KHYLA
Sa tanang buhay ko, ni minsan ay hindi ko inasahan na mapunta sa ganitong sitwasyon. Sino ba naman ang mag-aakala diba?
Hanggang ngayon ay panay pa rin ang tingin sakin ng mga tao--lobong tao to be exact dito sa mala-palasayong lugar. Para bang inaalam nila kung saang planeta ako nanggaling at kung bakit ako narito. Dinala ako dito ng dalawang magkasama na Amiana at Arthur.
Di ko nga maintindihan. Kanina lang ay nasa gubat pa kami. Hindi ko naman alam na may underground na palasyo pala sila dito. Ang bongga lang!
"Nandito na ang Alpha!" Sigaw ng isa sa kanila.
Nang marinig ko ito ay bigla na lang akong kinabahan. Hindi ko maintindihan at ang bilis bigla ng tibok ng puso ko. Pasimple kong kinapa ang dibdib ko at pilit na pinapakalma ang puso ko.
Mula sa isang entrada ay pumasok nga ang inaasahan. Ang lalaking iyon!
Lahat ay nagbigay daan at binabati siya. Ngunit siya ay nakatingin lang sa akin at ganon din ako. I can't take my eyes off of him. Parang magnet ang paningin namin. At aaminin ko, ang kisig niya talaga. Lalo pa sa suot niyang coat na gawa yata sa balat at balahibo ng oso. Take note, kita ang abs!
He's really an Alpha!
Nang makalapit na siya ng tuluyan ay parang hindi ko na alam ang gagawin ko. Napalunok na lang ako ng laway habang nakatingin parin sa mga mata niya.
"Magsilabasan ang lahat." Aniya.
Nakita kong tumungo ang lahat saka sabay-sabay na lumabas. Ganon din ang ginawa ng magkasamang Amiana at Arthur. Akmang tatayo na rin ako ng itulak niya ulit ako paupo.
"Aray ko!"
"Maliban sayo" rinig kong sabi niya.
Naglakad siya sa kaliwang bahagi ko at walang kahirap-hirap na binuhat ang malaking upuan na pang trono at nilapag sa harapan ko. Saka siya umupo rito.
"A-anong..."
Tumingin lang siya sakin at ngumisi.
Mygahd! Hinay-hinay lang please. Baka malaglag ang panty ko!
"B-bakit ako nandito?" Panimula ko dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Nakaka-awkward ba naman ang mga tingin niya!
Tumaas ang kilay niya "Diba dapat ako ang nagtatanong niyan?" Ngumisi uli siya "Ano ang ginagawa mo sa gubat ko nang gabing iyon?"
"G-gubat mo?"
Tumango siya.
"Paano naman naging gubat mo 'yon eh wala namang nakalagay na pangalan." Mahina kong bulong.
"Anong sabi mo?!"
Napaigtad ako sa tono ng pananalita niya. Mukhang seryoso siya! Ayan, pabulong-bulong pa kasi.
"Ahh..ano.. Ang sabi ko, n-naligaw lang ako nung time n-na yon. K-kaya--"
"Naligaw nanaman?"
"Oo. Tapos ano.--"
"Meron bang naligaw na mukhang pinaghandaan talaga ang pagpunta 'don?" Nakangisi nanaman siya. Mukhang inaasar niya ko!
"Hoy! Naligaw talaga ako noh!"
"Minsan ka ng naligaw dito pero pinili mo pa ring maligaw ulit? Anong katangahan 'yon?"