*Throwback scene*-Biboy's POM
"Pambihira, asan na kaya yun si Reign. Nagawa niya na kaya yung project ko?" Hays. Oo, si Reign, taga gawa ng projects and assignments ko. Pero hindi naman madalas. Minsan lang kapag busy ako sa basketball. Varsity player kasi ako sa school. Nahihiya na nga ako kay Reign eh kaso wala naman akong magawa dahil gusto niya akong tulungan. Sa totoo lang, gusto ko si Reign at alam kong gusto niya rin ako. M.U ata kami, mutual understanding kumbaga. Kaso, hanggang dun nalang yun dahil may girlfriend na ako at 3 years na kami.
"san na ba yun? Baka di pa sila nagdismissal? Maitext nga."
Reign? San kana? (message sending failed)
Pambihira, wala na pala akong load. Tsk.
"Uy, Aj, patext nga ako".
"Sure" -Aj
Si Aj, ang mabait kong Bestfriend na classmate ko pa at katabi sa upuan. Lagi kong nalalapitan sa panahon ng kagipitan. Hahaha.
"Hi Reign." (message sent)
Sa gate ko nalang siguro siya hintayin.
-Reign's POM
"Jessa, punta muna ako sa kabilang building ha. May ihahatid lang ako saglit pero mauna na kayo magsnack".
"Pambihira talaga to si Reign oh. Kapag si Biboy, one call away ka. Ayeee. Sige, mauna na kami. Bye" -Jessa
Hays. Oo, one call away nga ako pag dating kay Biboy. Ewan ko ba. Alam ko naman na may girlfriend siya pero di naman masama na mainlove sa isang kaibigan di ba? Kaibigan na taken na? Hays, ayoko ng isipin yung mga ganung bagay. Ang importante mahal ko siya at di ako naghihintay ng kapalit. Pero minsan, di maiwasang di masaktan. Hay naku! Tama ng drama Reign! Baka hinihintay ka na ni Biboy my loves mo para ipasa yung project niya.
Ay, eto na pala siya sa gate. At eto na naman ako nakangiti. Bat ba kasi ang gwapo niya?
---
Nakikita ko siya sa may gilid ng gate kasama ang mga barkada niya. Naglalakad ako palabas ng gate at nakatingin sa cellphone ko, may 1 message pala at unknown number kaya inignore ko nalang. Diretso lang ako sa paglalakad kunwari di ko siya nakita. Hahaha.
"Uy Reign!" ay, nakita niya ako. Haha. At sinigaw pa talaga yung name ko. Gustung-gusto ko talagang pakinggan every time na tinatawag niya ang name ko. Hay naku Reign enough for that.
"Uy Biboy, ihahatid ko sana tong project mo sa classroom niyo eh. Andito ka na pala. Ang aga niyo palang nagdismiss." paliwanag kuno.
"oo e, salamat talaga Reign. Yaan mo babawi ako sayo." si Biboy? Babawi? Naku, ayokong umasa dyan sa "babawi ako sayo" dahil alam kong busy kang tao. At wala kang time sakin dahil kaibigan mo lang ako! KAIBIGAN MO LANG AKO! Char. Nagdrama. Haha
"Ano kaba, what friends are for? Nga pala boy, mauna na ako ha hinihintay na kasi ako nila Jessa. Baka magalit na naman yung mga yun sakin. Alam mo na. haha." hay naku, pakunwaring dahilan.
"Haha.. Sige Reign. May praktis din kami after lunch. Malapit na yung championship. Nood ka ha!" basketball lover talaga to si biboy.
"Sure" pangiti kong sagot.
----
Hay salamat at makakapagpahinga na rin ako. Ang dami naming ginawa ngayon sa school. Malapit na kasi ang graduation at kailangan ng tapusin ang mga requirements. And finally, gagraduate na din ako ng high school. *smile emoticon*
Sino nga kaya tong nagtext sa'kin na unknown number? Replyan ko kaya?
*Text message conversation*