Sino'ng Nabunot Mo? [ONESHOT]

7.7K 238 139
                                    

"Sino'ng Nabunot Mo?"

2013 December :)

'Yan lang naman ang palaging tinatanong sa paghahanda sa Christmas Party eh. Yung tipong bubunot ka ng pangalan ng reregaLUHAN mo tapos ang daming magtatanong ng kung sinong nabunot mo na para bang mamamatay sila 'pag hindi nila alam kung sino'ng nabunot mo or nakabunot sa kanila.

-------xxxxxxx

Nagtitipon-tipon na kami dito sa loob ng classroom namin, making a big, round circle. Hawak-hawak namin ang kanya-kanya naming regalo para sa mga reregaluhan namin. May iba pang hinihintay na classmates namin kaya hindi pa kami nagsisimula.

"Uy, sinong nabunot niyo?" pabulong na tanong sa amin ng kaibigan kong si Osannah na katabi ko sa right side at 'yung isa ko ring bestfriend na si Annalie ay nasa left side ko which means pinapagitnaan nila ako.

"Sa akin ay si Van Freniere," sagot ni Annalie. Van Freneire ang codename ng monito niya, wattpad character from the story of Montello High.

"Sa akin naman ay si Timothy Odelle Pendleton," pabulong ko ring sabi. "Teka, sino ba talaga ito?"

"Ay nako naman! May nakapaskil na listahan ng codenames sa board at katapat nung codename ng monito mo ay ang totoong pangalan ng monito mo! Kaya tignan na natin doon!" excited na sagot ni Osannah tapos hinila nila ako palapit sa blackboard.

Nakisinggit sina Osannah at Annalie sa mga classmates namin na nasa harap rin ng blackboard at ni-i-scan ang listahan kung sino ang monito ko. Ako ay naghintay lang sa likuran kasi hindi naman ako masyadong interesado kung sino'ng nabunot ko. KJ ako inaamin ko pero minsan lang naman.

Mga ilang minuto ang nakalipas, lumapit ang dalawa sa akin na nakangiti ng malapad. Uh-oh. Alam ko kung ano ang ibig sabihin niyan. May kinalaman 'yan sa monito ko.

"Sino ang nabunot ko?" tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan ang dalawa habang nakangiti pa rin at sabay na lumapit sa magkabilang tenga ko, "Si crush mo."

 Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Natulala tuloy ako.

"Oh, ano ka ngayon?" tanong ni Annalie na may nakapaskil na nakakalokong ngiti sa mga labi niya.

Wala na akong nasabi nang biglang nag-announce na ang Ma'am namin na sisimulan na raw ang exchanging gifts. Uh-oh. Parang gusto ko nang 'di matuloy.

MY MONITO IS MY CRUSH FOR CRYING OUT LOUD!

Jeez. Hinila na lang ako ni Osannah at Annalie papunta sa bilog. Gusto ko nang umalis do'n at hindi na sumali pero parang na-paralyzed ang katawan ko at parang naglo-loading pa rin ako hanggang ngayon.

 Nagbigay na ng direction si Ma'am kung ano ang magiging process chuchu. Sinabi niya na kailangan i-describe mo ang monito/monita mo bago ibigay sa kanya ang gift mo.

Unang pumunta sa gitna ay si Ma'am at deniscribe at binigay ni Ma'am ang regalo niya sa isang kaklase ko at then the process continues. May isa sa classmates ko na ang monita niya ay si Ma'am na starting point kaya pipili na naman ng bagong tao na magbibigay ng regalo niya.

At ang napili? Me. How Lucky am I, right?

Dumating na talaga ang pinakatatakutan ko.

Nagsimula na silang kumanta, pinapalibutan ako. Habang ako naman, nakatayo lang sa gitna, nakatunganga. Ano bang i-dedescribe ko sa kanya?

Natapos na ang kanta at hinihintay na nila ang pagde-describe ko sa monito ko. Nakatingin lahat sa akin. Ilan nga bang pares ng mga mata ang nandito ngayon? Hindi ko matandaan. Hindi ngayon ang tamang oras para tandaan ko.

Sinong Nabunot Mo? [ONESHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon