Chapter 4: Reminiscing Memories

68 7 0
                                    

CHAPTER 4: REMINISCING MEMORIES

SOPHIA'S POV

Nakahiga na ko sa kama ngayon, namimiss ko tuloy yung kwarto ko :( Mula kanina di pa ko lumalabas ng kwarto. Di ko pa rin tanggap yung mga nangyari kanina. Inaaya na ko nila Bea at Kuya Brei na kumain pero wala akong gana pati nga si tita nagaalala na e.

Habang nakahiga ako naalala ko kung pano kami nagkakilala ni Ian at yung mga panahong masayang masaya kami.

** FLASHBACK

Magkakaklase kami nila Bea at ni Ian nung first year high school. Mas lalo kaming naging close ni Bea nun at si Ian naman kahit kakakilala ko palang eh magaan na agad yung loob ko sa kanya. Lagi kaming magkakasamang tatlo,  Sila din yung mga naging bestfriend ko nung high school.

Second year high school kami ng umamin sakin si Ian ng nararamdaman niya. Inaya niya kong magmall tapos nung pauwi na kami bigla siyang nagsalita.

"Sophia. may gusto sana akong sabihin sayo." - Ian

ano yun? -me

"Sophia, im inlove" - Ian

Nagulat ako sa sinabi niya, kase hindi naman si Ian yung tipo ng tao na nagkwekwento tungkol sa nararamdaman niya.

oh talaga? naks! binata ka na hahaha.

kanino ka naman inlove ha? - me

"SAYO"  - Ian

hahaha sakin? - me

"Sophia.. I think I love you." - Ian

(O______O)

"Sophia?" - Ian

Ian.. kase ano eh..

"Ayaw mo ba sakin? " - Ian

Hindi sa ganon. Kaso Ian diba masyado pa tayong bata? Second Year highschool palang tayo. Wala pa nga sa isip ko yang love na yan e.

"Okay lang sakin. Sophia, maghihintay ako hanggang sa maging ready ka na." - Ian

okay ^_________^

Matapos nun hindi nga sumuko sakin si Ian, halos isang taon siyang nanligaw sakin. Nung mga panahong nanliligaw siya, nainlove na ko sa kanya kaya nasabi ko sa sarili ko na handa na kong pumasok sa relasyon.

Third year ako nung sinagot ko si Ian. Paulit ulit niyang sinabi sakin na masayang masaya siya.

Nung kami na, parang kumpleto na yung pagkatao ko, sobrang saya ko na nasakin si Ian.

"Sophia, alam mo ba ngayon lang ako naging masaya ng ganto ?" - Ian

hindi ko alam.. - me

"Sophia naman e! panira ka!" - Ian

Hahaha sorry naman. ako din naman masaya eh.

"Mahal kita sophia"

Mahal din kita Ian.

Nagtagal kami ng isang taon at wala pa ring nagbago, lagi niya kong hatid sundo sa bahay, lagi kaming lumalabas at legal na rin kami sa family namin. MASAYANG MASAYA KAMI NI IAN. Lagi nga nila kaming inaasar na hindi na nila kami mapaghihiwalay haha. Pag-graduate namin ng highschool, sa isang isang university lang kami pumasok dahil ayaw naming mahiwalay sa isa't-isa.

Nung nagcollege kami, minsan na lang kaming magkita kase nagiging busy na kami pero pag may free time naman, lagi kaming magkasama. Masaya pa rin kami hanggang sa nagbreak kami nung second anniversary namin.

** END OF FLASHBACK

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na wala na sakin yung lalaking mahal na mahal ko, wala na yung lalaking gusto kong makasama habang buhay.

Our memories are the paradise of my life..

The memories that I will never forget.

Sa sobrang lungkot ko, hindi ko na naramdaman yung gutom. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makatulog ako.

A/N:

Umpisa palang pero sawing sawi na si Sophia. Naeexcite na kong gawin yung next chapter. Salamat pala sa mga nagbabasa netong story ko. GODBLESS!

-PD

A Summer Where It All Started.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon