5 signs. (One Shot)

252 8 0
                                    

(Song above/ at the side)

//////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////////

"TITANIA DELA ROSA! BILISAN MO! LATE KA NA!!" Sigaw ng nanay ko

"OPO MA!"

Shiiiizzzz! Ano ba naman kasi yan Titania! Bakit kasi nalate pa ko ng gising eh! 

Bago umalis, chineck ko muna yung bag ko. Teka.

notebook... Notebook... NOTEBOOK! Asan yung notebook ko?!?! Paglingon ko, nakita ko yung notebook ko sa kama. Kinuha ko na yung notebook ko at lumabas ng bahay. Kanina pa pala andito yung school service namin. Wala pang nakasakay (Pwera sa driver) kaya sa unahan na ako umupo. Pagka-sakay ko, binuklat ko yung notebook ko, at nakita ko yung 5 signs na sinulat ko kagabi.

1. Water

2. Ice cream

3. I.D

4. Notebook

5. Introduce yourself.

Kung nagtataka kayo kung bakit may ganto ako. Well. Ako kasi yung tipo ng babaeng naniniwala sa signs. Kaya nagsulat ako ng 5 signs at nagpray ako kay God na kapag natupad itong lahat, may chance na maging ka-close ko Siya.

First sign ay water. Eh saktong naulan ngayon.

Pagtingin ko sa labas, biglang humangin ng malakas. Bastos na hangin yan! Kitang naulan tapos biglang humangin edi nabasa yung mukha ko. Bwiset

Imbes na magalit pa ako sa hangin, pinunasan ko na lang yung mukha ko and after that, may nakita akong lalaking nakatalikod at nakapayong sa tapat ng bahay. Eh wala akong magawa, kaya naisipan kong Mantrip.

"OY!" Pagtawag ko dun sa lalaking di ko kilala

At saktong pagharap niya sakin. SHIIIIZ! Si Zenon Maderazo. Siya yung ultimate crush ko!! SHET! Sa lahat ba naman ng mapapagtripan ko, bakit siya pa? Kahiya (>__

Pero speaking of Zenon. Alam niyo ba na sabi ng iba meant to be kami? Kasi yung pangalan ko na "Titania" Ay kinuha sa Titanium. Hindi yung kanta ha! Yung sa periodice table. Tapos yung pangalan niya na "Zenon" Ay kinuha rin sa Xenon na galing rin sa periodic table. Asitg nuh! Pero back to reality muna tayo.

Okay. First sign: Water. (CHECK)

Pinagtagpo kami ng WATER! Ng ulan! Bwahahahaha

Pagdating namin ng school, biglang tumunog yung bell. Ibig sabihin, late na kami. Kaya saktong pagkababa ko ng service, bigla akong tumakbo. Eh hindi ko namalayang may tumatakbo din sa harapan ko kaya nakabunggo ko yun.

"Ay sorry!" Paghingi ko ng tawad dun sa nakabangga ko.

Pagharap niya, WOW! Si Zenon! Pero bakit parang nagiba yung hairstyle niya? Parang naging, Ice cream shape yung buhok niya. Nag gel kasi siya, kaya yung buhok niya nakatayo. At parang ice cream XD

"Sorry din miss" Sabi sakin ni Zenon at tumakbo palayo. Pero bakit parang may nalaglag sa bulsa niya? Pagtingin ko, nahulog yung I.D niya! Hahabulin ko pa sana siya, kaso ang bilis niya tumakbo kaya hindi ko na siya nahabol.

                                                                                   -=-

Pagdating ko ng classroom. Late na ako. Kaya ayun, pinagalitan ako ng teacher namin. Haaay.

Pagkaupo ko, binuklat ko yung notebook ko at nilagyan ng check yung mga signs na nagkatotoo na.

1. Water (CHECK)

2. Ice cream (CHECK)

3. I.D  (CHECK)

4. Notebook

5. Introduce yourself.

Wow. Dalawa na lang! May chance ng maging ka-close ko siya! Woooooot! Konting kembot na lang \(*u*)/

"Okay. Class dismissed." Sabi nung teacher namin. Okay. Lumabas na ako ng classroom at dumiretso sa kabilang classroom para sa next subject ko

Pagkaupo ko, binuksan ko yung bag ko para kunin ulit yung notebook ko. Pero.. Bakit parang wala dito yung notebook ko?!?! Shiiiizzz! Asan yon?!

Ni-rape ko na yung bag ko pero hindi ko parin makita?!?! SHEMAY! Asan na yon! Takteng notebook yan! Natapos yung buong lesson ng wala akong naintindihan dahil sa paghahanap ko ng notebook ko. Tapos na yung klase, kaya lahat ng kaklase ko lumabas na. Ako na lang yung natitira dito sa classroom dahil hinahanap ko parin yung notebook ko.

Halos mamatay na ko sa kakahanap ng biglang may kumulbit sakin.

Paglingon ko, nakita ko si Zenon. At hawak hawak niya yung notebook ko. (O______O)

"May hinahanap ka ata?" Tanong niya sakin

"Ahh oo. Y-yung n-notebook k-ko. Y-yung notebook na h-hawak mo. Akin yan." SHET! Bakit nauutal ako?!?!

"Ah eto ba?" Tinignan niya yung notebook na hawak niya. "Sayo pala toh. Nakita ko lang kanina sa classroom eh." Tapos inabot na niya sakin.

"Ahh ganun ba. Sige. Salamat."

Aalis na sana siya kaso bigla kong naalala na nasa akin pala yung I.D niya.

"Wait lang!" Sabi ko at kinuha ko yung I.D niya sa bag ko at binigay iyon sa kanya.

"Oh! Kanina ko pa hinahanap to ah. Salamat. Nga pala. Saan mo to nakita?" Tanong niya sakin

"Sa labas ng classroom."

"Ahh. Salamat ulit."

"Welcome."

Nagkatinginan lang kami. Okay. Awkward moment na.

"Uhhm. Ako nga pala si Zenon Maderazo." Tapos inabot niya yung kamay niya.

Oo. Alam kong ikaw si Zenon Maderazo. Crush kaya kita! At ako ang dakilang stalker mo! Hahaha~ Dejoke.

"Uhhm. Ako naman si Titania Dela Rosa." Tapos inabot ko yung kamay ko at nag shake-hands kami.

4. Notebook (CHECK)

5. Introduce yourself. (CHECK)

Nalagyan ko na ng CHECK lahat ng signs na nasa notebook ko.

Eto na ba ang simula? Eto na ba yung time na magiging close Kami?

                                                          -END-

A/N: Hahahhaaha! Panget ng story ko! Pagpasensiyahan po :3

5 signs. (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon