41: Before

21.5K 312 10
                                    

Capítulo 41

Jhon's POV

Mabilis akong bumaba ng barko para makatakas at walang makahalata sa akin. Sa sitwasyon ko kasi ngayon sigurado akong malalaman na nila na hindi nila ako sa mahan. Crap! I'm bleeding as hell! Puno na ng dugo ang damit na suot ko dahil sa nabuksan uli ang sugat ko.

Pasuray-suray akong naglalakad sa daan. Walang mga tao sa paligid. Hindi ko na maalala ang mga pasikot-sikot ng Leuropia. Nagyeyelo pa ang paligid. Damn! I feel dizzy and hell pain. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Mamamatay na ba ako dito? So, ganun na lang ba?

Natatawa ako sa sarili ko. Sure I'm failure. Hindi ko man lang magawang mapagaling ang kapatid ko. Hindi ko mapatawad ang magaling kong ina. Hindi ko nagawa ang gustong ipagawa sa akin ni Dad na iligtas ang prinsesa. At higit sa lahat hindi ko mailigtas si Dana.

Nilalamon na ng dilim ang paningin ko. Nakakita ako ng isang grupo ng mga lalaki. Sa mga oras na ito, siguradong katapusan ko na.



<3

I woke up hearing a lot of voice. Unti-unti kong dinilat ang mata ko. Malamlam ang ilawanag sa kwarto at natatabingan lang ng kurtina ang pinangagagalingan ng ingay.

Nasa impyerno na ba ako?

"HINDI AKO PAPAYAG!" Isang malaki at ma-awtoridad na boses ang narinig ko. Pamilyar ang boses pero hindi ko maalala. Wikang Leuropia rin ang gamit niya.

"Ngunit kung matutuloy ang kasal ay magiging katapusan na natin!"

"Hindi ako papayag sa balak niyo. Ikapapahamak ito ng anak ko. Sapat na ang ginawa nila sa asawa ko at hindi na ako papayag na masaktan pa ang anak ko."

"Ngunit Mahal na Hari, tanging sa panahon lang na iyon madaling makapasok sa palasyo. Doon lang tayo makakasugod."

Napabangon ako pero napaungol naman ako sa sakit ng tagiliran ko. Tanginang sugat 'to!

"Gising ka na pala." May biglang humawi sa kurtina. Isang babae ang tumambad sa akin at sa likod niya hindi ko mabilang kung ilan... Marami sila. "Wag ka munang kikilos." Inihiga niya ako. "Salamat naman at ayos ka lang."

Naaalala ko siya. Kilala ko siya. Hindi mapagkakailang pareho ang mga mata nila ng matalik kong kaibigan. At nagsasalita rin siya ng Filipino! "T-tita..." Napausal ako.

"Naaalala mo pa pala ako."

"Hindi ko po kayo makakalimutan. Pareho kayo ng mata ni Hal!"

Ngumiti siya sa akin. "Magpahinga ka muna, Jhon."

Umiling ako at napatingin sa mga tao na kasalukuyang nakatingin sa akin. Hinanap ng mata ko ang kaniang nagsasalita. Nasa gitna siya, malapit sa isang mesang puno ng mga papel. Naaalala ko na siya. Ang hari. Ang ama ni Dana.

"Jhon saan ka pupunta?" Reklamo ni Tita Harmina ng tumayo ako at naglakad. Hindi ko siya pinansin. Tuloy-tuloy akong naglakad papalapit sa hari.

Hindi ko na mapigilan ang lahat ng gumugulo sa utak ko. Ang lahat ng emosyon at galit para sa sarili ko. "P-patawarin niyo po ako Mahal na Hari." Nagpatirapa ako sa paanan niya. Yukong yuko. Hiyang hiya. "Kasalanan kong nakuha si... Ang prinsesa. Hindi ko siya napaglaban. Nararapat lang na parusahan niyo ako."

"Anong pangalan mo?" Napatingala ako sa kaniya ng itanong niya ang pangalan ko.

"J-jhon Ybardolaza po Kamahalan."

My Royal Secret✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon