That's Not My Name! [One Shot]

181 14 26
                                    

"Ugh! Nakakainis! Ang baba ng nakuha ko sa Math! Alam ko namang bopols ako dito pero hindi naman ako dati bumabagsak!", pagmamaktol ko sa upuan ko matapos matanggap ang quiz namin sa Math na kung saan 4 lang ang nakuha ko.. Out of 10.. Engot kasi yung teacher eh. Boring magturo.

"Oy Brietta! Ilan nakuha mo?", tanong ni George. Eto na naman sya. Hindi ako si Brietta! Bakit ba parating yung ang naitatawag nya sa akin. Crush nya siguro si Brietta at yun parati ang bukang-bibig nya. Classmate din namin yun at magaling sya sa Math 'di tulad ko na slow.

"Giella... hindi ako si Brietta...", mahinahon kong sabi sa kanya kahit na deep inside naiinis ako. 2 months na kaming classmates di pa rin nya alam name ko. Kainis eh!

"Ay Giella pala.. sorry...",sabi nya at tsaka ngumiti na parang bata. Hindi ko na lang sya pinansin dahil hanggang ngayon, frustrated pa rin ako sa score ko. Promise magseseryoso na ko sa Math.

 Uwian na din naman kaya dumiretso na ko sa library. Napaub-ob na lang ako sa libro. Sumasakit talaga ulo ko pagdating sa Math.

"Brietta.. Anong ginagawa mo dito?", narinig ko yung boses ni George. Tumingin ako sa paligid. Wala naman si Brietta dito ah.

"Uy Brietta.."kinalabit pa nya ako kaya napalingon ako sa kanya. Ako pala tinatawag nya.

"GIELLA..",inemphasize ko kairita eh...

"Ay oo sorry.. Napagpapalit ko kayo parati eh", sabi nya at napakamot ng ulo with matching ngiti ng bata. I rolled my eyes. Ugh! It really irritates me.

"Anong ginagawa mo dito?", nakangiti pa ring tanong nya.

"Nagbabasa malamang..", sarcastic kong sabi.

"Aaah... Ang sipag mo namang magbasa...", may pagka-sarcastic din nyang sambit sa'kin.

"Masipag din bang mag-aral sa Math?", dugtong pa nya at nagsmirk pa. Iniinis talaga nya ko. Nag-iinit na ulo ko.

"Ang lait mo rin eh no? Mataas lang nakuha mo sa Math..", galit kong sabi sa kanya. Kainis eh. Pinakaayaw ko sa lahat yung pinapamukha sa'kin kahinaan ko. Tumayo na ko para umalis.

"Uy, teka lang jinojoke lang kita..."hinigit nya ang kamay ko at nakita ang namumula kong pagmumukha. Namumula ako sa galit.

"Giella... sorry, binibiro lang talaga kita.."pagpapaumanhin nya, hawak hawak pa rin ang kamay ko.

Tinanggal ko kamay ko sa pagkakahawak nya. "Totoo naman sinabi mo eh.. kaya lang medyo nakakaoffend eh.. Siguro sa'yo biro lang.. Pero wala ako sa mood para matuwa sa joke mo..", sagot ko sa kanya at umalis na.

Hinabol nya ako hanggang makalabas na kami ng school premises.

"Giella! Sorry na!", sigaw nya na nagpatigil sa'kin. Tinitignan na kami ng ibang estudyante. Hingal syang lumapit sa'kin at napaluhod sa pagod.

"Sorry na please..'di ko talaga sinasadya na maoffend ka", pagmamakaawa nya. Ugh! Nakakahiya na talaga.

"Uy, tignan mo yun oh.. Nagpropose ata!.. Ang sweet naman!", dinig ko sa di kalayuan bandang likuran ko.

"Fine! Stop it! Tumayo ka na dyan!", sabi ko at tumalikod na sa kanya at mabilis na naglakad.Mabilis din syang tumayo at nakisabay sa'kin.

"Tutor na lang kita sa Math.",sabi nya at talagang hindi nawawala ang ngiting pambata sa mga labi nya. Hindi ko maexplain eh. Alam nyo yung ngiti nang bata kapag binigyan ng piso ng nanay nya. Parang ganun eh. Pero natuwa ako sa sinabi nya. Gusto kong magpatutor at hindi ko itatangging magaling sya sa Math. Perfect nga score nya eh.

"Okey lang bang itutor mo ko?", tanong ko.

"Ay hindi hindi.. Sabi ko nga itututor kita di ba?",sarcastic nyang sabi.

That's Not My Name! [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon