Eroplanong Papel I

365 42 28
                                    

Normal na sa araw ko ang gumising ng maaga, magbasa ng libro makinig ng music habang nagkakape at gumising ng walang ibang kasama sa bahay. Ako lang mag isa dito, araw-araw. Si Daddy laging nasa Business trip. Umuuwi man siya isang beses sa isang buwan, hindi pa nagtatagal ng 24 oras umaalis din agad. In short walang bonding together. Mangungumusta lang, ibibigay ang pasalubong na libro. At yun. Yun na yun. Si Mommy wag na lang natin pag usapan. Ayoko ng umiyak gabi gabi twing maalala ko siya. Namatay siya dahil sa sakit sa dugo. 8 years old pa lang ako nun. Lumaban si Mommy hanggang kaya niya pero sa huli binawi rin ang buhay niya.

Malungkot ang bawat araw ko. Walang araw na masaya sakin. Liriko ng bawat musika at mga libro lang ang kasama ko hanggang ngayon. Wala akong kaibigan, wala kahit isa. Walang atensyon ng magulang at walang nagmamahal. Nag-aaral ako sa isang private school. Sa isang eskwelahan na ang tingin sakin ay isang salot sa lipunan. Normal na sakin ang umuwi ng marumi at puno ng mga balat ng pinagkainan o bato sa bag ko. Umuuwi akong may sugat sa tuhod dahil sa pamamatid nila. Kung hindi putik ay ihi ang itatapon nila sakin. Di ko sinasabi kay Daddy yun. Wala rin naman siyang magagawa dahil laging busy sa trabaho. Tsaka araw araw naman ding hindi ko siya nakakasama kaya hindi na rin ako nagsusumbong kung anong kababuyan ang nararanasan ko sa school. Naisipan kong lumipat ng school pero wala ring nangyari. Bakit ba puno ng bullys ang mundo. Isang nang aapi at isang naaapi.

Bahay at school lang naman ang destinasyun ng buhay ko. Library ang pangatlong bahay ko. Mga libro ang kaibigan ko at musika ang nagsasabi sakin na maging matatag sa buhay. Ako si Aliceny Del Fuente adik sa pagaaral at libro, aminado ako. Isa akong batang subsub sa pag aaral at nagsusunog ng kilay.

May kaya kami pero mas pinipili kong sumakay ng jeep para matipid ko yung pera ko at maibili ng libro. Papasok na ko ng classroom at sa paghakbang ko pa lang ay sumalubong na sakin ang isang bugok ng itlog. "Aray." Mahinang sambit ko, dahil tumama ang dalawang itlog sa damit ko. Ang kaninang puting puti at pinaghirapan kong labhan na uniporme, ngayun ay malansa,malapot, mabaho at marumi. "Ayan mantika na lang pwede ng ipirito!" Sabi nung isa kong kaklase na siya ring nagbato sakin ng itlog. Nagtawanan ang buong klase. Yumuko na lang ako at umupo sa upuan ko. Pag upo ko isang note na may nakasulat na "Loser" agad ang nabasa ko. Nakakailang libo na yata ako ng ganitong notes kaya sanay na ko.

Gusto kong umiyak pero tila wala ng luhang natitira sa katawan ko. Sobrang nalulungkot ako kapag ginagawa nila sakin yun. Wala man lang akong magawa para ipagtanggol ang sarili ko. Wala akong lakas ng loob para mag salita. Wala akong sapat na tapang para labanan sila. Tanging isang malungkot na buhay lang ang meron ako.

Lunch na pero nakaupo parin ako sa upuan ko sa loob ng classroom. Wala na kong ibang kasama sa loob. Nakasalumbaba ako. Hindi dahil natatakot akong may mangyari na naman sakin kaya hindi pa ko umuuwi kundi bago ako umupo kanina ay nilagyan nila ng glue ang upuan ko. Kaya nakapakat ngayun dun ang palda ko. Hanggang sa magsimula na ulit ang klase afternoon class Math subject. Kumukulo na ang tyan ko dahil sa gutom, dahil hindi ako nakakain ng lunch kanina. Ang problema ko ngayun paano kung uwian na, uuwi akong may upuan sa pwet? Naisip kong magsumbong pero wala rin namang magagawa yun dahil wala naman silang pakialam.

Uwian na. Ito na ang kinatatakot ko uuwi na ba kong may upuan sa pwet? Sana pala nagdala na ko ng unan at kumot kung alam kung dito na ko matutulog sa loob ng classroom. Nagiging orange na ang langit. Walang ibang tumatakbo sa isip ko. Isang ibon ang dumapo sa bintana. Dahil malapit ako sa isang malaking bintana na bakal. Kitang kita ko kung paano siya tumingin sakin. Ang cute niya. Ang swerte niya dahil hindi niya nararanasan ang nararanasan ko. "Hi." Bati ko sa kanya. Kaya ako nasasabihan na baliw dahil sa mga ganitong bagay na kahit ang ibon kinakausap ko na. Di siya sumasagot nakadapo lang siya sa bakal na bintana na yun. "Umuwi ka na baka hinahanap ka ng nanay mo." Sa kabila ng nangyari sa araw ko ngayun. Nakukuha ko paring ngumiti. Bakit kaya napakahina ko? Bakit napakalampa ko. Na sa twing inaapi nila ako di ako lumalaban. Duwag ba ko? Matatawag mo bang duwag ang isang babae na ang hiling lang ay makita ulit si mama kahit alam kong malabo nang mangyari yun.

Eroplanong PapelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon