1=Pag apply ng trabaho.

1.2K 27 1
                                    

"Nicole, dun ka nalang mag apply sa pinag tatrabahuhan ko. " sabi ni Ashley

"Saan ba ? " tanong ko sakanya.

"malayo dito." Sabi nya tsaka nag smile sakin.

"Sige. Para may trabaho na rin ako." Tsaka din ako nag smile sakanya.

Bestfriend ko sya since Highschool pa lang kami..

Nag hahanap kase ako ng trabaho. salamat naman ay nandyan si Ashley para tulungan akong makahanap ng trabaho.

Mamamasukan din ako katulong dun sa mansyon kung saan namamasukan din si ashley ng katulong.

Naglakad na kami ni ashley papunta sa bahay .

Nang makadating na kami sa bahay ay nag mano kami kila mama at papa.

"Ma. Nakahanap na po ako ng trabaho." Sabi ko kay mama.
"Talaga anak? Saan ka mag tatrabaho?"  Sabi ni papa tsaka sya umubo. May sakit kse si papa. Kailangan na namin ng pera upang maipagamot si papa.

"Anak pasensya ka na ha. Mahina na kase kami ng papa mo kaya di ka namin matulungan" sabi ni mama.

"Ayos lang po yun ma. Mahal na mahal ko po kayo ni papa" sabi ko tsaka ko sila niyakap ni papa.

Umalis na ako sa pagkayakap
" aayusin ko na po yung gamit ko. Ngayon na po kase ako pupunta doon sa pagtatrababuhan ko" sabi ko tsaka ngumiti sakanila.

" sige anak. " sabi ni mama.

Sinamahan ako ni ashley sa kwarto ko para tulungan akong mag ayos ng gamit ko.

Nang maayos ko na ang gamit ko ay lumabas na kami ni ashley sa kwarto ko dala dala ang mga gamit ko.

"Ma aalis na po kami. Baka gabihin po kami eh" sabi ko.

Niyakap ako ni mama at papa

"Sige anak mag iingat kayo ha " sabi ni papa.

" opo " sabi ko.

Sumakay na kami ni Ashley dun sa sasakyan na galing sa mansyon na pag tatrabahuhan namin.. pinasundo kase kami ng amo namin.

Nilagay na ng driver sa likod ang mga gamit ko.

*Habang nasa byahe*

Nagpapahinga lang kami ni ashley sa sasakyan. Malapit na ding mag gabi.

"Ako nga pala si Ernesto Castro. Tawagin mo nalang ako na Mang Ernesto " sabi nya

"Opo. Ako po si Nicole Mendoza " tsaka ako ngumiti sakanya..

Ngumiti lang din sya.

*9:30 PM*

Nagising ako dahil naramdaman kong huminto na ang sasakyan.
Napatingin ako sa labas.

Ito na ba yung mansyon na oag tatrabahuhan ko? Ang laki.

"Tara na bes " sabi ni Ashley sakin.

Sumunod nalang ako sakanya.

Si mang ernesto naman ay buhat buhat ang mga gamit ko.

Nang makapasok na kami sa mansyon ay agad tumayo ang mga balahibo ko at kinilabutan ako.

"Magandang gabi ija." Sabi ng isang matandang babae na mukang matapobre na nakasuot ng pantulog na damit .

"Magandang gabi din po maam" sabi ko tsaka ngumiti sakanya. Nahulaan ko na agad na sya ang amo namin.

" ah maam. Sya po ang bagong nahihimasukan dito. Kaibigan ko po sya. Masipag at mabait po sya maam." Sabi ni Ashley.

Mansyon ni AmaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon