kayla

"sis!! ano ba nangyari sayo? bakit basa ka?"

"Kayla. ang dami kong dapat ikwento sayo"

..

...

kinwento ko lahat kay Kayla

"Oh??????? Totoo pala yun? Hindi nga?"

"Oo yata e. ako din nagulat. nakita mo ba si James?"

"Hindi e. Pero basang basa din siya nung huli ko siyang nakita"

"tama naman ang ginawa ko diba?"

"Oo. Tama. Pero, sayang lang"

"Oo nga pero yun yung tama"

hindi ko na nakita si James buong araw at nalaman ko na nasa clinic daw siya

Dear DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon