Devil # 18

5K 124 41
                                    

Chapter 18

//

Extra naman si Joshua. Nakakahiya kaya 'tong ginagawa ko tapos nakita pa niya. Nagkatitigan lang kaming dalawa habang natawa siya.

" Eunice? Ano? Tulala ka na dyan eh. Nagwagwapuhan ka siguro sakin 'noh? " ang yabang nito eh. Pero actually, talaga namang gwapo si Joshua. 

Natauhan naman ako sa sinabi niya. " Hi-hindi kaya! " 

" Ano bang ginagawa mo? " nagtataka niyang tanong habang nakatingin sa basurahan na hinahalungkat ko.

" Obvious naman diba? May hinahanap. " sagot ko naman.

" Eto ba 'yung hinahanap mo? " sabay taas niya ng kamay niya na may hawak na papel.

" Ya-yan nga! Bakit na sayo? " nagtataka ko namang tanong sa kaniya. Ang likot din ng kamay ng gwapong nilalang na 'toh ha.

" Nakita ko kasing tinapon mo. Nacurious ako. " sabay ngiti niya habang binababa ang nakaangat na braso.

" Pwede bang akin na? " sabay kukuhanin ko na sana yung papel kaso itinaas na naman niya ang kaniyang braso. " No way. " sabi niya habang natawa.

Tinry kong tumalon para maabot ang bolang papel kaso masyado talaga siyang matangkad. Oo, matangkad siya dahil nga team captain ng basketball team at dahil medyo maliit ako kaya hindi ko talaga kayang abutin.

" Joshua naman eh. " pagmamakaawa ko sa kaniya.

" Kiss mo muna ako. " ang kapal ng mukha eh. Buti talaga gwapo siya. Tss. 

Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya at tinitigan na lang siya.

" Joke lang Eunice. " tapos iniabot niya sa akin yung papel at kinuha ko naman agad.

" Nga pala Joshua, nanliligaw ka pa ba? " tanong ko bigla sa kaniya. Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yun dahil bigla ko na lang itong nasabi ng hindi nagiisip.

" Oo naman. Bakit mo naman natanong? " 

" Hindi ko kasi ramdam eh. " totoo naman eh. After nung nangyari sa mall, parang wala na. May paflowers flowers pa siyang nalalaman diyan pero pag sa school minsan lang niya ako pansinin.

" Wag ka mag-alala Eunice. Kaya kong patunayan sayo 'tong nararamdaman ko. " Ngitian ko lang siya at nagwave sa kaniya bago pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok ko sa loob ng bahay, agad akong umupo sa sofa. Inayos ko ang lukot na papel at nanalaki bigla ang mga mata ko sa aking nakita.

Mahal kita.

Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Dugdugdug. Ano bang problema ng puso ko? Bakit ganito makareact sa salitang nakasulat sa papel? Parang abnormal naman 'tong puso ko eh.

Nako! Baka naman naduduling lang ako sa binasa ko. Kaya tinignan ko ulit pero walang nagbago. Yun at yun padin ang salitang nakasulat. Lalong wala pading tigil sa mabilis na pagtibok ang aking puso. Haaay, Ipapahinga ko na nga lang 'toh. 

Sumunod na araw, maaga akong pumasok dahil maaga akong nagising. Actually, bitin na bitin ang tulog ko dahil nakakaloka talaga 'yung sulat ni Adrian. Shemay! Hindi ko padin makalimutan hanggang ngayon. Ang creepy talaga ng devil na 'yon. Feeling ko pinagtritripan niya ko.

Hello? Diba lagi niya akong iniinis dati tapos ngayon mahal niya ako. What the! Pwede ba 'yon?

Habang naglalakad ako papunta sa classroom biglang may kumulbit sa likod ko kaya naman napalingon agad ako. Pinikit pikit ko ang mga mata ko to make sure na siya talaga 'yon. 

Dahil hindi talaga nagbabago ang nakikita ko, tumakbo ako ng mabilis papalayo sa kanya. Dugdugdugdug. Adrian! Ano bang ginagawa mo! Tignan mo 'tong ginawa mo sa puso ko! Naging abnormal tuloy! 

" Eunice! " alam kong si Adrian 'yon. Ano bang problema niya at kailangan pa talaga niyang isigaw ang pangalan ko?

Sinilip ko siya. Well, naglalakad siya ngayon papalapit sa direksyon ko. Dugdugdug. Hey stop it Mr. Heart! Ano bang problema mo? Si Adrian lang 'yan.

Pumikit ako at pagmulat ko naman, nasa harap ko na siya. Nginitian ko lang siya at umiwas ng tingin.

" Para sayo pala. " sabi niya habang nakatingin sa malayo at iniabot sa akin ang isang box. 

" Para saan naman 'yan? " medyo masungit 'yung tono ng boses ko. Halo halo na kasi talaga 'tong nararamdaman ko. Nahihiya ako at the same time naiinis sa kaniya. 

" Chocolates. Basta para sayo kaya kunin mo na. " sabay inilapit pa lalo sa akin ang kahon. Pero inilayo ko ito. Tapos inilapit na naman niya hanggang sa bigla na lang niya hinawakan ang kamay ko at ipinatong ito sa kahon. " Kunin mo na. Please. " tapos dineretso niya ang tingin niya sa akin.

Wala naman akong choice kaya kinuha ko na lang ang box. " Sa-salamat. " tapos tumalikod na ako sa kaniya. Hinihintay ko na marinig ang yabag niya na papalayo sa pwesto ko.

Pero isa lang ang naririnig ko, ang tibok ng puso ko. Dugdugdug. Napakabilis nito. Abnormal nga ata talaga 'tong puso ko.

Bigla ko na lang naramdaman ang dahang dahang pagyakap niya sa akin. Dugdugdug. Lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ko. Dugdugdug. Parang puputok na. Dugdugdug. Help me! Ano ba 'tong nararamdaman ko!

--

vote and comment po kayo :) magupdate ulit ako pag may time. salamat sa pagbabasa.

follow niyo na din ako for updates :)

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon