Are you GAY or STRAIGHT?
Hay buhay! Monday na naman! Start of another hectic school week! At di lang 'yon dahil pagdating ko sa classroom...
"Ano Jerome lumaban ka!"
"John ano ba?!? Lunes na Lunes si Jerome na naman ang pinagtritripan mo!"
"Louie! Good Morning 'DARLING'! Lunes na Lunes si Jerome na naman ag pinagtatanggol mo!"
"Pwede ba?!? Im not your 'DARLING' Kadiri ah!"
"Sabi mo eh! Tara na nga"
Iyon umalis na sila, di ko alam kung saan sila nagpunta basta ang alam ko lumabas sila ng classroom.
"Pasensya ka na wala lang magawa yung mga 'yon" sabi ko kay Jerome habang tinutulungan ko siyang pulutin yung mga hinulog nila John na gamit niya...
"Pasensya ka na din kung pakielamera ako..Pasensya na din kung ito na lang yung lagi kong sinasabi tuwing niloloko ka nila...At tsaka pasen---"
"Louie okay lang...sanay na din naman ako"
"Bakit kasi hindi ka lumaban sa kanila? Lagi ka na lang walang imik"
"Kasi kapag lumaban ako lalaki lang yung gulo" nung sinabi niya 'yon lumingon siya sa akin face-to-face actually it's more of I'm face-to-face with his chest(almost), Tangkad kasi, sigugro hanggang leeg lang ako...
"Pero hindi rin tama yung lagi ka na lang walang imik kaya inaabuso nila"
Pagkatapos kong ilapag yung mga gamit niya sa armchair niya lumakad na ako paalis. Bago pa ako makalabas ng pinto narinig kong tinawag niya ako kaya lumingon ako...
"Bakit?"
"Saan ka pupunta? Malapit na magsimula yung klase"
*sigh* "e d hahanapin ko sila John para kausapin na tigilan ka na once and for all!"
Hindi ko hinitay na mag-react siya dahil sigurado pipigilan niya lang ako. Hindi rin naman ako makikinig sa kanya kung nagkataon.
Honestly, hindi ko alam kung bakit ayaw ko na niloloko siyang bakla. Hindi naman kami ganun ka-close, classmate ko siya since 1 st year at ngayong 4th year na kami wala siyang pinagbago matalino, mabait pero tahimik at higit sa lahat gwapo pero walang girlfriend. Sabi ng mga kabarkada niya sa lahat daw ng mga lumapit sa kanyang babae wala siyang pinansin, tinurn down niya lahat. Hindi nga daw nila alam kung bakit. Kaya iyon laging naloloko na bakla.
Isa pang dahilan kung bakit niloloko siyang bakla...maarte kasi sa katawan parang babae. Well effective naman kasi nga gwapo. Tapos malinis din kasi si Jerome sa lahat ng bagay. Para ngang babae pero para sa akin it's not enough para sabihing gay siya. Kahit friends niya di nag-aagree na he's gay.
"JOHN!" sumigaw talaga ko napalingon tuloy yung mga tao sa garden...dito lang pala kita makikita...
"Oh Look who's here? Miss mo na kaagad ako 'Sweetie'?"
"Sweetie yourself! >:( I'm pissed off so shut up!"
"What's with the bad mood?"
"You're asking me what's with the bad mood?!? I'll tell you what... Ano bang kailangan kong gawin para tigilan mo si Jerome!?! Wala naman ginagawa sa'yo yung tao masyado mong pinagtritripan! Every week...NO! EVERY day pinagsasabihan ka namin pero you won't stop...Anong bang dapat kong gawin para tumigil ka na talaga!?!" hindi ko alam kung bakit pero bigla siyang tumawa eh seryoso naman ako...
"Sige Let's make this exciting! Let's make a deal I'll prove to you Jerome's gay and you have to prove that he's straight. Kung pano bahala ka, bahala din ako basta sa isang linggo kailangan nating mapatunayan kung Straight siya or Gay!"
"Ano namang mapapala ko sa stupid deal na 'to?"
"Simple! If he's Straight which means you win...I'll leave him alone and I'll be your genie, Give ne your three wishes and your wish is my command!"
"Interesting...what if you win?"
"If I win?!?" sabay tawa ng nakakaloko "Makikipagdate ka sa akin for a month"
"A MONTH!?! Lugi ako! Dagdagan natin kapag nanalo ako you'll leave me and Jerome alone! Deal?!?"
"Wait! Parang...o sige na nga Deal!"
"Alam ko na kung pano if he falls in love with me it means he's straight...di ba simple as that!"
"Sige Good Luck! Makakadate na din kita ;D ;D ;D"
Sakto after kung umalis dun nag-bell na. Pag balik ko ng room tumabi na ako kay Mimi at kinwento ko sa kanya yung tungkol sa deal. This statement of hers confused me a lot...
"Bakit ba gusto mong patunayan na he's straight?"
Bakit nga ba?
~MONDAY AFTERNOON[Phys Ed. Time]~
"Louie halika dito" hinila ako ni John dun sa isa sa mga upuan sa tapat ng girl's washroom sa may pool
"Bakit na naman?"
"Hintay ka lang I'll make my move" Move? What move? Tinignan ko yung tinuro niya... Si Jerome may dalang towel at mukhang kakaahon pa lang sa pool papuntang Boy's washroom. Nung padaan siya sa girl's washroom biglang bumukas yung door to reveal a some girls na nagbibihis...
Anong ginawa niya? Tinakpan niya ng towel yung girl na pinaka malapit sa kanya sabay talikod...
"Oh ano naman?!?"
"He's gay! Straight guys will definitely look at the girls at matutuwa"
"Alam mo he's a gentleman! Baka naman ang definition mo ng straight guys eh manyak?!" Baluktot ang reasoning ng taong 'to! sabay umalis na ko...
~TUESDAY~
Grabe buong araw talagang gumagawa si John ng paraan para maprove na Jerome's gay. Unfortunately di ako kuntento sa mga 'yon. Nung uwian na hinabol ko si Jerome.
"Jerome!"
"Bakit?"
"Okay lang ba kung sumabay ako sa'yo sa pag-uwi?" ang kapal ko 'no?
"Okay lang"
Nung naglalakad na kami bigla niya na lang kinuha yung jersey bag ko.
"Hoy--" :o
"Di maganda tignan sa isang babae ang nagbubuhat ng ganito kabigat na bag...Ako na ang magbubuhat para sa'yo"
"Ano ka ba akin na mabigat niya...kasi puro libro 'yan kinuha ko yung mga gamit ko sa locker para magreview dahil malapit na ang test"
"Alam mo binigyan mo lang ako ng mas mabigat na dahilan para buhatin 'to...Mabigat pala eh bakit ko papabuhat sa'yo?" tapos nilagay niya din yung bag niya sa right hand niya tapos yung right wrist niya pinatong niya sa shoulder niya bale yung jersey bag ko at bag niya eh nasa likuran niya na [AN:gets?] Naglalakad kami ng ganun...
Nagulat ako nung patawid kami kasi humawak siya sa likod ko, waist level tapos parang ginaguide niya ako sa pagtawid at lumilipat siya kung nasaan yung kotse...so kung masasagasaan kami siya ang unang tatamaan...
Sabi ko na nga ba Gentleman siya..but he's not Gay! How I wish nandito si John para makita niya ;D ...
Hinatid niya ako as in sa doorstep namin kahit lumampas na kami sa bahay nila. He even paid for the fare.
~SATURDAY~
Days passed at lalo kaming naging close ni Jerome. Pero lalo ring gumagawa ng paraan si John para patunayang gay si Jerome.
"Oh ano kamusta yung deal niyo ni John?" nandito si Mimi sa bahay ngayon...wala lang tumatambay lang siya...
"Ewan ko Mimi pero Alam mo parang nagkakaroon na ako ng idea kung bakit ipinagpipilitan ko na Jerome's straight"
"Really?"
"Sort of."
"Pansin ko lagi kayong magkasama"
"Yeah may lakad nga kami mamaya eh may sasabihin daw siya sa akin"
"Ano kaya 'yun? parang exciting 'to!"
~FRIDAY NIGHT~
Grabe nakakapagod kung saan saan kami naglibot ni Jerome...pero okay lang enjoy siyang kasama...sobraaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!
"Upo tayo sakto walang tao sa bench" lumakad kami papunta sa bench at naupo...
"Jerome naman gabi na 'no wala na talagang tao sa park"
"Sabagay, dito kasi sa village natin maaga umuuwi yung mga bata sa bahay nila"
Silence pero okay lang, para kasing at ease ako kapag kasama ko siya...Since nakilala ko siya comportable talaga ako sa presence niya. Iba yung aura niya sa akin lalo pa't he's letting me rest on his shoulder...
"Inaantok ka ba?"
"Hindi naman"
"Sige pahinga ka muna sa balikat ko"
Silence ulit. Pinikit ko yung mata ko at nagrest na lang talaga ako. Buti na lang broad yung shoulders niya...naramdaman ko na lang someone's gently stroking my hair...feels good light lang kasi... enjoy akong nagpapahinga ng bigla niyang hininto yung pag-stroke sa buhok ko at nagsalita...
"May matagal na akong gusting sabihin sa'yo"
Oo nga 'no dun ko lang naalala...inangat ko yung ulo ko para humarap sa kanya "Ano ng yu--" then he took his head a little step away from my face
OH MY GOSH! HE KISSED ME!!!!!!!!!!! :o
"Yun yung gusto kong sabihin sa'yo..."
I'm still stunned!
"Alam ko yung tungkol sa deal...matagal na...Pwede kong pahintuin yun para wala nang abala sa'yo pero a part of me gusto kasi nakita ko na kahit sandali nagiging close ka sa akin. Pinaniwala ko yung sarili ko na sa one week marerealize mo na gusto mo ko dahil sa tagal nating magkakilala...but I was wrong I kept feeding myself with stupid ideas that I did stand a chance for your love...Just so you know I'm STRAIGHT! I turned down every girl because my heart is already taken by that girl...that girl who always defends me whenever someone's teasing me about my gender...She's always there for me..."
OUCH! Every word na sinasabi niya felt lika a stab in my heart...pero bakit? Guilty?
"...that girl ever since first year never got bored of defending me..."
I feel like I want to cry. Right here in front of him.
"...that girl who believed me..."
Parang alam ko na kung saan patungo 'tong usapan na 'to at hindi parang hindi ko na gusto marinig ang kasunod.
"...that girl who was able to play with my emotions para lang manalo sa isang deal..."
Sh*t
"...I don't know kung ano ang kapalit nung deal na 'yun pero gusto kong malaman mo na...That girl is YOU!!! Louie panalo ka na sa deal niyo I'm STRAIGHT matagal na kasi...matagal na kasi kitang mahal..."
Wala akong nagawa o nasabi man lang basta ang alam ko umalis na si Jerome...
HE LOVES ME!!! At hindi ko man lang nasabi na mahal ko din siya...hindi ko man lang masabi na kaya hindi ako naniniwala na bakla siya kasi kung bakla nga siya mawawalan ako ng pag-asa sa kanya...Yun yung dahilan kung bakit ko tinanggap 'tong deal na 'to para patunayan sa sarili ko kung may pag-asa ba ako o wala...
At ngayong alam kong malaki ang pag-asa ko bakit hindi ako masaya? Bakit ako umiiyak dito mag-isa sa park?...
