Chapter 6

8 1 0
                                    

Pagmulat na pagmulat ko, ramdam ko ang bigat sa aking ulo. Feeling ko may nakapress sa ulo ko at hindi ko maiangat at maigalaw. Feeling ko nasugatan ulo ko ng bonggang bongga, eh ang alam ko puso ang sugat na sugat sa akin. I tried to reach my thermometer para gamitin ko.

"38.6" sabi ko sa sarili ko, inis na inis sa mga pinaggagagawa ko kagabi. Pinilit ko namang bumangon at lumabas ng kwarto kase pagtingin ko sa crib, wala na si Jace.

"Mom.. saan si Jace?" tanong ko pagkababa na pagkababa ko. "Nandito, anak! Kain ka na.." sigaw naman niya mula sa dining area. Hilot ako ng hilot sa noo ko.

Bumalik naman ako kaagad sa kwarto para matulog ulit. Naisipan ko na lang na I-text si mama para makapagpahinga na ako.

Ma, matutulog lang ako. 38.6 temperature ko. Paki-alagaan muna si Jace for me. Sorry, ma. Thank you!

Hindi ko na naintay reply niya at agad na akong naka tulog na nakalimutan ko pang uminom ng tubig. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na akong nakakatulog pero nagising ako sa lamig ng bimpo sa noo ko. Mumulat sana ako nang bigla Siyang nagsalita. "Ms. Audrey.. drink your medicine para bumaba temperature mo.." I heard Christian's voice and dahan dahan naman niya akong binuhat paupo.

Binigyan niya ako ng gamot at hawak hawak niya yung water ko. Dahan dahan kong binuksan ang dalawa kong mata at napatingin sa kanya and the way I see him with my eyes, he's so caring. Pinagpaliban ko muna ang magaan kong kalooban sa kanya at uminom na ng gamot.

"I'm sorry, Ms. Audrey.." hiniga naman niya ako dahan dahan at hinalikan sa forehead. Hindi ako makangiti sa sobrang nagaapoy ako, sa sobrang nahihilo ako. Hindi ako makakilig.

Natulog naman ako kaagad kase as much as I want to talk to him, matutulog muna ako para magpagaling.

"Hey.. do you want soup? You need food also para lumakas lakas yung katawan mo." Ginising naman ako bigla ni Christian which I think naka bantay sa akin mula nung natulog ako. "Ayoko.. Feeling ko masusuka nanaman ako.." sabi ko naman sa kanya. The hangover is real, people.

"Kahit onti lang.." inuupo naman niya ako sa pagkakahiga ko and then grabbed my food at pinakain naman ako. Sobrang tahimik and feeling ko kakabahan ako any minute soon. His presence really is bothering me.

"Maybe you're wondering bakit nandito ako.." he said at napatingin lang naman ako sa kanya so pinagpatuloy niya sinasabi niya. "I was about to go home when you went out in your room.. Your mom let me sleep here last night kase baka raw lasing ako even if I already told her that I'm not kase I'm responsible sa mangyayari sayo if ako yung nalasing.." He keeps on sharing his kwento about what happened to him and to me last night and awhile ago.

"so dito ako natulog, but I didn't change your clothes, okay? Your mom did. I have one good reason why I didn't rejected your mom's kindness to me, kase I'm expecting na eto mangyayari sa'yo since you said na you never really drink alcohol." sabi niya sa akin. He grabbed the glass of water at pinainom naman niya ako. "And then, ngayon, akala ko you're alright kase I heard you calling your mom sa labas ng room mo while I'm fixing myself up but then your mom came into me and told me na nilalagnat ka so I asked for permission sa mom mo kung okay lang if I'll take care of you and she said yes so I went up here dala dala na mga gamit and medicines for you." he said. Medyo na touch naman ako sa sinabi niya and at the same time, nahiya.

TULOY PA RINWhere stories live. Discover now