WHOOOOOOOH !!! Grabe kala ko walang magbabasa nung story lalu na Prologue palang yung nagawa ko...
THANK YOU SO MUCH PO SA MGA NAKABASA NG PROLOGUE :)
Sana po support nyo tong story ko hanggang sa matapos :)
Pa-vote and comment nadin kung okay lang sa inyo.. hahaha
Take care! ;)
~TILY
_________________________________________________________________
amp! Pano ko ba to sisimulan?? Magpapakilala ba muna? Sorry hindi kasi ako sanay sa ganto -.-
O sige ganto nalang, short intro from me.
I'm Christian Shintaro. My friends used to call me Tian (chan) . My bestfriend, Nathalie Perez, used to call me PANGET. Yah... Lalake ako. I know. Most of the stories, babae ang bida. Pero ano magagawa ko, wala ako magpagsabihan ng nararamdaman ko kaya sa inyo nalang.
I met Nathalie nung 2nd hs. Nagtransfer sya sa school namin at good thing, naging close kame. Buti nalang maaarte yung mga kaklase naming babae kaya hindi sya dun nabarkada >:) Mula nun naging sobrang close na kame. madalas akong pumunta sa kanila at ganun din naman sya. Close sya sa parents ko. Minsan nga niloloko sya nila mommy eh. Bakit daw di sya magpaligaw sakin. Nahihiya nalang nga ako pag naririnig yun. Sya naman ang lakas ng loob sumagot ng "eh tita may iba po akong crush. Tsaka po ang sama po ng ugali ng panget na yan kaya ayaw ko po sa kanya. Lagi ya po akong inaaway" . Grabe. Ang sakit kaya nun. Lagi nyang binibida yung crush nya <//3
3rd year kame nung naramdaman at napatunayan kong gusto ko nga talaga sya. Nung umamin sya sa'kin na meron syang crush. Grabe, feeling ko nun nabagsakan ako ng malaking bato sa ulo... pero hindi ko pinahalata yun sa kanya. Baket, crush lang naman e. Hindi nya naman makakasama yun, hanggang tingin lang sya dun sa mokong na yun! E ako, lagi ko syang makakasama.
Nanunuod lang ako ng tv nang biglang nagring ang phone ko.
ALIEN CALLING...
"oh, bakit? miss mo ko?"
"tanga! pumunta ka dito sa bahay! may sasabihin ako!"
"suuuuuus.. miss mo lang..." tengene, binabaan ako -.-
agad akong nag-ayos at kinuha ang susi ng kotse para makapunta agad ako kila Alien. Medyo malayo din ang bahay nila dito. Kelangan talagang magcommute or gumamit ng sasakyan.
After 25minutes, nakarating narin ako sa kanila. Pagka-door bell ko ay mabilis na lumabas si manang at binuksan ang gate.
"oh, jiho ikaw pala.. halika tuloy ka"
"salamat po manang. Kamusta po? Lalo yata kayong gumaganda ha?"
"Ay nako tong batang ito! Nambola nanaman. haha"
"Hindi po manang ha... totoo po yun."
"O siya, maupo ka muna dyan at tatawagin ko lang si Nathalie"
"Sige po manang, salamat po"
Pagkaupo ko ay kinuha ko ang remote ng tv at binuksan ito. Sakto namang pagbaba ng Alien at inagaw nya agad sa'kin ang re,ote at pinatay ang tv.
"For your information, hindi kita pinapunta dito para manuod ng tv!"
"Aba! Edi uuwi na ko! Inistorbo mo ang panunuod ko tapos susungitan mo ko?" umarte ako na lalabas na ng pinto nang magsalita sya.
"edi umuwi ka! Wag ka ng magpapakita sakin kahit kailan"
"bestfriend naman di na mabiro... ano ba yung sasabihin mo?" paglalambing ko sa kanya
"basta! Sumunod ka nalang sa taas, baka marinig ni manang" mahinang sabi nya... hmm.. mukang seryoso to ah. Medyo kinabahan ako sa tono ng pananalita nya kaya naman nang umakyat sya ay agad akong sumuod
"anu ba yang sasabihin mo? Aamin ka na ba na may gusto ka sa'kin? hahahha" biro ko sa kanya.
"Che! Ang kapal mo talaga!"
"hahaha.. e anu ba kasi yon?"
"kasi.... si Cyrus..." mejo napangiti sya nung sinabi nya yung pangalan nung kumag na yun. Yun kasi yung ultimate crush nya.
"oh ano meron?"
"Tinanong nya ko kung pwede ba daw syang manligaw?" halatang nagpipigil sya ng kilig. Nainis ako sa kinikilos nya. Nagseselos ako </3
"Ano sinabi mo?" walang emosyong tanong ko sa kanya
"Sabi ko, pwede :""""""> " halatang-halata na kinikilig sya... Namumula na yung mukha nya tapos ang higpit ng pagkayakap nya sa unan. Ako naman seryoso lang yung itsura ko.
"Ah. Edi ayos"
"Teka, galit ka ba?" napatingin sya sakin
"Hinde ah. Anu naman kung bigla ka nalang pumayag na magpaligaw sa kanya ng hindi manlang ako tinatanong di ba?" deretchong sabi ko sa kanya. Pabiro pero may laman.
"Bestfriend naman.. Ang arte mo! Eh alam mo namang crush na crush ko yun diba? Syempre maaalala ko pa bang magpaalam??? "
"Oo nga naman. haha" tumayo na ako para lumabas sa kwarto nya
"San ka pupunta?"
"uuwi na. May ginagawa pa ko eh. Goodluck sa pagpapaligaw mo sa ultimate crush mo"
pagkasabi ko nun ay lumabas na agad ako ng kwarto nya. Naiinis ako. Hindi manlang nya ako naalala. Parang wala lang sa kanya na bestfriend nya ako :|
Nagpaalam na ako kay manang at mabilis na umalis. Binilisan ko din yung pag drive sa kotse ko. Baka kasi lumabas pa si Nath . Mangungulit lang yon.
Pagkadating ko sa bahay, dumeretcho agad ako sa kwarto. Nahiga ako sa kama at pinikit ang mata ko. Na-stress yata ako sa binalita sakin ng Alien na yun. haaaay nako... Sumasakit ang puso ko :|
________________________________________________________________________
HIHI :D sorry po maiksi :(
aalis kasi kami eh.. promise pag uwi ko mag-uupdate agad ako! :)
sana po magustuhan nyo *_*
~TILY
BINABASA MO ANG
I'M IN LOVE WITH MY BEST FRIEND
Teen FictionMinsan talaga hindi natin maiwasan na mafall sa kaibigan eh. Why? Syempre, lagi natin silang kasama. Or kung hindi man, lagi naman silang nandyan para pasayahin tayo. Yung tipong, sa kanya mo nakikita yung ideal partner mo... yung tipong, pinaparamd...