Chapter 19
Hung Up
Pagkasarado ng pinto ay doon ko narinig ang boses ni Tasha at ni Monica.Panay OMG lang naman ang sinasabi nila.
"Ang swerte mo,Rhum," lumapit si Tasha sa akin at iniangat ang kamay kong ginawaran ni Seth ng halik at idinikit sa kanyang pisngi. "K-in-iss niya iyong kamay mo," kung alam mo lang.Hindi lang kamay,Tasha.
Pero siyempre hindi ko sinabi iyon.Mabuking pa kami.
Si Monica naman ay sumilip pa sa blinds ng bintana na lobby na ang kabila.
"Ang gwapo niya pala sa personal," parang natutulalang saad ni Monica.
"True!," pagsang-ayon naman ni Tasha.
"May girlfriend siya.Narinig mo iyong sinabi niya? Ayaw daw siyang pauwiin ng girlfriend niya dahil wala pa siyang tulog.Pinuyat daw siya," namimilipit sa kilig na sabi pa ni Monica. "Ang sweet naman niya."
Nakatingala pa si Monica at magkasalikop na inilagay sa kanyang dibdib ang kanyang mga kamay.Para siyang nagdarasal.
"Anong sweet doon?," tanong ko.I tried so hard to put on a poker face kahit ang totoo ay natatawa na ako sa sobrang kilig.
Gawd! Girlfriend niya ako.
"Hello! If it's other guys,magpupumilit pa rin iyong umuwi.Siyempre they would want na sila ang masunod," sagot ni Tasha sa akin.Tumango-tango ako.
Pero alam ko,sweet nga iyon.He could have drove off if he wanted to.Pero sinunod niya talaga ako.
"So,dito raw malapit nagtatrabaho ang girlfriend niya.Iyon na kaya iyong nasa picture sa TV?," nanlalaki ang mata ni Monica sa natuklasan.
"Hala! Ang swerte naman ng babae," sang-ayon naman ni Tasha.
Oo alam ko.Swerte ako.Sobra!
Napahinto ang dalawa sa pag-uusap at lumingon sa akin nang mapansing hindi ako kumikibo.
"Hindi mo type iyong mga ganung hitsura?," nakangusong tanong ni Monica.
"Hindi," ko lang type.Type na type ko! Gusto kong idugtong.But no!
"Ano ba iyan? Sayang naman iyong inihalik niya sa kamay mo kung ganun.Other girls would kill for it," ismid ni Tasha na tinawanan ko lang.
"Eh di sa kanila na," ani sabay talikod para mas magmukha akong hindi interesado.
Kahit ang totoo ay gusto ko nang magpagulong-gulong sa tuwa.What Monica and Tasha commented affected me.Nakakatuwa naman talaga na pinapahalagahan niya ang opinyon ko.Kahit may kakayahan naman siyang tutulan ito.
Tumunog ang aking cellphone at nakita kong si Seth iyon.Aba't tumawag pa.
"Sinasagot iyan 'te,hindi tinititigan," komento ni Tasha nang makitang napatulala ako sa aking nagriring na cellphone.
"Bakit ayaw mong sagutin?," kita ko mula sa gilid ng aking mata ang papalapit na si Monica kaya agad kong pinindot ang end button.
"Pinatay?," parang nagdududang turan ni Monica.
"Unregistered number," sabi ko sabay lagay ng cellphone sa aking bulsa.
"Baka naman importante iyon.Malay mo kliyente," ani Tasha.
"Kliyente? Sa personal number ko?," kunwa'y hindi ko makapaniwalang sabi.Nagkibit-balikat lang silang dalawa at 'di kalaunan ay nagsipagbalikan na rin sa kani-kanilang table.Although panaka-naka ang pagkukwentuhan nila tungkol sa mamang natutulog sa sofa namin sa lobby.
BINABASA MO ANG
Masarap Ang Bawal: If Ever
RomanceEverybody deserves a second chance.But not everyone can have it.What if you are one of those lucky persons to have it? Will you fight for the love unfinished or will you still make the same mistake?