SO-44

90.1K 1.4K 179
                                    

#PatayinsasindaksiStormAlexis!

Obsession 44

--------------

"Feit, kahit kaunti lang oh? Sige na naman."

Nanatili akong nakatitig sa madilim na kawalan. Nawala sa akin ang lahat, kasabay ng pagkawala ng mga mata ko. Ang pangarap ko, ang ambisyon ko, ang tiwala ko sa sarili, ang pag-asa. Pati ang puso ko. Akala ko kapag tinanggap ko sa sarili kong nangyari na ang nangyari, at hindi na maibabalik pa ang nawala. Ay magiging maayos lahat.

"Feit, please naman." Sumamo parin ni Eiji. Ngunit di ako tuminag. ''Kumain ka naman kahit kapiraso lang. Kagabi ka pa walang kain."

"Hindi ako naguguto--"

''Putang ina naman! Magpapakamatay ka dahil lang umatras si Storm?! Magpalakas ka at lulumpuhin ko sa harap mo iyon hanggang sabihin niya ang dahilan niya!"

Muling naglandas ang luha sa aking pisngi. May malamig na bagay na dumampi sa aking labi. Binuksan ko na ang bibig at kinain ang isinubo ni Eiji.

"Ubusin mo ito. And we'll go to his office. You need an explanation I know, saka ka na magdesisyon kung magpapakalunod ka ba sa kalungkutan o tatayo ka padin at lalaban. ''

"Bakit pa mag eexplain? Eh kung ayaw na bakit pa pipilitin di ba? Kung ako sa iyo, bumalik ka nalang ng Columbia. Ay California pala." Singit ng boses ni Tita Laura.

Tama...

Kailangan ko ng eksplanasyon. Kailangan kong maliwanagan.

"Bakit niyo pa hahanapin at pupuntahan. Ayaw na nga di ba? Umatras na siya.'' Segunda naman ni Lauren. Hindi ako umimik, manhid sa sakit ang pakiramdam. Pagod na akong magsalita dahil sa kakaiyak ko.

"Simple, because we're talking about Feit. She needs to know the reason, kung bakit umatras si Storm sa kasal nila. Importanteng malaman niya iyon."

"Bakit ikaw hindi mo ako tinanong? Hindi ba yun importante sa iyo, ha Eiji? Ganun ba iyon?" Nahimigan ko ang hinanakit sa boses ni Lauren. Ngunit di ako nag-abalang umimik padin.

"We're talking about Feit and Storm. Wag mong ipasok ang issue na iyan sa problema ngayon." Muli akong sinubuan ni Eiji. "And besides, hindi ako ang tumanggi. At hindi iilang beses akong nagtanong-tanong kung nasaan ang babaeng tumanggi sa akin."

"Gusto ko ng magpahinga." Pinutol ko na ang argumento nilang dalawa. Wala akong lakas para sa isa pang problema. Bumuntong hininga si Eiji at iniayos ako sa kama. Tumalikod ako sa gawi nila at ikinubli ang sarili sa kumot.

"Take a good rest, pupunta tayo sa opisina niya bukas."

Hindi ako umimik.

Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang pagsara ng pinto. May tumulong muling luha mula sa aking mga mata. Kahit hindi ko piliting iiyak ang sakit na nararamdaman ay kusa silang tumutulo. Dahil ba bulag na ako? Dahil ba ilang beses na niya akong nakuha? Dahil ba napatawad ko na siya? Dahil napawi na ang pagsisisi niya? Ganun ba?

"Storm..."

Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilin ang paghagulgol. Ngunit sa ginawa kong iyon ay para lang akong unti-unting nawawalan ng hininga. Tahimik akong umiyak, hanggang nauwi na sa hikbi. At mauwi sa impit na hagulgol. Napagod na siguro siyang akayin ako. Napagod na siguro siyang asikasuhin ako.

Napagod na siguro siyang alalahanin ako.

Ano nga lang naman ang silbi ng isang bulag na gaya ko. Isang pasanin. Isang pabigat. Pampalipas lang sa init ng katawan ang tanging silbi ko.

Storm's Obsession (PUBLISHED under POP FICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon