Chapter 4- First Action Scene
Abegail's POV
andito ako ngayon sa kwarto ko.. magaayos daw ako pinapapunta kasi ako ni daddy sa office eh..
ano naman kayang gagawin ko dun? tsk..
*knock knock knock*
"anak?" rinig kong sabi nung kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
si daddy.
"bakit po dad?" sagot ko naman.
"pwede bang pumasok?" tanong naman niya.
"sge po dad" sagot ko ulit bago ko narinig na bumukas ang pinto ng kwarto ko at naramdaman ko na pumasok si daddy.
"anak pwede ba kitang makausap?" tanong niya.
tumango nalang ako at umupo sa kama ko at hinintay siyang magsalita.
"kasi may kailangan tayong mga documents sa office.. pero anak mas importante kasi ang kaligtasan mo kaya kung maaari sana ay wag ka nalang munang lumabas labas.. wag ka muna pununta sa office"
"ano!? lahat nalang ba daddy?pati ba naman ang kalayaan ko?" inis na tanong ko sakanya dahil sa mga sinabi niya sakin.
"kasi delikado tayo ngayon" sagot naman ni Daddy
"alam mo dad yang kinatatakutan mo parang wala din naman kasi yan eh kasi ang tagal tagal na silang nagpapadala ng mga notes pero bakit ni isa man lang wala silang ginawa para maniwala tayo?" medyo mataas ang boses ko ng sinabi ko yun kay daddy.
"hindi mo alam ang mga nasa utak nila Abegail Michelle.. hindi sila ikaw para sabihin na sana matagal na nila yun ginawa! hindi mo alam kung ano ang nasa utak nila o kahit na ang timatakbo man lang sa utak nila.. kaya wag mong sabihin na wala lang sila.." sabi naman ni Daddy.
medyo natulala ako sa mga sinabi niya ang totoo tama naman si Daddy kahit na papaano eh.. hindi ko alam ang mga nasa isip nila..
"pero sabi niyo may kailangan kayong mga--"
hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol na ito ni Daddy.
"oo importante yun kaso gaya ng sabi ko mas importante ka."
hindi na ako nagsalita sapagkat wala naman na akong masabi
umuko nalang ako.
ano ba? bakit nangyayari ang lahat ng ito? bakit ganito ang buhay ko?
"sasamahan ko nalang po siya"
may narinig akong cold voice.
hindi ko na kailangan pang lingunin ang taong nagsalita ng mga katagang iyon dahil boses palang ay kilala ko na.. si cold hearted.
"sigurado ka ba? diba ikaw na ang nag sabi na delikado ngayon?" nagaalalang sabi ni Daddy.
"sge na dad.. kailangan natin yun.. kahit na ganito nalang ang gawin natin magtranaho tayo dito sa bahay kaysa naman sa yung mga kailangan na papeles hindi natin magawa baka maging dahilan pa yun para malugi ang kompanya na pinaghirapan ninyo ni mom.."
hindi nagsalita si Daddy na tila nagiisip.
"sge na dad.. kasama ko naman si...."
nga pala ano nga palang pangalan nito? hindi ko pa natatanong ah
"Zeke"
sungit niya talaga.
"buong pangalan?" wala lang gusto ko lang malaman ang buong pangalan niya.
BINABASA MO ANG
A SECRET AGENT
ActionAbegail Michelle Martinez -anak mayaman, 20 years old, matalino at Maganda. Graduate siya ng business administration. Happy go lucky siya pero pagdating sa ibang tao masungit at pasaway. Actually pasaway talaga siya. Lalo na sa daddy niya. Mawa...