Kasi...Kasi...ngayon hindi ko na alam kung may pag-asa pa rin ako dahil galit sa akin si Jerome...kasalanan ko!lahat naman magagalit...pero hindi ko naman alam eh...lahat naman masasaktan sa ginawa ko...I did played with his emotions gusto kong mainlove siya sa akin for that deal...for that deal 'nga ba?
Kailangan kong makausap si Jerome. HE needs to know the truth. He DESERVES to know my true feelings about him... Patawarin niya naman kaya ako?
~MONDAY~
Ayaw akong kausapin ni Jerome kahapon pa. Nakakainis na!
"Sweetie!"
Ano na namang ginagawa ng pangit na 'to dito sa garden? Pano niya ako nahanap dito?
"Stop calling me sweetie!" >:(
"I wish I could pero last day na ng deal at wala ka pa ring napapatunayan! He doesn't love you! Face it He's GAY!"
Tumayo ako bigla at napipikon ako sa kanya! Bakit ba hanggang ngayon yang pesteng deal pa rin ang nasa isip niya!?! Hindi ba niya nakikita na LoveLife ko na ang nakataya!
"Just so You know He's STRAIGHT! Panalo ako kasi mahal niya ako pero dahil sa pesteng deal na 'to galit siya sa akin at who knows kung magkakaayos pa kami?!? So leave me alone gaya ng sinabi mo last week!" aalis na dapat ako pero nagulat ako sa sinabi niya...
"Alam ko!" napalingon ulit ako sa kanya...
"Alam mo? Ang ano? ??? "
"Alam ko na he's straight, alam ko ring matagal ka na niyang gusto! Sinadya kong mapikon k at mapapayag sa deal na 'to dahil alam kong may posibiledad na magagalit siya sa'yo at lalayuan ka niya kapag nalaman niyang pinaglalaruan mo siya!"
"What are you talking about?"
"Mas nauna kong nalaman na gusto mo siya bago mo pa malaman! Iba ka tumingin sa kanya at galit ako sa kanya dahil siya ang nagustuhan mo! At nakikita ko din na lagi ka niyang pinagmamasdan behind your back!
I Hate The fact that you two like each other!"
What the heck?!?
"Pero sorry na lang Louie it seems that he gave you up! I know I said I'll leave you alone pero since di ka na niya gusto I think it's about time na humanap ka na ng iba at andito ako at your service" unti-unti siyang lumakad palapit sa akin habang sinasabi niya 'yan at nung nakalapit na siya parang ikikiss niya ako kaya...
SLAP! Sinampal ko siya "Sorry ka na lang din kasi I'll do everything para hindi niya ako tuluyang igive-up"
"Louie galit sa'yo yung tao hanggang ngayon ba naman siya pa rin!?"
"Yeah he was always the one, he always is, and he always will be!"
"Ganun pala!" >:( tapos nagmamadali siyang umalis pero bago siya tuluyang makalayo sumigaw siya pero hindi nakalingo sa akin...
"NOW HE'S GONNA PAY FOR YOU TAKING YOU FROM ME!!!"
I WAS NEVER YOURS!!! OH NO!! Focus Louie kailangan mong makita si Jerome bago siya makita ni John.
Kung ako si Jerome saan ako pupunta? Sa tahimik at hindi mataong lugar...LIBRARY!
Nagmadali talaga ako at pagdating ko ng Library hinanap ko agad si Jerome pero kahit na wala masyadong tao di ko siya nakita...baka nasa second floor.
Pag-akyat ko wala pa ring tao! Okay di ko na alam kung saan ko siya makikita. Naiiyak na ako, kinakabahan ako sa pwedeng gawin sa kanya nila John. Nung pababa na ko I saw a figure in the corner of my eye. Si Jerome! Katatayo niya lang at may hawak na libro! Siguro nakaupo siya sa sahig kaya natakpan siya ng mga table.
"JEROME!"
"SHHH!!!"
"Sorry" di ko napigilan yung excitement ko eh... Nung lumingona ako kay Jerome...OuCH! Ang sama ng tingin niya sa akin.
Pagkakita niya sa akin nagmamadali siyang bumaba Dinaanan niya nga lang ako. Syempre reflex ko sundan siya.
"Jerome wait"
"What do you want?" nagsalita siya nung nakalabas na kami ng Library pero hindi man lang lumilingon...
"It's about John"
"Wala akong pakialam kay John"
"Pero may kinalaman ka dito" ang bilis niya maglakad kaya kailangan ko pang humakbang ng malalaki para pumantay sa kanya...
Lakad kami ng lakad kinakausap ko siya pero di niya ako nililingon...
"Saan tayo pupunta?"
"Anong tayo? Ako lang! Bumubuntot ka lang sa akin"
"Wala kang magagawa you can't shove me away" teka papuntang rooftop 'to ah... "Pupunta ka sa rooftop? Wag baka nandun sila John"
Bago niya buksan yung door sa rooftop finally nilingon niya na ako!
"What's up with you? Ano pa bang gusto mo? You won the stupid deal! You got my heart! And you crushed it! Di ka pa ba kuntento?!?"
"Ang sakit mo magsalita I didn't mean to hurt you...sinusundan kita kasi sila John babalikan ka nila at ayaw kong masaktan ka" :'(
"Bakit naman nila ako babalikan?!?"
I know he's still annoyed his voice said so...pagbukas niya nung door...guess what tadhana nga naman oh! Nandun yung grupo ni John nakaabang! Oh no apat sila!
"Louie kasama mo na naman yang pesteng yan!?!" >:(
"John ano ba sabi ko sa'yo Jerome has nothing to do with this!"
"Anong wala?!? Malaki ang papel niya dito! >:( That F*CK*NG GUY is the one you Love! >:( THAT F*CK*NG GUY is the reason I can't have you! >:( "
Lumingon sa akin si Jerome. "Is that true?" ???
"I tried to tell you pero ayaw mo kong kausapin gusto kong humingi sa 'yo ng sorry" akala ko kung ano ang gagawin niya yun pala hinawakan niya yung chin ko para tumingin ako sa kanya...and he gave me one of his best smiles...
"Dito ka lang akong bahala" *wink*
"Pero--" "I said akong bahala" binigay niya sa akin yung bag niya tapos lumapit kanila John...
"Sorry John but This F*CK*NG GUY won't let you touch the only girl he loves"
The next thing is unexpected...sinong mag-aakala na Jerome is the captain of the Taekwondo Club in our village...Pinatumba niya yung grupo nila John!
Everything went well two months na din ang nakalipas. John never tried to bother me again dahil kung nagkataon lagot siya sa boyfriend ko. 3-in-1 ata yun! Boyfriend na! Bodyguard pa! At yaya pa!
"Honeeey water mo oh"
"Jerome ang corny mo!"
tumawa lang siya "Nilalambing ka na nga eh"
"Para na tuloy kitang yaya kasi ikaw na lang ang laging bumibili"
"Okay lang kasi ikaw naman ang caregiver ko!" tapos he pinched my 'little' nose...hindi naman masakit corny niya maglambing pero sweet na din :D .
"Tara uwi na tayo" nung tumayo na kami may isang cute guy na dumaan kaya niloko ko siya...
"Look yaya oh there's a very cute guy!"
"Oo nga 'no he's so pogi I'll make him my papa na!" ;D tapos nag-step back ako sabay cross ng arms at taas ng kilay...
"Jerome Are you GAY or STRAIGHT?" alam ko namang joke lang yun eh...Binibiro ko lang din naman siya. Tumawa siya sabay akbay sa akin at hinila niya ako kaya parang yakap niya na ako habang naglalakad. He kissed my temple before saying...
"DEFINITELY STRAIGHT! And you're one of the many reasons why! I Love you!"